Chapter 27: Mag-inang donut

155 5 0
                                    

Chapter 27: Mag-inang donut


"Grabe talaga pare, t@ngina,"

"T@ngna! Nagdadalawang-isip pa siya eh!"

"T*rantado pala siya eh,"


Wala na akong naiintindihan sa nilelesson ng prof naming dahil sa sakit ng ulo ko. Pero kahit anong pilit kong makinig, dumudugo na rin ang tenga ko dahil kanina pa sila kwentuhan nang kwentuhan eh puro mura lang naman yung naririnig ko.


"The derivative of the input—"

 

"P*t@ngina niya upakan ko siya eh,"


"EH KUNG KAYO ANG UPAKAN KO JAN? Ang ingay niyo, ah!" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sobrang rindi lang talaga ako. Siguro dala na rin ng ilang araw na kulang sa tulog. Puro practice kasi para sa Org Battle eh.


Napatigil ang buong klase at napatingin lahat sa direksyon ko. Eto na naman po tayo. Naggather na naman ako ng atensyon. Nakakahiya. Large class pa naman to. (_ _)


"Ms. Arciaga?" tanong ng prof naming habang naglalakad papunta sa pwesto namin. Nakakainis. Bakit ba lahat ng tao dito kilala ako? Narinig ko na naman yung dalawang sinaway ko na hagikgikan ng hagikgikan. Hmp! Tingnan natin kung sino ang mapapagalitan.


Pagdating ni sir, inexplain ko sa kanya ang nangyari at humingi din ng sorry. Akala niyo siguro hindi ako magsusumbong, ah?


Bumalik si prof sa unahan at nagsalita sa mic. "Mr. Castro and Mr. Pineda, since hindi ito DoTA class, you two may go out of this hall."

Haha! Buti nga! Hehe. Hindi naman sa gusto ko talaga silang mapalabas. Ang gusto ko lang talaga ay mapatahimik sila. Ayoko pa naman ng maingay sa klase. Okay lang sana kung tungkol sa lesson yung pinag-uusapan nila eh. Eh di sana may mapupulot pa akong information sa pinag-uusapan nila. Akalain mong DoTA pala yung pinagmumurahan nila ng ganun? Grabe.


"Humanda ka sa'min mamaya," bulong nung Castro sa'kin. Aba! At nagbanta pa, ah?


"Subukan niyo lang." Narinig kong may nagsalita malapit sa'min. Dumating si Adam na may kagat-kagat ng donut. "Hindi ba sinabi ni sir na lumabas na kayo?"


Mukhang mas natakot yata sila kay Adam kaysa sa prof kaya dali-dali silang umalis.


"Mukhang masarap yang donut, Mr. Villareal." Nagulat ako nang nagsalita si prof. At take note nakamicrophone pa. Nagtawanan yung mga classmates naming habang nakatingin sa pwesto namin. Ay napaka-attention magnet naman nitong turon na to! "Estudyante ba kita?" tanong ni Sir.


"Sit-in sir!" sagot niya.


"Okay lang naman na tabihan mo ang girlfriend mo. Sadly, bawal kumain dito sa loob ng hall. Might as well go out?" sabi niya ulit.


Nakatingin ako kay prof. Tapos tumingin ako kay Adam. Tapos bumalik ang tingin ko kay prof. Kanino ba sa aming dalawa siya nakatingin? Teka, ako ba yung tinutukoy niyang girlfriend? Naku po naku po! Nagkakamali po kayo! Nakita kong nagsmile si prof sa'kin. Huhu. Nakakahiya na. Feeling ko tuloy wala na akong mukhang ihaharap sa class na to.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon