𝗪𝗢𝗨𝗡𝗗𝗦
YUIJI MOIRA VERDIN POV
Hindi kona na pigilan ang sariling kong sumigaw dahil sa sinabi nito.
“GAGO KABA?! HA!” Hinarap ko ito “HINDI AKO NAKARANAS NG FIVE ROUNDS BWESIT KA! KITA MO TO!” Tinanggal ko ang tsinelas sa paa ko at ipinakita ang mga sugat sa talampakan ko.
As in itinaas at iniharap ko talaga yong paa ko sa mukha nito dahil sa subrang galit.
“NAG KASUGAT AKO DAHIL PUMUNTA AKO SA KWARTO MO NA PUNONG PUNO NG MGA BASAG NA GAMIT, OKAY? GETS MO?! KAYA HINDI AKO NAKARANAS NG FIVE ROUNDS!!!” Hinihingal kong ibinaba ang paa ko.
Nakakahingal pala kapag sumisigaw ka ano?
“Did you just shouting on me Miss Moira?” Hindi makapaniwalang tanong nito sakin.
“OO! BAKIT M—” Natigilan ako at napatakip ng bibig.
Oh my God!
Titig na titig ito sakin.
B-bakit ko ba siya sinigawan?! Paano kong patayin niya na lang ako bigla?
“A-ano hindi naman kita sinisigawan n-na gulat lang ako dahil sa sinabi mong ano. Yong five rounds hahaha” Awkward ako tumawa.
Ayan katangahan mo kasi!
Hindi parin ito nag salita, paano kong iniisip na nitong patayin ako kaya siya tahimik?
“Sige aalis na ako” Baka mapatay mo pa ako
Tumalikod na ako at nag simula ng maglakad.
Bakit kasi ang tanga tanga ko?
Bakit ko ba kasi siya sinigawa—
“KYAHH!!” Napatili ako sa subrang gulat ng may bumuhat sakin.
“K-knight? Anong ginagawa mo?” Takang tanong ko dito.
B-bakit niya ba ako binubuhat ngayon?!
“Ibaba m-mo ako” kanakabahan kong usal.
Hindi naman ito umimik at nahpatuloy parin itong maglakad.
Maslalong dumlble ang kabang nararamdaman ko ng umakyat ito sa may hagdan.
H-hwag mong s-sabihing.. ihuhulog niya ako dito sa may h-hagdan!?!
Bakit kasi ang tanga tanga mo yuiji?! Bakit mo sinigawan yong kidnapper mo?
Mahina kong sinusuntok ang ulo ko sa subrang Inis.
Kainis! Mamatay na ba talaga ako?
“What are you doing?”
Natigilan ako at tumingala sa kanya.
Tumigil din ito sa paglalakad.
“H-huh?”
“You're hurting your self” Usal nito kaya naman dahan dahan kong naibaba ang kamay kong ginagamit kanina sa pagsuntok.
“Ano..” Naiiyak ako “Hwag mo naman akong ihulog sa may hagdan please, hindi ko na naman sinasadyang s-sigawan k-ka kanina”
“Sinong nag sabing ihuhulog kita?” kunot na kunot ang makakapal na kilay nito.
“H-hindi ba?”
Umiling ito at nagsimula na ulit itong maglakad.
Yung luha ko kanina na na gusto ng tumulo ay biglang bumalik.
Dapat na ba akong maging masaya?
“Pero kong ganon bakit mo ako binuhat at saan mo ako dadalhin?” hindi nito sinagot ang tanong ko at pumasok nalamang sa kwarto niya.
Dahan dahan niya akong ibinaba at ipinaupo sa kama.
“May kukunin lang ako” Usal nito at pumasok na sa isang silid.
Maykukunin siya? A-ano naman kaya iyon?
Bigla na naman ako nakaramdam ng kaba.
Paano kong yong kukunin niya ay isang baril? Kaya niya ako hindi hinulog dahil babarilin niya ako?!
Kailangan kong umalis!
Tumayo ako at agad ding bumalik sa pag-upo ng lumabas ito sa pinasukang kwarto.
Pumunta ito sa harapan ko, Kaya napa pikit ako.
Siguro ito na yong kataposan ko.
Paalam kuya xio, mukhang hindi na ulit tayo magkikita.
Pero imbes na bala ang maramdaman ko ay isang malambot nakamay ang nararamdaman ko ngayong nakahawak sa isa kong paa.
Idinilat ko ang aking mga mata at doon nakitang nakaupo sa harapan ko si knight at linilinisan ang mga sugat sa paa ko.
Tinitigan ko naman ang talampakan ko at doon lamang napansin na nag durugo na pala ang mga sugat ko doon, dahil siguro sa maghapon kong paglalakad.
“Sana nag pahinga ka na lang” nailipat ko kay knight ang panigin ko ng sabihin niya iyon.
“Hindi p-pwede” Mahinakong sabi.
Nakakahiya kay betty.
Tiningala niya ako pero agad ding ibinalik sa talampakan ko ang kanyang tingin.
Akala ko papatayin niya ako, first aid kit pala yong kinuha niya hindi baril hehe.
Napangiti ako ng matitigan kong mabutibg ang itsura nito ngayon.
Ang cute niya!
Naka indian sit kasi ito at seryosong ginagamot ang talampakan ng paa ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko.
B-bakit ganon? Bakit parang Iba yong tibok ng puso ko? May sakit ba ako?
Atsaka, bakit parang ang daming paruparo sa paligid ni knight?! B-bakit ang gwapo niya?
Jusko! Hindi lang puso ko ang may mali kundi pati ang mga mata ko!
Anong nangyayari sakin?
“I'm sorry miss moira” tumingala ulit ito sakin.
Nagkatitigan kami.
Tapos niya ng gamutin at linisin ang dalawa kong talampakan.
“Sorry s-saan?”
Tumayo ito sa harapan ko, bakit ba ang daming paruparo sa paligid niya?!?!
“Sorry sa ginagawa ko sayo kagabi”
Napangiti ako.
Totoo ba ito? Nag so-sorry siya?
Bigla naman pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi, yong sinabihan niya akong maganda.
“Okay l-lang” bakit ang bilis mo siyang pinatawad yuiji?!
Dapat nag pa hard to get ka kahit kunti.
Jusko baka isipin nitong na gustong gusto mo siya!
Ngumiti ito sakin.
Ehhhhh, ang gwapo niya kasi!
“Lasing na lasing lang talaga ako kagabi kaya gumaganda yong pangit sa panigin ko”
Mabilis na nawala ang ngiti ko sa labi.
Unti unti ding nagsialisan ang mga paruparo sa paligid nito.
Pwedeng s-sumigaw ulit?
END OF CHAPTER 21