𝗬𝗢𝗨 𝗛𝗔𝗩𝗘 𝗡𝗢 𝗜𝗗𝗘𝗔
YUIJI MOIRA VERDIN POV
Nilingon ko kong sino ang taong humawak ng kamay ko at nakita ang Isang waitress na alanganing nakangiti sa'kin.
“Ma'am may sugat po kayo, do you need help? Do you want me to accompany you t—”
Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay nito sa akin.
Tumingin muna ako kina knight na nakatingin pala sa'kin bago ko ibalik ang tingin sa babae.
“No need, I can handle myself. Thank you” sinubukan pa nitong magsalita pero agad na akong umalis sa harapan nito.
Hindi ko na pinansin ang tingin ng mga tao sa'kin at pag tawag ng waitress.
Ang paglalakad ko ay naging pagtakbo.
Sunod sunod din ang pagtulo ng luha ko.
Knight bakit?
Nakalabas na ako ng hotel pero hindi parin ako tumigil sa pagtakbo , gusto kong makalayo sa kanila, nasasaktan kasi ako kapag nakikita ko silang magkasama.
Tumigil ako sa pagtakbo at napaupo sa gilid ng kalsada.
Ang sakit naman lord? Bakit lagi kaming nagkikita? Gusto ko s'yang kalimutan kahit isang oras lang pero pa paano? Bat ang hirap?
Tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag sa'kin pero ayuko sana itong sagutin kasi akala ko si kuya kaya lang nakita kong si sabrina ang tumatawag kaya sinagot ko ito.
“Hello?”
Napalunok ako.
“S-sab..” Naiiyak kong tawag sa pangalan nito.
“Hey, what happened? Umiiyak kapab?!” Nagaalalang tanong nito sa kabilang linya.
“Sabi n'ya mahal n'ya ako, Sabi n'ya liligawan n'ya ako at sabi n'ya ipaglalaban n'ya ako kay kuya pero bakit may iba na s'ya? Mahal n'ya ba talaga ako? Minahal n'ya ba talaga ako?” Umiiyak Kong tanong.
Natahimik ito sandali bago ulit magsalita.
“Hindi ko alam kong sino ang tinutukoy mo pero ano sa tingin? Minahal kaba n'ya? Nakita ma ba dati sa mga mata nito na mahal na mahal ka n'ya? Kasi kong oo ay ibig sabihin nun minahal ka ng taong tinutukoy mo yuiji”
Pinahid ko ang ang mga luhang nasa pisngi ko at inalala ang mga nangyari nong kasama ko pa si knight.
Tama, minahal n'ya ako kita ko sa paraan ng pagtitig nito sa'kin noon. Mapaiit akong napangiti.
Atleast minahal n'ya ako, dapat siguro maging masaya ako.
“Maybe..” Mahinang bulong ko “Maybe he likes me but he never saw me as the girl he'd take a risk for.” Usal ko at mabilis na pinatay ang tawag.
Ang sakit, kasi ako kaya kong eh risk ang lahat para sa kan'ya pero s'ya?
Napatitig ako sa kamay kong dumudugo.
Nakakatawa lang isipin na takot ako dito pero hindi ko maramdaman 'yong takot ngayon kasi mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Napatingala ako sa langit ng isa Isang tumulo ang mga buti ng ulan sa kamay ko.
Umuulan, Mukhang dinatamayan ako ng langit sa nararamdaman ko ngayon.
Yinakap ko ang dalawang tuhod ko at yumuko dito at tahimik na umiyak.
“It's raining, why are you here?”
Tumingala ako at nagulat ng makita si knight sa harapan ko.
May dala dala itong payong.
“K-knight?” yumuko s'ya at inalalayan ako n'ya akong tumayo.
Pero agad kong hinawi ang kamay nitong nakahawak sa'kin.
“Leave me alone and don't touch me!” Sigaw ko sa pagmumukha nito.
Napatitig ito sa'kin at walang sinabing kahit ano.
“You will get sick, come with me” Seryosong usal nito.
Sinamaan ko ito ng tingin.
“Pwede ba knight! Ano bang gusto mo? Pagkatapos mo akong hindi pansinin si coffee shop at sa party hito ka ngayon kunwari ay nag aalala?!” Lumapit ako dito at pinagsusuntok ang dibdib nito “Ano? Parte ba ito ng plano mo?! Huh!?”
Hind ako nito sanagot bagkus hinuli nito ang mga kamay kong walang tigil sa pag suntok sa dibdib nito.
“F*ck Moira! Calm down”
Tumigil ako at umiiyak na nakipagtitigan dito..
Hindi ko na alam kong ano 'yong itsura ko ngayon.
“Why? Why are you hurting me like this?” Mahinang tanong ko.
Walang emosyon ang mukha nitong binitawan ang kamay ko.
“You don't know? Are you f*cking kidding me?! Hindi mo alam kong gaano kasakit ng magising ako at wala kana sa tabi ko!” Sigaw nito “Maraming tanong 'yong pumasok sa isip ko na hindi ko masagot”
Natigilan ako.
“Umalis a-ako nun para din naman sa ikabubuti mo pero m-mahal kita mahal na mah—” hindi ako nito pinatapos at hinala ako nito papasok sa sasakyan.
Linagyag muna ako nito ng seatbelt bago din pumasok at mabilis na nag maneho.
Sandaling natahimikan ang bumalot sa'min bago ko ito nilingon at nag salita ulit.
“Knight please listen to me, Hindi ko naman alam na ganon ang mararamdaman mo edi sana sinabi ko muna sa'yo 'yong lahat bago ako umalis s—”
Natigil ulit ako sa pagsasalita ng itigil nito ang sasakyan.
Pansin ko ding pariho kaming basa dahil sa ulan na tumila na ngayon.
Bumaba ito kaya sumunod din ako pumasok ito sa isang maliit pero magandang bahay na nakatayo sa malapit sa dagat
Hindi ko manlang namalayan na dito n'ya ako dinala.
“Knight please kausapin mo naman ako” Tumigil ako sa paglalakad ng pumasok ito sa Isang kwarto.
Ano 'to dinala n'ya ako dito tapos hindi n'ya ako kakausapin?!
Pumasok ako loob ng kwarto at nakita ko itong nagbibihis.
Napalunok ako at ilang Ng kunti pero pinilit ko paring magsalita.
“Alam kong galit ka at kong ayaw mo akong kausapin ok lang aalis na lang ako” Wala parin akong nakuhang sagot mula sa kan'ya “Again I'm sorry and i-i really love you knight” pinahid ko ang luhang tumulo da pisngi ko.
Tumalikod na ako at balak ko palang sanang ihakbang ang paa 'ko ng may mga brasong pumulupot sa bewang ko at kinabig ako papunta sa kan'ya.
“You have no idea I much I miss you from the day I woke up and you're not here besides me”
Nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari, naramdaman ko na lamang ang malambot na labi nito sa labi ko.
END OF CHAPTER 56