Chapter 20: Believe in me.
'Meet Jane, the three-timer slut.'
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman pagkabasa ko nun. Gusto kong tumawa pero walang lumalabas ng boses sa lalamunan ko. Gusto kong umiyak pero wala namang lumalabas na luha sa mga mata ko.
'Meet Jane, the three-timer slut.'
"Ampangit ko naman sa mga pictures na yan. Di yata professional yung photographer eh," mahina kong sabi sa sarili ko habang tinitingnan ko yung mga litrato. I couldn't seem to move my feet so I just stood there talking to myself. "Pwede namang sa bulletin board na lang ng college building ipost, bakit kailangan dito pa? Nakita tuloy ng mga elem at HS. Instant sikat tuloy ako."
I said my thoughts out loud habang nakatingin sa board. Siguro kung may makakakita sa'kin, matatakot sila kasi nagsasalita ako mag-isa. Ako rin naman eh. Natatakot na ako sa sarili ko ngayon. Natatakot ako na baka kapag sumabog ako sa galit, hindi ko makontrol ang sarili ko. Mabuti na lang at ako lang mag-isa ngayon.
Biglang naharangan ang view ko ng isang kamay. "Jane, bakit andito ka pa?" tanong nung nagtatakip sa mga mata ko. Hindi ko siya nakikita pero kilala ko na ang boses niya.
"Naiwan ko yung jacket mo eh. Eto oh." Inabot ko kay Tyrone yung jacket sa kamay ko at nginitian ko siya. He seemed confused when I smiled. Bakit? Masama na bang ngumiti ngayon?
Ipinikit niya ang mga mata niya at huminga ng malalim. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Sinuntok niya yung salamin ng bulletin board at nagkalat ang mga bubog sa sahig. Nagdudugo na yung kamao niya pero hindi niya ininda. Imbes, kinuha niya yung mga pictures na nakapost dun at pinagpupunit. Wala siyang itinira kahit isa. Ako naman, nakatulala lang dun sa mga bubog at mga litratong nasa sahig.
"Jane," hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at pinatingin sa kanya. Nararamdaman ko yung malagkit na dugo sa pisngi ko pero hindi ko na lang pinansin. "Sigurado akong maraming hindi nakapasok ngayong araw. Hindi nila alam kung anong nangyari. Aalamin ko kung sinong gumawa niyan. Huh?"
Napangiti na lang ako sa mga sinasabi niya. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko, pero alam kong nagsisinungaling din siya. Kung kaninang umaga pa ako pinagtitinginan ng mga tao, sigurado akong marami nang nakakita niyan. Kaya siguro sinamahan ako ni Frances buong araw at ipinaiiwas sa kung saan-saang lugar. Itinatago siguro nila sa'kin 'to.
Kinuha ko yung kanang kamay niya na nasa pisngi ko at itinali ko ang panyo ko dito. "Ayaw tumigil ng pagdudugo. Baka maimpeksyon yan."
"Jane, ano ka ba naman? Wag ka namang ganyan."
"Hindi mo na dapat ginawa yun. Baka magkakaso ka pa sa Disciplinary Committee niyan. Papalitan mo pa yung salamin ng bulletin board."
"Wala akong pakialam kung palitan ko pa yung buong bulletin board. Jane, huwag mo nang pansinin yung mga nakalagay dun, ha? Hindi naman totoong ganun ka," sabi niya tapos niyakap niya ako. Please, Tyrone. Huwag mong gawin yan. Baka mapaiyak lang ako. "Tara na. Uwi na tayo."
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Novela JuvenilThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...