𝗧𝗘𝗦𝗦𝗬
YUIJI MOIRA VERDIN POV
Tulala akong nakahiga sa kama, nakatingin lamang ako sa kisame nitong kwarto.
“𝑰 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖... 𝒂𝒏𝒅 𝑰 𝒄𝒂𝒏'𝒕 𝒉𝒖𝒓𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒐𝒎𝒆𝒏 𝑰 𝒍𝒐𝒗𝒆”
Bigla kong naalala 'yong sinabi niya nong gabing 'yon.
Malinaw na malinaw parin sa'kin 'yong sinabi niya.
Mahal niya ako?
Napahawak ako sa labi ko at wala sa sariling napangiti kahit ilang araw na 'yong lumipas nang mangyari 'yon pero bakit ramdam ko parin 'yong lambot ng labi niya at tamis ng halik nito.
“Ang sarap palang humalik ng Isang knight quantum hehehehe—SH*T ANO BANG NANGYAYARI SA'YO?!” Napatigil ako sa pag bungisngis at mahinang pinalo ang pisnge ko.
Napabalikwas ako ng bangon ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Betty.
“Ano ba Betty! Hindi kaba marunong kumatok?!” Inis kong singhal dito.
“Eyy sorry na! May sasabihin kasi ako” Usal nito at mabilis na umupo sa tabi ko.
“Really? I'm sorry but I'm not interested so get out” Pagtataboy ko dito.
Wala akong ganang makinig sa kanya ngayon, alam ko namang tungkol kay Ivan na naman yong pag uusapan namin.
Nakakairita na! Puro nalang Ivan!
“Wehh sure ka? Ayaw mong marinig?”
“Yes betty” Napairap naman ito dahil sa sagot ko pero agad ding ngumisi.
Tumayo ito at pinag bagan ang yuniporme nito.
May mga yuniporme kasi dito 'yong katulong ni knight at ako lang 'yong wala kasi babysitter lang naman ako hindi katulong kaya mga pambahay lang 'yong sinusuot ko.
“Ok? Mukhang hindi ka talaga interesado sa sasabihin ko tungkol kay sir KNIGHT, hayyy sige aalis na ako” Tumalikod na ito at akmang maglalakad na ng mabilis kong hinawakan ang isang kamay nito.
“S-sandali..” Pagpipigil ko dito “Tungkol kay knight 'yong sasabihin mo?”
Lumingon ito sa'kin na may matamis na ngiti.
“Yes! Pero mukhang ayaw mo naman kaya aalis na lan—”
“Sige na m-makikinig na ako baka kasi mag t-tampo kapa” Kunwaring napipilitan kong sabi.
“Ok” Bumungisngis ito at umupo ulit sa kama “Sabi mo eh”
Napatikhim naman ako at nag iwas mg tingin.
“So.. Anong meron kay knight?”
“Ahh may pumunta kasi ngayon ditong babae tapos hinahanap si sir knight”
Agad kong ibinalik ang tingin sa kanya at binigyan ng nagtatanong na tingin.
Babae?
“Sino?” Tanong ko
“Ewan hindi ko kilala pero nasa sala sila ngayon ni sir knight at nag uusap at alam mo ba? Mukhang close 'yong dalawa!”
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito at agarang tumayo.
“Oh saan ka pupunta?” Nakangising tanong sa'kin ni Betty.
Napiwas ako ng tingin.
“Pupuntahan kona 'yong magkambal” Usal ko at nag lakad na paalis narinig ko pa ang halakhak nito.
YOU ARE READING
Abducted By A Mafia Boss
Mystery / ThrillerKNIGHT QUANTUM (MAFIA BOSS SERIES ONE) UNDER EDITING!!