𝗣𝗔𝗚 𝗦𝗔𝗕𝗢𝗚
YUIJI MOIRA VERDIN POV
“Anong nangyayari bat hindi lumaban si Mr. Quantum?”
“Ang lakas pala ni Mr. Verdin pare!”
“Mukhang mapapatalsik na si quantum!"”
“It's just me or hindi talaga lumaban si Mr. Quantum? We all know that he is capable of killing someone in just a one snap?! But why he's not fighting back?!!”
Mga bulongang naririnig ko sa paligid, tama sila hindi lumalaban si knight.
Minsa sinasalo niya o iniiwasan ang mga atake ni kuya xio sa kan'ya pero hindi s'ya lumalaban.
Anong gagawin ko? Hindi pwedeng tumunganga lang ako dito habang unti unting pinapatay ni kuya xio si knight!
Lumingon ako sa paligid, Anong pwede kong gawin para matigil Sila?
Arghh! Wala akong ibang na iisip na paraan kundi Isa lang, 'yon ay ang pigilan ko sila.
Ako.
Oo ako, ako mismo ang pipigil sa kanila.
Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa gitna kong nasaan ang ring.
Dahan dahan lang ang ginawa kong paglalakad nanghihina ako kapag nakikita ko kong paano hindi lumaban si knight, ganon niya ba talaga ako kamahal?
Handa niyang isakripisyo ang lahat para lang sa akin?
May nag tangka pang pumigil sa'kin pero mabilis ko agad itong sinipa na ikinaagaw ng atensyon ng ibang nanonood.
Napatitig ako kay kuya, Wala itong tigil sa ginagawang pag sipa kay knight.
Wala ba s'yang awa?
“TAMA NA!!” malakas kong sigaw.
Napatigil ito at napatingin sa'kin pati si knight ay nagawa pa akong lingonin kahit na sa sitwasyon nito.
Nakita ko ang pag kunot ng noo ni kuya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
Oh ano bakit lalaban ka? Kong hindi lang kita kapatid pinatulan na kita! Look ohh anong ginawa mo sa knight ko!
Taas noo akong pumasok sa ring at hinarap ang seryosong si kuya xio.
Palihim ko namang sinulyapan si knight na nakahiga sa sahig at puno ng pasa ang mukha.
“Who are you?” seryusong tanong ni kuya ng makabawi na ito.
“Ako? I am your—” sister...
Patay! Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya kong sino ako.
Napatakip ako sa bibig ko at wala ng balak magsalita.
“Who is she? Ang lakas naman ng loob niya para pigilan ang laban ng dalawang taong nakakataas!”
“She's dead, I'm sure”
Talagang patay ako!
Tumayo ng diretso si kuya xio at nag lakad ito papalapit sa'kin.
Ohh ano? Nasaan na tapang mo moira?!
Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko sa subrang lakas nito feeling ko maririnig din ito ni kuya dahil sa subrang lapit niya sa'kin.
Hinawakan nito ang maskara ko at unti unti itong tinanggal sa'kin.
Napapikit ako.
“Yuiji?”
Idinilat ko ang mga mata ko at ngumiti kay kuya.
“H-hi kuya?” kumaway pa ako sa kan'ya.
“Did she just called him brother?”
“Mag kapatid sila?!”
“Siya ba 'yong kapatid ni xio?!”
Hindi pinansin ni kuya xio ang mga bulungan ng mga tao.
“What are you doing here?!” Inis na tanong nito.
“A-ano gusto ko lang—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may malakas na pag sabog ang nangyari malapit saamin.
Naramdaman kong may yumakap sa akin. Para bang prinoprotektahan ako nito sa nangyaring pag sabog.
Makalipas ang ilang minuto idinilat ko ang mga mata ko at nagulat ako ng makita kong si knight pala ang nakayalap sa'kin ngayon.
Nilingon ko si kuya at nakitang nakaupo na ito sa sahig lalapitan ko na sana ito ng mabilis itong tumayo at lumapit sa akin na parang walang nangyari pag sabog.
Ganito ba kapag mafia ka? Nagiging manhid ka? Ito kasing si knight kahit binogbog na ni kuya xio ay nakatayo ito sa tabi ko na parang hindi masakit 'yong katawan!
Napatingin ako ngayon kay knight teka nga, ang bilis niya namang makalapit sa akin?
Linibot ko din ng tingin ang buong paligid at napansing malapit talaga saamin ang nangyaring pag sabog.
Napatingin ako sa mga kaibigan ni knight na papalapit sa'min pati na din 'yong mga kaibigan ni kuya xio.
“ok lang kayo?” tanong ni Zion.
Pati 'tong lalaking 'to nandito? Don't tell me mafia din siya?!
Tumango naman si knight at si kuya sa kan'ya.
Napansin siguro ni Zion na nakatingin ako sa kan'ya kaya lumingon ito sa'kin at kinindatan ako.
Inirapan ko lang ito at umayos ng pero..
“Arghh!” daing ko ng maramdaman ko ang kirot sa braso ko.
Nakita kong may dugo doon, parang Isang daplis mula sa matalim ba bagay.
Siguro dahil sa nangyaring pag sabog kanina.
“Are you ok?” nag aalalang tanong ni knight.
Ngumiti naman ako at tumango.
“Your bleeding” Usal ni kuya at hinawakan ang braso ko.
“Ok lang ako ano ba kayo” natatawag saad ko at tinitigan ang braso kong may sugat.
Parang daplis lang eh!
Napatingin ako ulit kina kuya xio at knight at unti unting na wala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang mga seryuso nilang mukha.
“Who f*cking did this?” kuya said in terrifying tone.
Lumapit naman sa kaniya si Roger at may ibinulong at pag pagkatapos nun tumingin si kuya kay knight at may ibinulong din ito sa kan'ya.
Woyy bat bigla kayong naging mag close? Kanina lang parang nag papatayan na kayo ah!
A-ano to? Anong ibinulong bulong niyo.
“That fool's, they didn't know their place” knight grinned.
Napalunok ako sa nakikita ko ngayon, hellooo daplis lang naman to ohh!
END OF CHAPTER 63
YOU ARE READING
Abducted By A Mafia Boss
Mystery / ThrillerKNIGHT QUANTUM (MAFIA BOSS SERIES ONE) UNDER EDITING!!