Chapter 12: What's your problem?
"Ate Jane, eto na yung reports para sa GA sa isang araw. May iuutos ka pa ba?" tanong ni Marlene na assistant chairperson ko.
"Ah ano... wala na. Ay meron pala... pero wag na. Kaya lang... sige na nga. Ano kasi..." tapos makakalimutan ko kung ano yung iuutos ko sa kanya.
Ganyan ako nitong mga nakaraang araw. Parang scripted speech ko na yan dahil palaging ganyan ang sinasabi ko at ganyan din ang nangyayari. Finals week na kaya lahat ng tao nangangarag sa pag-aaral, lalo na kaming mga officers ng Reachers. Kaka-exam ko nga lang kanina eh. Kung pwede lang hatiin ang katawan sa maraming parte, gagawin ko na, matapos ko lang lahat ng kailangang gawin.
Dahil hindi ko maalala kung ano yung iuutos ko, nagkusa na si Marlene na gawin kung ano pa yung kailangang gawin. Mabuti na lang at maaasahan siya.
"Jane." Lumapit si Ace at tumabi sa'kin. May dala siyang pagkain at Smart C.
"Ace, mamaya na lang. Kailangan ko pang tapusin 'tong paper ko eh. Tapos may isa pa. Aayusin ko pa yung data sa post lab. Maayos ba yung results niyo? Parang nagloko ata yung oscilloscope namin. Hala baka kailangang ulitin. Hassle naman. Tapos yung committee—"
Napatigil ako nang hinawakan niya ang kamay ko at halikan ako sa forehead. "Sshh. Calm down, hon" sabi niya tapos pinapikit niya ako sandali. As if on cue, kumalma naman ako at bumalik sa normal ang paghinga ko.
"Okay now?"
Tumango naman ako. "Thank you," bulong ko.
Humiwalay siya at inayos sa tapat ko yung pagkain. Kinuha niya yung laptop ko at siya ang nagtuloy gumawa ng paper ko. Pagkatapos niya sa paper, sinimulan niyang gawin yung susunod at habang ginagawa niya yun, inedit naman niya yung data dun sa isa kong major subject.
Sa mga ganitong pagkakataon, lalo kong naaappreciate ang presence ni Ace. Palagi siyang andiyan kapag feeling ko maghahyperventilate na ako sa dami ng gawain. Pero at the same time naiinis din ako. Kasi naman parang ipinamumukha niya sa'kin na wala siyang ginagawa samantalang parehas lang naman kami ng degree program at parehas kaming head ng committee.
Oh well. I hate to admit it but cramming is my middle name. Hehe.
Habang kumakain ako, may pumasok na taga-ibang org sa tambayan namin. Nalaman ko dahil sa suot niyang shirt. "Si Ace po?" tanong niya.
Kumaway yung babae nang makita niya si Ace at ang magaling ko namang boyfriend ay lumapit dun sa babaeng naghahanap sa kanya. Lumabas pa sila ng tambayan. Napataas naman ang kilay ko. Sino yun?
"Uy si Ate Jane nagseselos," pang-aasar ni Marlene. Inirapan ko na lang siya at ibinalik dun sa dalawa ang tingin. "Si Ate Kristine yan, transferee galing sa ibang school. Nakuha siya ng kabilang org nung first day ng sem."
"Tss. Kahit ano pang org ang kumuha sa kanya, wala akong pakialam. Hindi natin siya kailangan."
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...