Chapter 7: Untold information

213 9 3
                                    

Chapter 7: Untold information

"Ma'am, hindi nga po ako ang kumuha ng wallet ni Karen."

"Yes. I believe you, Ms. Arciaga," sabi ng dorm manager namin sabay higop ng tsaa niya. "Pero ginawa mo man talaga yun o hindi, nagcreate kayong dalawa ni Ms. Santos ng gulo dito sa dormitory. What will the other residents say? Na hindi na safe dito sa dorm natin dahil nagkakanakawan na? Also, your records say that you have accumulated lots of violations, including staying out past curfew time and letting strangers inside your room."

"My mom's not a stranger!"

"Other than your mom, everyone's a stranger."

Napavirtual facepalm ako. Bukod nga kay Mama, naipuslit ko na sa loob ng dormitory namin si Frances at Izzia Elaine. Ibig sabihin, alam nila nung time na yun pero hindi nila ako sinita. Tapos ngayon lang nila sasabihin. Edi sana hindi ko na inulit-ulit.

Nakakainis. Dapat hindi ko na lang siya ipinagtimpla ng tsaa eh.

"Ma'am, can't you give consideration?" pagmamakaawa ko. First time mangyari sa'kin 'to.

"I can, but I won't. I'm sorry Ms. Arciaga but the decision is final. You and Ms. Santos need to leave the dorm over the weekend."

Lumabas ako ng office niya na nakabusangot ang mukha. Over the weekend? Eh Friday na ngayon eh! Saan ako makakahanap ng matitirhan eh halos patapos na ang semester? Halos lahat ng dormitories at boarding houses malapit sa school ay walang bakante.

Dali-dali kong tinawagan si Mama para humingi ng tulong. Ayaw ko talagang nakakaabala kay Mama pero sa mga ganitong pagkakataon, wala akong magagawa.

Bwisit talaga. Hindi ko alam kung bakit ba ako nadamay sa problemang 'to. Wala naman talaga akong ginagawang masama.

"Hi Ma!" bati ko pagkakita ko sa kanya sa isang tea shop malapit sa dorm namin. "Mama sorry talaga."

"Shh. Don't worry 'bout that. May nakausap naman na akong malilipatan mo. Makikipagkita siya sa'tin ngayon." Wow. Ambilis naman nun. Umorder muna si Mama para sa'kin tapos bumalik na siya sa seat niya. "So tell me what happened."

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari simula sa incident sa Chem building hanggang sa pagdating ko sa dorm at sa paghahalungkat nila sa gamit namin ni Jaica.

"Hindi naman kaya may foul play?" tanong niya.

"Foul play?"

"Oo. Parang inside job. Ayaw ko namang magbintang pero baka may kinalaman yung residenteng nawalan," sabi niya. "Kasi kung hindi mo naman talaga kinuha yung wallet, paano naman yun mapupunta sa gamit mo? At sa ilalim pa ng beddings mo nakita. Pwedeng iba talaga ang kumuha nun tapos pumasok sa room niyo para sa gamit mo itago."

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon