𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗔𝗞𝗢
YUIJI MOIRA VERDIN POV
“Good boys go to heaven, right?” napatango ako “But I'm a bad boy so I'll bring the heaven for you”
“H-huh?!!!” Hindi na ako nag dalawang isip at nilingon ito.
“A-anong pinagsasabi m—Amphh!” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng halikan ako nito sa labi.
Marahan lamang ito at ramdam ko ang pag iingat nito na para bang ayaw nito akong masaktan.
Nang makabawi ay tumugon ako sa halik na iginagawad nito sa'kin.
Ipinulupot nito ang mga braso sa maliit kong bewang.
Nalalasahan ko ang alak sa bibig nito, kaya ba parang nalalasing ako?
Binitawan ko ang telang nakatakip sa aking katawan at pinulupot ko ang aking mga braso sa liig nito.
Mas idiin ako nito sa kan'ya.
Hindi si knight ang first kiss, pero bakit feeling ko siya 'yong unang halik ko?
Humiwalay ako sa kan'ya dahil parang wala itong balak putulin ang halikan naming dalawa.
Habol hininga kong iniangat ang aking mukha para makita ko ito.
Malalim ang paghinga nito at seryusong nakatingin sa katawan ko.
Nagtataka ko namang ibinababa ang aking paningin at halos mangamatis ang mukha ko dahil sa hiya.
𝑶𝒉𝒉 𝒈𝒐𝒅!
Wala palang takip ang katawan ko!
Dahil sa kahihiyan ay niyakap ko ang aking sarili na ikinatingin ni knight sa'kin.
Nag tama ang aming mga mata na agad kong ikinaiwas.
'Nakakahiya!'
Narinig ko ang mahinang pag tawa nito at ang pag pulupot ng malambot na tela sa katawan ko.
Ibinalik pala nito ang telang kaninang nakatakip sa'kin.
“Magbibihis lang ako” Napatingin ako sa kan'ya “Mag bihis kana rin” Pinisil nito ang tungki ng ilong ko bago tumayo at lumabas ng kwarto ko.
Nanghihina akong napasandal sa bathtub.
Ganon ba siya pag lasing? Masyadong sweet hehe.
“Akala ko hindi lang halikan ang mangyayari sa'min, mabuti lang” Napahawak ako sa labi ko bago sumilay ang Isang ngiti.
Ang sarap n'yang humalik!
~
Nang matapos akong mag bihis ay nahiga ako sa kama.
Inaantok na ako.
Ipinikit ko ang mga mata ko at unti unting nag palamon sa dilim.
Pero bago pa ako tuluyang makatulog narinig ko ang pag bukas ng pinto ng kwarto ko at ang mabibigat na hakbang papunta sa gawi ko.
Gusto kong idilat ang mga mata ko pero masyadong mabibkgat ang mga talukap nito at hindi ako hinahayaang magising.
Naramdaman ko ang pag lubog ng kama sa tabi ko at ang pag pulupot ng braso sa bewang ko.
Naamoy ko ang pabango ng lalaking kanina lang ay nakahalikan ko.
“Knight” inaantok na bigkas ko sa pangalan nito.
“Mmm?” Bulong nito sa tenga ko
'𝑩𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒌𝒂 𝒏𝒂𝒏𝒅𝒊𝒕𝒐?' gusto kong itanong ang bagay na 'yan pero inaantok na talaga ako.
Ang huling naramdaman ko na lang ang pag halik nito sa noo ko.
“Good night baby..”
~
Idinilat ko ang mga mata at agad itong bumagsak sa lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko ngayon.
Akala ko nanaginip lang ako kanina, Hindi pala.
Napangiti akong hinaplos ang mukha nito at hinalikan ang pisngi nito.
“Ikaw ha, nililigawan mo pa lang ako pero bakit hinalikan mo'ko kanina?” pag kausap ko dito kahit na alam kong tulog ito.
Ang kaninang nakangiti kong mukha ang napalitan ng lungkot.
“Alam mo bang nakausap ko si kuya? Alam n'yang nandito ako galit na galit siya sa'yo, kahit anong gawin kong pagpapaliwanag ay galit pari ito, alam mo kong ano 'yong gusto n'yang gawin ko?” hinaplos ko ng marahang ang mukha nito “Gusto n'ya na akong bumalik at hindi na magpakita sa'yo, I'm sorry.”
Tumayo ako at nag bihis, 5 AM palang ng umaga alam kong hindi pa gising sina betty at yong mag kambal kaya ito 'yong magandang oras para umalis ako.
Hindi pa naman talaga ito 'yong araw na aalis ako dapat bukas pa pero feeling ko kapag ipinag pabukas ko pa ito hindi ko na kayang umalis sa tabi nito at kapag nangyari 'yon susugod sina kuya rito at baka Isa sa kanila 'yong masakta at ayukong mangyari 'yon.
Nilingon ko si knight at nilapitan.
Naupo ako sa tabi nito.
“Babalik ako knight, babalikan kita kaya 'wag na 'wag mo'kong papalitan kundi patay ka sa'kin” Mahinang bulong ko at hinalikan ito labi.
Kailangan kong kausapin si kuya, kukumbinsihin ko ito.
Gagawin ko ang lahat kahit na anong mangyari!
Maingat akong lumabas ng kwarto at katulad nga ng inaasahan ko mukhang ako palang yong gising.
May mga katulong akong nakikita pero hindi sila marami.
Tuluyan na nga akong nakalabas ng walang nag hihinala sa'kin.
Pag may nagtatanong kasi sa'king mga bantay 'kong saan daw ako pupunta' ang sabi ko lang mag papahangin lang ako.
Naniwala naman agad sila sa'kin, Wala kasj akong dalang kahit ako..
Lahat iniwan ko sa kwarto ko para madali akong makalabas.
Sa huling pag kakataon ay nilingon ko ang mansion, dati gustong gusto kong makaalis rito pero ngayon gusto ko lamang bumalik at magkulong kasama ang mga taong napamahal na sa'kin lalong lalo na si knight.Ngumiti ako.
Hintayin n'yo ako knight, babalik ako kapag na ayos ko na ang lahat.
END OF CHAPTER 53
YOU ARE READING
Abducted By A Mafia Boss
Mystery / ThrillerKNIGHT QUANTUM (MAFIA BOSS SERIES ONE) UNDER EDITING!!