CHAPTER 37

2.1K 45 0
                                    

𝐌𝐑. 𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐑𝐒. 𝐕𝐀Z

YUIJI MOIRA VERDIN POV

“Ayan! Nakaligo na kayo!” Pakikipag usap ko sa mga halaman ng matapos ko silang diligan.

Napangiti na lang ako ng makita kong gaano kaganda 'yong mga halaman dito sa harden.

Hindi talaga ako mahilig sa mga bulaklak pero sa pagtatagal ko dito sa mansion nila knight at pag punta dito araw araw na kita ko na lang ang sarili kong gandang ganda nasa mga bulaklak.

Tutal tapos naman ako sa pandidilig ay napag desisyonan ko ng pumasok sa loob ng mansion.

Pero napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong ko knight.

Hindi ko alam kong anong gagawin!

Tatakbo ba ako pabalik sa garden o ano?!?

Pero laking gulat ko ng lagpasan lang ako nito at nag patuloy sa paglalakad na parang hindi ako nakita.

S-seryoso?

Nilingon ko pa ito pero kahit Isang sulyap manlang niya sa'kin hindi niya ginawa, may galit ba ito sa'kin?!

Mga ilang araw narin ang nakalipas mula nong nakausap ko siya sa kwarto niya.

Ramdam na ramdam ko parin hanggang ngayon ang higpit ng pagkakahawak ni knight sa'kin non sa braso.

Nagtataka na ako, simula kasi ng makausap niya 'yong mommy niya hindi niya na ako kinakausap.

Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad.

Kausapin ko siya sa susunod!

Pumasok ako sa kwarto ko at naligo pawis na pawis na kasi ako.

Nang matapos akong maligo ay pupunta na ako sa kwarto ng mag kambal, makikipag kwentohan lang.

Naging mas malapit na kasi ako sa kanila pero minsan si lexon hindi ako kinikibo kapag tinatanong ko siya, bipolar parang kuya niya lang tss!

“I didn't expect that this is your house Mr quantum ang laki at ang ganda!”  Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng mga boses.

Naglakad ako papalapit sa may sala at doon nakita si knight at ang mga kaibigan nito na may kausap na Isang lalaking at babae.

Parang hindi nalalayo ang edad nila kay knight.

Tumango lang si knight bago Itinuro ang upoan.

“let's have a seat Mr. Vaz and Mrs. Vaz” Malamig na usal nito

Mr and Mrs? Mag asawa ata!

“Oh yeah sure!” Mukhang masayahin itong Mr. Vaz pero bakit parang masama ang pakiramdam ko sa kan'ya?

“What do you want to drink Mr. Vaz and mrs. Vaz” Tanong nong isang kaibigan ni knight.

Kilala ko 'to eh! Sino ba ulit 'to?...

Mmm..ah! Siya si Clark!

“Hindi ako na uuhaw” Malditang Sabi nong si Mrs Vaz.

“Juice na lang and please stop the formality kahit Robert na lang, Clark” Ngising sabi nitong si Mr. Vaz kay Clark.

“Sabi mo eh!” Tumatawang usal nito bago linibot ang paningin “Betty!!”

Nagulat ako dahil biglang sumigaw itong si Clark.

“Knight na saan na ba 'yong maid mo?” Tanong nito at tumingin sa seryosong si knight.

Bigla akong kinabahan.

Abducted By A Mafia BossWhere stories live. Discover now