Chapter 34: That headache

30 1 0
                                    

Chapter 34: That headache

Jane's POV

Nagising ako na masakit ang ulo at nakabaluktot ang likod. Grabe ansama ng pakiramdam ko. Hindi kasi kami nakatulog ng maayos dahil hindi naman alam kung paano pagkakasyahin ang sarili namin sa sofa.

"Dahan-dahan sa pag-unat. Baka may tamaan ka na hindi dapat tamaan." Nagulat ako nang biglang nagsalita si Adam. Napaupo ako bigla nung maalala ko yung position namin: nakaupo siya sa pinakadulo ng sofa habang ako naman ay nakaunan sa hita niya.

"Psh. As if naman may matatamaan," bulong ko.

"Ah ganun? Gusto mong malaman?" hamon niya.

"Wag na nga kasi wala naman. Huwag mong ipagyabang ang wala naman." Natatawa ako habang sinasabi ko 'to pero pinipigilan ko lang.

"Sus. Sarap nga ng tulog mo eh." Ang totoo niyan, naawa ako sa kanya kasi nakaupo siya natulog pero nagparaya naman siya kasi lalaki daw siya. Mga ego ng lalaki. Syempre sinamantala ko naman. Hehe. Sino nga ba ang gustong matulog ng nakaupo di ba?

"You were snoring. Nilawayan mo pa yung hita ko,"

"Mukha namang basahan yung hita mo eh. Okay lang yan,"

"Ang sabihin mo, you were drooling over me," tapos tumawa siya.

Nakapamewang akong humarap sa kanya. "Excuse me—"

"EXCUSE ME DIIIIIN!" Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Frances Claire. "GOOOOOD MORNIIIIING!"

"Anong good sa morning? Halika dito sasabunutan muna kita!" Hinabol ko palabas si FC nang makasalubong ko si Izzia. "Ikaw din!" turo ko sa kanya.

"Bakit? Anong gagawin mo sa akin?"

"W-wala. S-sabi ko ikaw din, good morning," tapos hinanap ko na ulit si FC. Nakakatakot naman si Izzia Elaine.

Adam's POV

"Good morning my dear Adam," bati ni Izzia pagpasok niya sa loob ng stock room.

"Good morning ka dyan? Puro kayo kalokohan,"

"Sungit naman. Don't worry. Hindi naman talaga namin kayo iniwan. We also stayed overnight. Lakas ng ulan eh." Kinuha niya yung alcohol sa medicine cabinet at naglinis ng kamay. "Also, you should thank us dahil nag-uusap na kayo ngayon ni Jane."

Napabuntong hininga na lang ako. Alam kong tama siya. Kung hindi kami nalagay ni Jane sa ganung sitwasyon, malamang hindi kami magpapansinan hanggang sa isang taon. "Whatever your reason is, huwag niyo nang ulitin—"

Biglang pumasok si Frances na humahangos at nagtago sa likod ni Izzia. "Pres! Help me!" Kasabay naman nun ang pagpasok ni Jane.

"Okay. Quit playing games now. Nasa labas ang mga damit niyo. Alam ni Manang Luz na andito kayo overnight. Maligo na kayo kasi amoy stock room kayo. Please lang."

Jane's POV

"Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil pinagliligpit nila kami ng gamit at isinasakay sa sasakyan.

"Photoshoot today. Get ready."

My goodness! Ikinulong nila kami buong magdamag tapos may photoshoot pala ngayong araw. Ano na lang itsura ko niyan?

Pumunta kami sa isang building na maganda, hindi ko na kasi nakita kung anong pangalan, tapos pumunta kami sa basement. Lahat ng employees nagbobow kapag nakikita si Izzia kaya I assumed na kanila 'tong building na 'to. Naks Jane. Ang talino mo talaga.

Pagdating namin sa basement, inayos na ng mga tao ang mga dala-dalahan mga damit at kung anu-ano pang props. Lahat ng mga orgmates ko na kasali sa Org Battle ay kasama rin namin dahil kukunan din sila ng picture.

"Ma'am, puyat po ba kayo? Medyo puffy yung eyes niyo eh," sabi ni Mary (ayon sa kanyang nametag) na nag-aayos sa'kin. Ate, sisihin niyo yung Intsik na yun oh! Siya ang may kasalanan nito!

Napahinto ang lahat nang may dumating na babae. Naka-black na leather jacket, black na leggings, tapos naka-boots pa. Black din. Naalala ko tuloy si FC. Mukhang siya yung photographer namin ngayong araw dahil dala niya ang mga equipment niya bukod sa bitbit ng mga alalay niya.

"Why are you here?" dinig kong tanong ni Tyrone. Anyare?

"Mary, gusto kong makita kung anong nangyayari."

"Eh ma'am hindi po pwede kasi po yung salamin..." pero wala siyang nagawa kundi iikot ang upuan ko paharap sa mga nag-uusap.

Nakatayo malapit sa pintuan sina Izzia, Tyrone at yung babaeng photographer. Parang may pinagtatalunan sila at mukhang disappointed si Tyrone. Bakit kaya?

"Are you that angry with me? Hindi naman tayo ganito sa resort ah?" Huh?

Kaunting titig pa dun sa babaeng photographer at narealize ko kung sino siya. Siya yung babae na humalik sa pisngi ni Tyrone sa emergency stairs.

Adam's POV

"We don't need you here. Get your things. Tatawag ako ng ibang photographer," sabi ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Althea at nag-apply siya na official photographer ng Org Battle. Kailan pa 'to? Kakabalik lang niya ah?

"Are you that angry with me? Hindi naman tayo ganito sa resort ah?"

"Nag-iisip ka ba? Kalokohan 'tong gusto mong mangyari." Dahil sa ginagawa niya, baka maulit na naman ang nangyari dati. Kung kalian naman sa tingin ko ay ayos na siya, sisirain na naman niya ang sarili niya.

"Ako pa rin ang mas matanda dito. Ako ang masusunod," pagpupumilit niya.

"Bahala ka. I've got my own business. Hindi na kita tutulungan this time."

Ang sakit sa ulo magpalaki ng kapatid.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon