𝗦𝗛𝗘 𝗡𝗘𝗘𝗗'S 𝗧𝗢 𝗦𝗨𝗙𝗙𝗘𝗥
KEVIN XIO VERDIN POV
“Good morning sir/ Good morning boss” Sabay na bati ni roger at albert ng makapasok sila sa opisina ko.
Tumango ako at sinenyasan silang maupo sa dalawang upoang kaharap ko.
“Any updates?” Malamig kong tanong na ang tinutukoy ay ang paghahanap nila sa kapatid Kong si yuiji.
“Ehem..” Napatingin ako kay Roger ng marinig ko itong umubo “Wala parin akong napapansin kakaiba Kay KNIGHT QUANTUM sir, palagi lang itong nasa mansion nila. Narinig ko ding sinugod ang mansion nila ng mga armadong lalake” Usal nito.
“That's it?”
“Yes sir kevin”
Napabuntong hininga naman ako bago ilipat ang tingin kay Albert na ikinagulat pa niya.
“How about you Albert?”
“W-wala din boss, hindi ko pa din nahahanap si ma'am yuiji”
“Ok.. ” Sinenyasan ko silang umalis na.
Sabay naman silang tumayo at yumuko sa'kin bago umalis.
“Fuck it!” Napabuntong hininga ako dahil sa inis.
Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko alam kong may kinalaman ba si knight sa pagkawala ng kapatid ko o may ibang tao ang nasalikod ng pagkawala ni yuiji?!
Tumunog naman ang telepono na nakapatong sa mesa ko kaya agad ko itong sinagot.
“What?!” Inis Kong tanong.
“S-sir may nag hahanap po sa i-inyo”
“Who?”
“S-si Sabrina ferrer po”
Kusang napakunot ang noo ko sa narinig, Sabrina Ferrer? Yuiji's best friend?
Mmm..
“Gusto ka po niyang makasausap” Bahabol pa ng nito.
“Let her in ”
YUIJI MOIRA VERDIN POV
Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad pababa ng hagdan hindi ko parin lubos maisip ang mga ginawa sa'kin ni knight kanina sa kwarto.
Parang siyang ewan! Sinisisi ba naman ako dahil hindi siya nakatulog? Eh hindi ko naman hawak ang kama!
“Pero ang gwapo parin niya kahit—kahit mukha siyang puyat? Hehe”
Napapailing na lang ako dahil sa mga sinasabi ko.
Pero napatigil din ako kaagad ng makita ang Isang babaing nasa harapan ko ngayon, maganda ito mga nasa late 30s na ata siya?
Pero ang ganda niya parin, maputi ang balat at supistikada.
“Hi” Nagulat naman ako ng maglakad ito palapit Sa'kin.
“H-hello po”
Gosh! Bakit hindi ako na informed na may magandang babae ang pupunta dito ngayon?!
Mukha pa naman akong ewan dahil kagigising ko palang, nakakahiya!
“So..” Pinasadahan ako nito ng tingin “Tama nga sila”
Napakunot naman ang noo ko dahil Nagugulohan ako sa sinabi niya.
Magtatanong na sana ako ng may magsalita sa likod.
“Mom”
Gulat akong napatingin ako sa likuran ko at nakitang naglakad papalapit si knight at tumabi sa'kin
“Son!” Ngumiti naman ang babae kay knight.
A-at ano? Mom? S-son?
Napapabalik balik ang tingin ko sa kanila, m-mag ina sila?!?
“Mom, why are you here?”
Ngumiti naman ang babae na mama pala ni knight sa knaya.
“I'm just visiting you and...” tumingin sa'kin “Checking something”
Bakit parang ako yong s-something? Guezzz!
“Moira” Napatingin naman ako kay knight ng banggitin niya ang second name ko.
Bakit ang sarap pakinggan kapag siya yong tumatawag sa'kin?
“H-huh?” Tanong ko dito
Sininyasan niya akong umalis na kaya napatango na lang ako.
“O-ok” Tumingin ako sa babaing kaharapan namin “Aalis na po ako” Paalam ko bago umalis.
Pero wala naman talaga akong balak na umalis, nag tagk ako sa may gilid at pinakinggan ang pag uusapan nila.
Hindi ko alam pero may kutob akong ako yong pag uusapan ng mag inang 'to.
Napaayos naman ako ng tayo at nakinig ng mabuti nang mag simula na silang mag usap.
Kailangan kong marinig—OH GOD! WHAT ARE YOU DOING YUIJI?!
Sinong nag turo sa'yo na makinig ng usapan nang iba?!
Napagdisisyonan ko na lang na umalis dahil hindi ito tama.
Nagsimula na akong maglakad pero bago pa ako tuluyang makaalis.
May narinig ako na siyang ikinatigil ng pag tibok ng puso ko.
“She needs to suffer son, kapatid siya ng taong pumatay sa tatay mo”
Natigil ako sa paglalakad at napatingin sa direksyon nina knight.
Parang tumigil ang
mundo ko nong makita kong nakatingin din pala siya sa'kin.Kakaibang tingin.
Malamig ito at punong puno ng hinanakit...
YOU ARE READING
Abducted By A Mafia Boss
Mystery / ThrillerKNIGHT QUANTUM (MAFIA BOSS SERIES ONE) UNDER EDITING!!