Chapter 4: Feeling close
Nagmeeting kaming mga officers para sa last General Assembly for next month. Ambilis ng panahon. Matatapos na agad ang semester. Nagsalita ang mga heads for committee reports, tapos pinag-usapan namin yung tungkol sa programme, venue, etc. Halos 4 hours yata kami nagmeeting hanggang ma-wrap up na lahat.
Umalis na yung ibang officers pagkaadjourn ng president namin ng meeting. Since bihira lang naman makapagkita ang barkada, tumambay muna kami.
"DJ! Congrats! Tuma-top 10 ka na ngayon ah!" bati ni Frances sa'kin. First time on my three years of college life na nakapasok ako sa top 10 ng Engineering. But guess what? Hindi ko pa rin natalo si Ace.
"Where's my 'congrats'?" tanong ni Ace na nasa sulok. Ngayon ko lang ulit siya narinig magsalita pagkatapos nung report niya sa Academics Committee kanina.
"Hindi mo na kailangan ng 'congratulations,' Ace," sabi ni FC. "You're always first. Kailangan pa bang imemorize yun?"
—
Bumalik ako sa school dahil meron akong kailangang kunin sa Math Building. Nagpupumilit pa sana si Ace na samahan ako pero kailangan siya ni Tita Celine sa isang branch ng UCC kaya pinaalis ko na siya agad.
"Good afternoon. Si Sir Gomez po?" tanong ko dun sa student assistant sa faculty room.
"Ay. Wala pa siya. Mamaya pa siya dadating, pero pwede mo naman siyang hintayin."
Nagpasya akong maghintay sa cafeteria sa ground floor. Malapit ito sa entrance kaya madali kong makikita kung sinu-sino ang papasok sa building. Sana makita ko na agad si sir dahil gusto ko na ring makauwi agad.
Habang naghihintay ako ng inorder kong shake, may lumapit sa table ko pero hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa paglalaro sa phone ko. "Pwede bang makishare ng table?" tanong ng isang pamilyar na boses. Malamig sa pandinig at soothing. Sana boses na lang siya.
"As far as I can see, maluwag naman yung cafeteria. Sit wherever you want but not here. Hindi ka naman kakainin ng mga upuan diyan." Hindi ko pa rin siya nililingon. 100+ and counting na ang score ko eh. Kapag ako nadead, deads din siya sa'kin.
"You aren't even looking," sagot niya. Bahala na siya sa buhay niya.
Nakita ko sa peripheral view ko na umalis na siya lumayo na siya sa table ko at medyo nawala na. Mukhang nakahanap na siya ng sarili niyang pwesto. Mabuti naman. Istorbo eh.
Titig na titig ako sa phone dahil malapit ko akong makapagset ng new high score nang biglang may sumipa sa upuan ko at nasayang ang lahat ng pinaghirapan ko. 154 yung highest ko tapos 153 lang ang score ko.
Lumingon ako sa likod at nakita kong nakaupo sa kabilang table yung nakakabuwiset kong classmate sa Bio. Siya pala. "Oops. Di ko sinasadya," pagmamaang-maangan niya.
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...