CHAPTER 54

1.7K 43 0
                                    

𝗞𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧?

YUIJI MOIRA VERDIN POV

Nakatingin ako ngayon sa mansion namin, 7am na ako nakarating rito.

Mabuti na lang may dala akong pera pambayad sa taxi hindi ko naman pwedeng tawagan si kuya para sundoin ako dahil iniwan ko 'yong cellphone na ibinigay ni knight sa'kin sa mansion nila.

Nag doorbell muna ako at ilang sandali lang bumukas agad ito.

Nagulat ang panga ang guard ng makita ako ngunit ngumiti lang ako sa kan'ya at agad na pumasok.

“Yuiji iha? Ikaw ba 'yan?!” natigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa'kin.

Nakita ko ang na iiyak na si Mr.lee na papalapit sa'kin.

“Mr. Lee!” ngumiti ako dito at niyakap ito ng mapalapit na s'ya sa'kin. “Namiss po kita!”

“God! How are you? Are you ok iha? Nalaman ko ang nangyari sa'yo sinaktan kaba nila?”

“I'm perfectly fine po, look!” umikot pa ako upang ipakita sa kan'ya na ayos lang ako.

Nakahinga naman ito ng maluwag.

Si Mr. Lee 'yong nag sisilbing ama namin ni kuya matalik din s'yang kaibigan ni daddy nong nabubuhay pa ito.

Nag tatrabaho din s'ya dito sa'min.

“Nasaan po si kuya?”

“Nasa itaas siya iha, nasa office siya” tumango naman ako.

“Sige po pupuntahan ko lang si kuya”

“Gusto mo bang samahan kita?” umiling agad ako sa tanong nito.

“ 'wag na po alam ko naman 'yong daan papunta doon, dito kaya ako nakatira!” Usal ko at mahinang tumawa.

Sandali pa kaming nag kwentohan bago ko ito ewan para puntahan si kuya xio.

Nang nasaharapan na ako ng opisina n'ya ay hindi na ako kumatok at agad na itong binuksan.

Nakita ko itong nakahiga sa malaking couch at natutulog.

Dahan dahan ko itong nilapitan, lumuhod ako sa harapan nito para magkapantay kami.

Hinawakan ko ang pisngi nito at maingat na hinaplos.

Nakaramdam ako ng awa ng makita ko ang itsura nito, magulo ang buhok tapos ang itim ng ilalim ng mata nito.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Mr. Lee sa'kin kanina.

“𝑨𝒍𝒂𝒎 𝒎𝒐 𝒃𝒂? 𝑨𝒏𝒈 𝒌𝒖𝒚𝒂 𝒎𝒐 𝒎𝒊𝒏𝒔𝒂 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒏𝒂 𝒌𝒖𝒎𝒂𝒌𝒂𝒊𝒏 𝒂𝒕 𝒌𝒖𝒏𝒕𝒊 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒈 𝒌𝒂𝒌𝒂𝒉𝒂𝒏𝒂𝒑 𝒔𝒂'𝒚𝒐 𝒊𝒉𝒂”

Gumalaw ito at dahan dahang idinilat ang mga mata.

Kita ko sa mukha nito ang gulat ng makita ako.

“Yuiji?”

Ngumiti ako.

“Hi kuya” Mahinang Usal ko.

Mabilis itong bumangon at mahigpit akong yinakap.

“You're finally here!”

~

“Sorry po kuya ng dahil sa'kin ang pangit mo na ngayon” Nakangusong Usal ko.

Nang magising ito kanina at mahimas masan tinanong ako nito jong kumain naba ako tapos sabi ko hindi kaya ito inaya n'ya akong kumain.

“Akala ko hindi kana ibibigay ni knight sa'kin at kapag ginawa n'ya 'yon mapapatay ko s'ya”

Napaubo ako dahil sa sinabi nito kaya agad akong uminom ng tubig.

“Kuya naman eh! Kaya nga hindi ko na tinapos ang dalawang araw na ibinagay mo at umuwi na agad dahil baka sumugod ka dun at ayukong mangyari 'yon! Baka may masaktan sa inyong dalawa ni knight” Usal ko

Natigil itong kumain ay seryoso akong pinagmasdan.

