CHAPTER 41

2.5K 56 1
                                    

𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗔𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚 𝗟𝗨𝗧𝗢!

YUIJI MOIRA VERDIN POV

“You're here”

Hindi ko ito pinansin at nilagpasan ko lang ito.

Anong you're here? Eh ano naman ngayon?! Bw*sit na 'to, dun ka na lang sa babae mo!

Natigil ako sa paglalakad ng may kamay na humawak sa braso ko para pigilan ako.

Inis ko naman itong nilingon.

“Bakit ba?”

Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagtataka sa mukha nito dahil sa boses kong puno ng iritasyon, pero agad din naman itong nawala at bumalik ang walang emosyong mukha nito.

“Nag breakfast kana ba?” Tanong nito.

Hindi ko ito sinagot bagkus ay inalis ko ang pagkakahawak nito sa'kin.

“At bakit mo naman ako tinatanong?”

Ano 'to? Kunwari concern siya sa'kin? Heh! Hindi mag papauto sa'yo kahit na g-gwapo ka!

“Just answer my question” Matigas nitong Sabi.

“Hindi pa, pake mo” inikutan ko ito ng mata at mablis na tumalikod.

Pero hindi ko pa naiihakbang ang mga paa ko ay  naramdaman ko na ang matigas na braso nito na pumulupot sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kan'ya.

“Did you..” Nagsitaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa mainit na boses nito “Did you just roll your eyes on me?”

Napalunok ako ng mas hapitan niya ako sa kan'ya.

“Your acting weird today, Did I do something wrong baby? Mm?” Malambing na tanong nito sa'kin.

Kong hindi lang niya ako hawak baka nakaupo na ako ngayon sa sahig dahil sa panlalabot ng mga tuhod ko.

Bakit mo ba ito ginagawa sa'kin?

“Pwede ba, bumalik ka na lang don sa babae mo” nag papasalamat ako ngayon sasarili ko na hindi ako nautal!

“Babae?” Nahimigan ko ang pagtataka sa boses nito.

“Oo! babae mo, sino pa ba dito '—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilis niya akong inikot paharap sa kanniya.

“Wala akong ibang babae moira, Ikaw lang” Seryoso ang mukha nito ng sabihin ang mga katagang 'yon.

At ito na naman po ang puso ang lakas ng tibok!

Knight naman hwag naman ganito!

“Knight?” rinig kong boses sa likuran namin.

Agad kong itinulak ang dibdib nito para mapalayo sa'kin pero hindi ito nag patinag! Ang lapit lapit parin ng mukha nito sakin.

“K-knight?”

Kita ko ang pag tiim bagang nito bago tumayo ng tuwid at hinarap ang taong nasa likuran namin ngayon, pero hindi niya parin pinapakawalan ang bewang ko.

Dahan dahan naman akong lumingon at doon nakita ang babaing nag ngangalang tessy at parang gusto tuloy dumikit ng tudo kay knight at ipakita kong gaano kami ka close!

“What is it tessy?”

Nakita ko ang pagpalipat lipat nito ng tingin sa amin at sa braso ni knight na nakapulupot sa bewang ko.

“Amm.. let's eat? L-luto na 'yong pagkain” Ngumiti ito ng matamis.

“Ok” Maikling sagot nito bago ituon ulit ang atensyon sa'kin.

Dismayado naman itong umalis dahil sagot ni knight sa kanya.

Nakaramdam naman ako ng awa para sa babae, sino naman ang hindi madidismaya kong 'yong taong pinaglutuan mo ay parang wala lang sa kanya?!

Inis ko namang liningon si knight na titig na titig na pala sa'kin bigla tuloy akong na ilang.

“Bakit g-ganon ka makipagusap sa kanya?” Pilit kong tanong kahit na parang matutunaw na ako sa klase ng mga titig nito sa'kin.

“What?” Pinag taasan ako nito ng kilay “Alam kong nag seselos ka sa kanya kaya bakit ko pa siya kakausapin?”

Napamaang naman ako sa sagot nito.

“H-hoy! Hindi ako na seselos!”  kapal mo naman!

Ngumisi lang ito sakin at hinila na ako paalis.

“Saan mo ba ako dadalhin?” Tanong ko

“Kakain tayo”

Nanlaki naman ang mata ko.

“What? Are you crazy?! Ikaw lang 'yong inaya niya hindi ako kasali!” Pag proprotesta ko pero para wala lang itong narinig.

Sh*t! Nakakahiya kaya at isa pa ayukong makita ang babaing 'yon!

Nang makapunta kami sa kusina si Clark lang 'yong nakita ko, nakaupo ito at busy sa cellphone.

“Oyy knight umalis na pala si Tessy kaya inihatid na nila andre” Usal nito bago dumapo ang tingin sa'kin “Hi miss verdin!”

Ngumiti lang ako dito at lumapit ako sa may lababo at duon sumandal.

Pinagmasda ko si knight kong paano nito tikman ang niluto ni tess.

Napatango ito nang matikman ang pagkain.

Ano sarap ba? ehh parang hindi naman!
Mas masarap kaya akong magluto kong alam mo lang!

Hindi sinasadyang nagtapo ang aming mga mata kaya pinagtaasan ko ito ng kilay.

“Ano masarap?” Tanong ko.

Tumango naman ito at lumapit sa'kin, as in! Subrang lapit niya sa'kin.

“Tks! Mas masarap akong magluto!” Parang batang usal ko.

Ngumisi naman ito at maslalong ilinapit ang mukha sa'kin.

Bumaba ang tingin nito sa labi ko bago ibalik ang mga mata sa mukha ko.

“Uh-huh, mas masarap ka nga”

W-what?!

Narinig ko na lang ang malakas na pag ubo ni Clark na nakikinig pala sa sa'min.

END OF CHAPTER 41

Abducted By A Mafia BossWhere stories live. Discover now