𝗧𝗛𝗔𝗡𝗞 𝗬𝗢𝗨 𝗚𝗜𝗙𝗧
YUIJI MOIRA VERDIN POV
“Hindi parin ako m-makapaniwala hanggang sa ngayon sa nakita ko” Usal ni betty at napatingin sa'kin.
Bakas na bakas parin sa mukha nito ang gulat sa nakita kanina.
Ako naman ay nahihiyang napangiti, mukha lang talaga ako kalmang tignan pero sa loob loob ko gusto ko ng mag sisigaw at mag palamon sa lupa dahil sa nangyari.
“Ako rin, subra” Hindi ko pinansin ang pag singit ni clark.
Nasa living room kami ngayon, ako at si betty ang nandito. Iisipin ko na lang na walang clark na feeling close na nakikinig sa usapan namin.
Wala dito si knight at yong mag kambal pagkatapos kanina eh niyaya nila si knight lumabas sandali gusto nga ni Lexi na sumama pero hindi ko kaya, sa nangyaring kanina? Sa Nakita nila? Ayuko silang harapin!
Napilitan nga lang akong harapin si betty dahil ang sama ng tingin n'ya sa'kin.
“Gosh yuiji! Pwede namang sa kwarto n'yo gawin 'yon?!” biglang sigaw ni betty ng makabawi ito sa gulat. “Alam mo bang nakita kayo ng mga bata!”
“Tama! Tks! Tks!” singit ni clark.
“Alam ko, alam kong mali pati nga ako nagulat sa nangyari hindi ko naman akalaing darating kayo! Wala akong powers para malaman 'yon!” pag tatanggol ko sa sarili.
“Ma'am yuiji is right, betty” patango tangong usal ni clark.
“Pero pwede n'yo namang gawin yon sa kwarto hindi sa kusina! Alam n'yo naman ang pag kakaiba ng kusina at kwarto diba?!”
“Halaa oo nga k—”
“Isa pang singit clark mapapatay na talaga kita!!” agad naman itong tumigil at parang maamong asong ngumiti sa'kin.
Inis naman akong tumayo at tinignan si betty.
“Tara labas tayo, I want to spend my day with you at ituloy na lang nating 'yong pag uusapan natin habang nag s-shopping tayo may bubuyog kasi ditong panay sapaw” pag paparinig ko kay Clark.
“Umm sige isama na din natin si ivan” Usal ni betty.
Napangiti ako ng banggitin nito ang pangalan ng lalaking 'yon, sila na kaya?
Aalis na sana kami ng bigla kaming pigilan ng tukmol na 'to.
“Sasama ako, baka mapagalitan ako ni boss knight kapag malaman n'yang pinabayaan ko kayong umalis. Sa akin kapa naman n'ya binilin ngayong araw, promise behave lang ako!”
Napatingin ako kay betty at nakita ko itong napatango, kaya wala akong nagawa at isinama na lang namin ito.
Tinupad n'ya naman ang sinabi n'ya mag bebehave s'ya.
Wala naman talaga akong balak bumili ang gusto ko lang ay malibang habang hinihintay matapos si betty sa pamimili, Sabi n'ya kasi sa'kin may bibilhin lang s'yang appliances para sa kusina.
Nasa parte ako kong saan ang mga damit at nasa parte naman ito ng mga kitchen appliances.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid bakit parang wala ata akong nakikitang mga tao? Bakit parang kami lang ang nandito?
“Bakit ganon? Tayo lang ang nandito ngayon..” tanong ko at tumingin kay clark na nasa gilid lang at nakatingin sa'kin.
“Yan kasi 'yong gusto ni boss knight” sagot nito at ngumiti.
Napatawa naman ako.
“Oh bakit nasama 'yong amo mo? 'wag mong sabihing ipinasara n'ya 'yong mall dahil nandito ako? Imposible!” Usal ko at ibinalik sa damit ang tingin pero mabilis ding napalingon kay clark ng wala akong nakuhang sagot.
“Hindi nga?! Ipinasara n'ya ba talaga 'to dahil nandito ako?!”
“Yes ma'am”
“Gago ba s'ya?! Paano 'yong may ari ng mall hindi ba 'yon magagalit?!” gulat kong tanong.
May sipon ba ang utak ng mafia boss na 'yon?
“Hindi ma'am s'ya naman kasi 'yong may ari nito”
Napatulala ako at hindi magawang makapag salita.
G-ganon ba s'ya kayaman?! Itong sikat na mall na 'to ay s'ya ang may ari?!
“Sinabi ko kasing dito n'yo balak pumunta kaya—” sinamaan ko ng tingin si clark at mabilis na kinuha ang phone ko para tawagan si knight.
Sinagot n'ya naman agad ang tawag ko.
“Hi baby—”
“Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo pinasara ang mall para lang sa'kin? May saltik kaba?!” walang prenong usal ko.
“Mm? Just think of it as a thank you gift” Sabi nito.
“T-thank you gift—ano?” nagugulohang kong tanong
“Nagustohan ko kasi 'yong ginawa mo kanina, pwede ulitin natin? Don't worry sa kwarto kuna Hindi na sa kusina—”
“Tseee!” pagpuputol ko dito narinig ko pa ang tawa nito bago ko patayin ang tawag.
Napatingin ako kay clark at sinamaan ko ito ng tingin.
“Parihas lang kayo ng amo mo, may mga saltik kayo sa utak! Mga mafia ba talaga ka'yo?!”
“Huh?! I didn't do anything!” nagugulohang nitong tanong.
Iniwan ko naman ito at pumunta kay betty pero hindi si Betty ang nakita kong hindi ay si ivan, Tama isinama n'ya pala ito kanina.
“Where is she?” tanong ko.
Napatingin naman si ivan sa'kin at napayuko.
“May pinuntahan lang babalik din s'ya” sagot nito.
Natahimik ako at lumapit sa parte kong saan naka display ang mga kutsilyo at kinuha ang isa dito.
Ramdam kong pinag mamasdan lang ni Ivan ang galaw ko.
Kami lang dalawa magandang oras 'to para...
Mahigpit kong hinawakan ang kutsilyo at itinutok ito kay Ivan.
“I know you're the traitor, ivan”
Natigilan ito pero maya maya ay nakita ko ang unti unting pag angat ng gilid ng labi nito. Gotchaa!
END OF CHAPTER 72