“Nag aalala kaba kay knight?” Malamig natanong nito sa'kin

Sasabihin ko na ba sa kan'ya na nililigawan ako nun?

“E-eh kuya ano—” Pinutol nito ang sasabihin ko.

“Tandaan mo yuiji, s'ya ang dahilan kaya nahiwalay ka sa'kin ng ilang buwan at hindi ko siya magawang saktan dahil nakiusap ka sa'kin pero sa oras na lapitan ka n'ya o hapawakan man lang kahit hibla lang ng buhok hindi ko maipapangakong tutuparin ko ang pangako ko sa'yo”

Tumayo ito at iniwan ako.

“Paano na 'to? Parang ang hirap nilang paglapitin ulit” bulong ko.

~

Lumipas ang araw, linggo at buwan ngayon lang ulit ako nakalabas ng mansion namin dito sa probinsya.

Yes, nasa probinsya ako ngayon ng makauwi ako agad akong pinapunta ni kuya dito hindi pinapalabas.

Nakiusap kasi talaga ako kay kuya na gusto kong makausap ang kaibigan kong si sabrina.

“Kamusta kana? Ilang buwan din tayong hindi nagkita yuiji!” Naiiyak na usal ni sabrina ng magkita kami sa Isang coffee shop.

“Ayos lang” tipid akong ngumiti.

“Totoo bang nakidnapped ka?”

Napakamot ako ng ulo.

“Pwede bang iba na lang 'yong pag usapan natin?” nakangiti kong tanong.

“Y-yeah sure! Ano umm..sasusunod mag shopping naman tayo! You know I really miss you!....” Daldal lang ito ng daldal pero hindi ko magawang makinig sa kan'ya.

Nakatingin lang ako sa labas ng caffe shop, glass kasi ito kaya makikita mo 'yong nagyayare sa labas.

Dalawang buwan na akong na nanatili sa mansion namin nong pa uwj ko hindi ako pinalabas ni kuya at hindi rjn ako pinagamit nong phone para daw sa safety ko, kaya hindi ko matawagan sina bettey hindi ko maitanong kong kamusta naba sila, kong kamusta na ba si knight..

Miss ko na ang masungit na lalaking 'yon hindi ko manlang s'ya nasagot sa panliligaw nito sa'kin.

Natigil ako sa pag iisip ng may makita dalawang pamilyar na pigura.

Lexon? Lexi?

Napailing ako imposible!

Nasa probinsya ako, imposibleng sila 'yan!

Papalapit ng papalapit sila sa coffee shop kong nasaan kami ngayon.

Napatayo ako ng makita ko kong sino ang kasama nila.

K-knight? Nandito Sila?!!

“Hey yuiji are you okay?” Hindi ko pinansin ang tanong ni samantha sa'kin.

Pumasok sila dito sa coffee shop at ako naman ay tulala lamang nakatingin sa kanila.

Napatitig ako sa magkambal meyo tumangkad sila ng kunti hindi nila ako napansin at dumiretso lang sa isang available na misa.

Ibinalik ko naman ang tingin ko kay knight at halos sumabog ang puso ko ng makitang nakatingin na pala ito sa'kin.

“Knight” Mahinang bigkas ko sa pangalan nito.

Ngumiti ako dito ng maglakad ito papalapit sa'kin ng may seryosong mukha.

Akala ko ay yakapin ako nito pero hindi ko inaasahan ang sunod nitong ginawa linagpasan lamang ako nito na parang hindi kilala.

Parang pinag piraso piraso ang puso ko dahil sa ginagawa n'ya at maslalo akong nasaktan ng makita ko ang isang babaing nakahawak sa braso nito.

Hindi ito si tessy..

Napalingon ako sa pwesto nila at kitang kita Ng dalawang mata ko kong paano n'ya alalayan ang babae.

𝑺𝒂𝒃𝒊 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒕𝒂𝒚𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒂𝒌𝒐 𝒆𝒉..

AUTHOR'S NOTE: 'wag masyadong mag overthink ok? HAHAHA.

END OF CHAPTER 54

Abducted By A Mafia BossWhere stories live. Discover now