𝗕𝗥𝗢𝗧𝗛𝗘𝗥
YUIJI MOIRA VERDIN POV
“Gusto mo pa ba ng tubig?” tanong ni cass ng makitang na ubos ko agad ang Isang basong tubig na ibinigay n'ya sa'kin.
“Y-yes please” Tumango ako sa kan'ya.
Agad agad n'yang kinuha ang baso sa kamay ko at nag salin ulit ng tubig.
“Here..” ibinigay n'ya sa'kin ang baso at inalalayan akong uminom pag katapos ay inilagay n'ya sa mesa na malapit saamin ng maubos kuna ang tubig.
“Gusto mo pa ba?” tanong ulit nito na inilingan ko na
“Okay so.. Anong gagawin ko? Nagugutom kaba? Umm do you want to eat anything? Yong doctor tinawagan ko na darating na din 'yon maya maya” usal niya halatang hindi mapakali “Wait.. tatawagan ko na ba ang kuya xio mo? O si knight ang tatawagan ko?” kinuha n'ya ang cellphone n'ya sa bulsa at nanginginig na nag pipindot ng kong ano doon.
“Cass r-relax..” mahinang usal ko.
Pansin ko kasing hindi ito mapakali simula ng magising ako kani kanina lang.
Napatigil s'ya at mangiyak ngiyak na tumingin sa'kin.
“Yuiji!!” lumapit s'ya sa akin at mahigpit akong niyakap “I miss you so much girl, bakit ngayon ka lang nagising?!”
Mahina akong napatawa sa reaksyon nito at mahinag hinagod ang lingkuran n'ya dahil sa walang tigil na pag iyak.
“Bakit? ilang araw ba akong tulog na ganon mo na lang ako ka miss?” biro ko.
Humiwalay ito sa'kin at pihiran ang basang pisnge dahil sa luha na agad kong tinulungan.
“para kang bata” ginamit ko pa sa pag pahid sa mukha nito ang kumot ko.
“Hindi lang ilang araw kang tulog yuiji” Sabi nito kaya napatitig ako sa kan'ya.
“Not days? Mm.. weeks kong ganon? So ilang weeks akong tulog?”
5 weeks? Or maybe 7 weeks? Ang tagal ko pa lang na tulog?
Umiling ito kaya natigilan na ako.
“Don't tell me, months akong tulog? 2 months? 3 months? Or 4 months?!“
Hinawakan n'ya ang kamay ko.
“Yes four—”
“So four months nga?!” sinamaan n'ya ako ng tingin ng pinutol ko ang sasabihin nito.
“Pwede bang pataposin mo muna ako!” Inis na usal nito.
“S-sorry na, so ano nga?” sandali s'yang natahimik bago ulit mag salita.
“Four years kang tulog yuiji hindi four months, Kong hindi four years kang coma”
F-four years?
“What? are you serious?! why does it feels like..”
it feels like kahapon lang lahat ang mga nangyari? But for God sake, four years?!
“Yes I'm serious and please calm down okay?” Sabi nito.
“How?! Sige nga paano ako kakalma?!” naramdaman ko ang pag higpit ng pagkakahawak niya sa'king kamay.
“Look at me, yuiji” napatingin naman ako sa kan'ya “Breathe in and breathe out”
Sinunod ko naman ang sinabi nito pero maya maya ay napatigil ako at napatitig sa mukha niya.
Nagulat ito ng hawakan ko ang kabilang pisnge n'ya.
“Totoo nga..”
“Huh? Ang alin? Are you okay?”
“You've change a lot Cass, mas lalo kang gumanda totoo ngang four years na akong tulog” naiiyak kong Saad.
“Yuiji..”
“Anong gagawin ko? Apat na taon akong tulog hindi ko alam kong paano ako mag sisimula parang ang dami kong na sayang na oras”
“Kamusta na kayo? si kuya xio si..” napatigil ako sandali “Si k-knight kamusta na?”
Balak na sana nitong sagutin ang tanong ko ng pumasok ang doctor at chineck ang kalagayan ko.
“Mamaya na tayo mag usap” bulong ni Cass saka ako iniwan.
~
Agad namang umalis ang doctor matapos akong tanongin ng kong ano ano at kamustahin ang kalagayan ko.
Nakahiga na ako ngayon sa kama at hinihintay na bumalik si cass, marami akong gustong itanong sa kan'ya.
Napatingin ako sa paligid at napansin kong puno ng mga bulaklak ang buong kwarto..
Kay knight kaya galing lahat ang lahat ng 'yan?
Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa lamunin na ako ng dilim.
Nagising lang ako ng maramdaman ko ang pag tapik sa pisnge ko ng kong sino, napatingin ako kay Cass at sumalubong ang nakangiti n'yang mukha.
“Sorry na tagalan ako, kain ka muna” napasilip ako sa may bintana at nalamang madilim na sa labas.
“Saan kaba galing?”
“Tinawagan ko si xio para sabihin sanang gising kana pero mukhang..” Natigilan ito at parang hindi alam kong anong sasabihin.
“Mukhang ano?” tanong ko tsaka sinubo ang fries na dala nito.
“Mukhang nasa mansion n'yo s'ya ngayon at nag lalasing na naman”
“Nag lalasing? Sure ka? Muiinom si kuya pero hindi 'yon nag lalasing” Sabi ko at tuloy tuloy ang pag subo ng fries.
Sarap!
“Hindi mo ako naiintindihan yuiji, simula ng macoma ka lagi na itong umiinom at nag lalasing sinisisi n'ya ang sarili n'ya sa nangyari sa'yo” usal nito na nag patigil sa'kin.
Abat!
“Nasa mansion s'ya namin ngayon?” tumango naman ito sa tanong ko.
Hindi na ako nag dalawang isip na tumayo at lumabas ng kwarto dali Dali naman akong sinundan ni Cass.
“Saan ka pupunta? Hindi kapa magaling baka mapano ka!” nag aalalang usal niya sa'kin.
Tumigil ako tsaka hinarap si cass at hindi pinansin ang mga sinabi nito
“Do you have a car right now?” I asked her
Tumango ito.
“Good! Then ihatid mo ako sa mansion namin kakaltokan ko si kuya!”
{𝗞𝗘𝗩𝗜𝗡 𝗫𝗜𝗢 𝗩𝗘𝗥𝗗𝗜𝗡 𝗣𝗢𝗩}
Bakit ko ba na isip 'yon?
Hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin ang mga desisyon ko, ang desisyon na tanggalin ang oxygen kay yuiji.
“What a useless brother!” nilagok ko ang isang basong alak at nag salin ulit.
“Sorry yuiji, I Know you hate me” sunod sunod ang pag tulo ng luha ko, tang*na para akong bakla!
“Talagang galit ako sa'yo” napaangat ako ng tingin at nakita ang Isang babaeng naka hospital gown na nakatayo ngayon sa harapan ko.
“Y-yuiji?” tumayo ako at hinawakan ang mukha nito “I am dreaming? Please someone slap me right now I c-cant believe y—WHY DID YOU FUCKING SLAP ME?!” lumayo ako ng kunti sa kan'ya.
“Sabi mo eh” ngiting usal nito .
Sakit ah, bwesit!
Napatingin ako sa kan'ya at ng marealized ang nangyari ay na patulala ako, so I'm not dreaming?!
END OF CHAPTER 84