CHAPTER 49

2.4K 44 0
                                    

𝗫𝗜𝗢

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Napabuntong hininga akong bumangon sa pagkakahiga sa kama, Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari sa'kin kanina.

Pagkatapos patayin ni Knight si Luca ay pinahatid niya ako kay clark, Hindi ko alam kong bakit hindi siya sumama kasi ang sabi niya lang sa'kin. 'I need to clean this mess' daw.

Hindi rin ako nakaimik kasi gulat parin ako sa nangyari.

Nakarinig ako ng katok sa may pinto ng kwarto ko at pag bukas ng pinto.

Nang lingonin ko 'yon ay nakita ko lexi na papalapit sa'kin.

“Ate yuiji” umupo ito sa tabi ko at niyakap ako.

“Narinig ko po 'yong nangyari , a-are you ok?” tanong nito.

Napangiti naman akong yumakap pabalik sa kan'ya.

Ang sweet ng batang ito may kamalditahan nga lang minsan.

Humiwalay ako pagkakayakap sa kan'ya at hinawakan ang pisngi nito.

“Yes, I'm ok lexi” ngiting kong saad at nanggigil na kinurot ang pisngi nito.

Ang cute!

“Ouch, stop ate! It's so masakit” tinanggal nito ang kamay kong nakakurot sa pisngi niya at hinipo ito.

Napapout itong tumingin sa'kin.

“HAHA sorry po” Saad ko pero maya maya pa ay naging seryoso ang mukha ko “I need to tell you something”

Napakunot ang noo nito.

“Hwag kang magagalit sa kuya mo kapag sinabi ko ito ha”

Nagtataka itong tumango sa'kin.

“Yeahh, so..what is it ate?”

Bumuntong hininga mo na ako bago nagsalita

“Hindi ako bastang babysitter lang, kinidnapped ako ng kuya mo Lex—”

“Ahh yon ba? Alam ko na po 'yon ate matagal na” pag puputol nito sa sasabihin ko.

“What? How?!” gukat kong tanong.

“Narinig ko pong sinabi yon ng mga kaibigan ni kuya ng mag usap sila”

Gulat ako napatango, alam niya pala matagal na!

“Pero bakit sinasabi mo sa'kin ate?” tanong nito.

“Eh kasi gusto ko lang mag paalam sa'yo, babalik na ako sa amin.” saad ko.

Napatigil naman ito at maluha luhang tumingin sa'kin

“Pero babalik kaba dito?” mabilis akong tumango sa tanong nito at mabilis itong niyakap.

“Oo naman, aalagaan pa kita. May aayusin lang si ate tapos non babalik ako” bulong ko.

“Promise?”

“Promise lexi”

“Lexi nand'yan kaba?” Mabilis kaming humiwalay sa pagkayakap ng pumasok si Betty.

“Sabi ko na nga bang nandito ka, halika na at matulog gabi na oh” Sabi pa nito bago tumingin sa'kin “Papatulugin ko lang to tapos Ikaw magpahinga kana rin dahil bukas mag uusap tayo” bulong nito sa'kin.

“Alis na ako ate” paalam ni lexi na tinanguan at nginitiaan ko lang.

“Good night lexi”

~

Nagising ako ng maramdaman ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko.

Nang tingnan ko iyon ay isang matipunong braso.

Tumingala ako at nakita ko ang malamig at walang emosyong magandang mga mata ni knight.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

“Knight? K-kanina kapa ba dito?” tanong ko.

“Yeah” Maikling sagot nito at inayos ang ilang hibla ng buhos na humaharang sa mukha ko.

“B-bakit ka nandito? Dapat nag papahinga ka sa kwarto mo” Giit ko..

“I know, kaya nga ako nandito dahil magpapahinga ako kasama ka”

Sh*t? Ano daw?

Ramdam ko ang bumalot na init sa mukha ko.

“Pero..” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng yumakap ito ng mahigpit sa'kin at isiniksik ang mukha nito sa dibdib ko.

“K-knight” dapat ko ba siya itulak? P-pero parang ayuko!

“Shhh..I'm going to sleep”

Napakagat ako sa labi.

Gusto kong mag thank you at mag sorry sa kan'ya pero paano ko gagawin 'yon? Kng ganito ang posisyon namin?!

Gusto kong ma thank you sa pagliligtas niya sa'kin at mag sorry dahil sa ginawa ko sa kan'ya ng mag video call kami.

Pero sa huli hinayaan ko na lamang itong matulog at nakatulog na din akong nakayakap sa kan'ya.

Bukas na lang, may bukas pa naman eh..

{KEVIN XIO VERDIN POV}

“Sigurado kabang number 'to ni knight?” tanong ko kay roger habang nakatingin sa pirasong papel na may nakasulat na mga numero.

“Yes sir” Sagot nito.

“Ok, you may go” yumuko mo na ito sa'kin bago umalis.

Kailangan kong makasigurado na wala ang kapatid ko sa puder ni knight, na hindi siya ang dahilan kaya nawawala ang kapatid ko.

Dahil kapag nalaman kong may kinalaman siya, mapapatay ko siya. Papatayin ko siya gaya ng pag papatay ng tatay niya sa magulang ko.

{YUIJI MOIRA VERDIN POV}

Nagising akong wala ng knight sa tabi ko.

Nasaan kaya 'yon? Bumalik kaya siya sa U.S?

“Mabuti at gising kana!” lumapit sa'kin si Betty “Alam mo bang kanina pa ako pabalik balik dito sa kwarto hinihintay kang nagising, gusto na sana kitang gisingin kaso baka magalit si sir knight”

Napatutop ako sa bibig ko, Nakita nya kaya kaming ganon ang posisyon?!?

Sana naman hindi..

“A-anong sabi niya sa'yo?” Tanong ko.

“Sabi niya hwag kadaw gising eh, kaya ayon nag hintay akong magising ka” Sabi nito.

Napatango naman ako.

“Nang pumunta kaba dito a-ano 'yong nakita mo?” Tanong ko

Baka kasi nakita niya kaming magkatabi tapos kong anong isipin niya!!!!

“Basta nong papunta ako dito sa kwarto mo nakasalubong ko siya at tinanong niya kong pupunta daw ba ako sa'yo, tapos sagot ko 'oo' tapos sabi hiya hwag kitang gising with matching cold stares kaya ng makita kitang tulog hindi na kita ginising”

Nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin niya 'yon...

Mabuti naman hindi niya kami nakita.

“Hala! Wait may pupuntahan lang ako babalik din ako nakalimutan kong gisingin 'yong mag kambal” Sabi nito sa'kin at mabilis na umalis.

Napahawak naman ako sa dibdib ko, kinabahan ako don ha.

Pero muntik na akong mapatalon sa gulat ng makarinig ako ng ingay..

Nanglumingon ako sa may study table ay nakita doon ang Isang cellphone.

Kinuha ko ito at nakitang may tumatawag.

Mmm? Kay knight siguro 'to?

Unregistered number 'yong tumatawag kaya wala akong nagawa at sinagot na lang ito baka kasi importante.

“Hello, sino 'to?” Tanong ko.

“Y-yuiji?”

Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ng marinig ko ang boses ni kuya sa kabilang linya.

“Kuya 𝒙-𝒙𝒊𝒐..”

A-anong gagawin ko?!!

END OF CHAPTER 49

Abducted By A Mafia BossWhere stories live. Discover now