Chapter 25: Search for Mr. Perfect's Partner

163 6 0
                                    

Chapter 25: Search for Mr. Perfect's Partner


"So 007, are you ready to get back to work?"

 

"With pleasure. With pleasure."


Teneneneneeeeeeeeen~~~


Bigla na lang bumaba yung screen ng laptop ko.


"So Miss Arciaga, are you ready to get back to work?" tanong niya. Nakapamewang pa yan ah.


"Yes Miss Dy. With pleasure."


Simula na ng auditions para sa Org Battle. Lahat ng tao agit. Pero karamihan naman ng mga representatives na nagvolunteer nung huling General Assembly, nagback-out! Walastik! Marami naman talagang mga willing eh. Kaya lang nabahag ang mga buntot. Palibhasa mga takot matalo.


Paano ba namang hindi matatakot yung mga representatives namin eh pinaka-agit sa lahat si Izzia Elaine. Katulad ngayon. Ni hindi ko pa nga nakikita yung after credits ng Skyfall eh ibinaba ba naman agad yung screen ng laptop ko. Gusto ko pa naman kapag nanonood ako ng movies, kumpleto hanggang sa last second nung film. Ni hindi pa nga ako nakapagreact eh. Gusto ko lang naman sabihin na, "Wooh! Ang galing!"


Iniligpit ko na yung mga kalat ko at pumunta na room kung saan ginaganap ang auditions ng singing contest para sa org namin. Yun kasi yung assigned sa committee ko eh.


Naabutan ko dun yung mga trainees ko na sina Marlene at Robert. Sila yung nag-aassist sa mga nag-au-audition. Andun din si Neo na isa sa mga judges.


"Oh bakit andito ka na? Akala ko nanonood ka pa?" tanong niya pag-upo ko sa isang seat sa tabi niya.


"Oo eh. Si Izzia kasi ibinaba na agad yung screen ng laptop ko eh hindi pa ako tapos." :3


"Pagpasensyahan mo na yun ah. Stressed eh. At saka, monthly period niya. Nagkasabay."


"Aba! Alam mo na rin pati yang mga ganyang bagay?"


Tumawa siya tapos medyo namula. "Ganun talaga. Boyfriend eh."


"Aish! Neo Rana, nangangarap ka na naman. Magtiyaga ka lang kasi, sasagutin ka rin nun."


Pero imbes na sagutin, pinakita niya lang sa'kin yung kaliwang kamay niya na may... "Couple ring?"


"Oo. Icheck mo yung kamay niya mamaya."


"OMG! Kayo na! Weee! SO HAPPY!"


Tumikhim yung isang member sa unahan. "Ahm, Ate Jane, tapos na po akong kumanta. Pwede na po bang umalis?


May kumakanta pala. Hindi ko napansin. Hehe.


Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon