Chapter 21: Past and present

168 6 1
                                    

Chapter 21: Past and present

Nakasunod lang ako sa likod ni Tyrone pagdating namin sa school. Sa rear entrance ng school kami dumaan para hindi mapansin ng mga tao na galing kami sa iisang sasakyan. Para nga akong bata na kulang na lang eh humawak sa damit niya para hindi ako mahiwalay. Feeling ko kasi kapag mag-isa ako, anytime may hahablot sa'kin at ibibitin ako patiwarik.  Kung pwede nga lang din na maging invisible na lang eh gagawin ko na. Ang kaso, wala naman akong cloak na katulad kay Harry Potter.

Hindi naman na talaga ako dapat papasok ngayon eh. Pero itong lalaking 'to ang makulit. Ang sabi niya sa'kin, "You'll be fine. You didn't do anything wrong." Eh naniwala naman ako. At saka tama naman siya eh. I did no wrong. Ako pa nga ang dapat magreklamo dahil ako ang kawawa but that's not what's happening. Ako ang nagtatago, ako ang nahihiya. It's hard to fight when you're all alone.

Oops. Scratch that. I am not alone. Tyrone said he's with me. And I believe that.

Dahil Engineering Drawing (ED) ang unang class namin, pumasok muna kami pareho. Sa gate kasi kanina, hinarang kami ni Kuya Guard at nagbigay sa'min ng tig-isang letter. Notice galing sa Office of the President para sa aming lahat na kasama sa scandal na pumunta sa DC Office mamayang hapon.  Nakarating na yata sa Malacanang yung scandal namin. Hehehe. Ang saya ko pa noh? Eh ganyan talaga. When life throws rocks at you, hayaan mo lang. Mauubusan din siya ng bato.

Narinig kong nagtilian yung mga babae pagpasok ni Tyrone sa loob ng room. Nauna kasi siya. Takte. Ano bang meron sa kumag na 'to at kinikilig 'tong mga hitad na 'to sa kanya? Psh. Pero nung ako na ang pumasok, bulung-bulungan naman ang sumalubong sa'kin. Ano ba yan? Ang unfair ah! Pasalamat sila mabait ako ngayon pero humanda sila sa'kin kapag ayos na ako.

Babangon ako at dudugurugin sila! BWAHAHAHA—

"Ah, Ms. Arciaga, pwede ka nang maupo." Psh. Epal naman 'tong si Sir Bermudez eh. Narinig ko namang nagtawanan yung mga kaklase ko. Badtrip badtrip badtrip!

Naramdaman kong may sumipa sa upuan ko. Okay pfouwzh. Alam ko na kung sino 'to. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang umiling. Ano daw? Nagsulat siya sa isang papel tapos ibinigay sa'kin.

Wag ka nang magbalak kainin yang mga yan. Hindi sila masarap.

Hindi ko naman sila kakainin eh. Ililibing ko lang sila ng buhay. At saka paano naman niya nalamang hindi sila masarap? Hindi kaya...

OMG. O_O

Binalik ko yung tingin ko sa kanya pero nakafocus na siya sa lecture ni Sir Bermudez.

 

"Ate Jane, okay ka lang ba? Inaaway ka ba nila? Gusto mo resbakan namin? Sabihin mo lang ate, bubugbugin namin sila! Muahahahaha!" -_-"

Umiral na naman ang kabaliwan ng mga orgmates ko. Feeling ko naman safe ako pag dito ako nagstay habang break time. Kinailangan ko pa ngang magpasundo sa isang member namin para lang masiguradong makakarating ako dito ng buhay. Nakakatakot naman kasi yung fangirls nina Ace at Tyrone eh. Malay ko bang ganun sila kabrutal. Nasaan na ba yung fanboys ko? Nakakainis. Ang unfair.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon