Chapter 34.5: That headache (extra chapter)

50 2 0
                                    

Chapter 34.5: That headache (extra chapter)

THIRD PERSON

"Thea!" sigaw ni Rosemarie sa anak habang papalabas ito ng airport. Ilang taon din silang hindi nagkita dahil nag-aaral ang anak na panganay sa ibang bansa. Umuuwi lang ito kapag may okasyon sa kanila. Lumapit naman si Althea sa ina at yumakap. "Hi mom! I missed you!"

Ilang minuto rin silang nagkumustahan nang may tumigil na sasakyan sa tapat nila. Lumabas mula sa driver seat si William. "Welcome home Althea Janine," yakap ni William sa kanya.

"Thank you dad! I missed you, too!"

"So, where do you want to go?"

"Kain tayo. I'm soooo famished. And, Filipino food please. Sawa na ako sa mga hilaw na pagkain."

Sumakay sila sa sasakyan at pumunta sa patutunguhan. Namiss din naman ni Althea ang mainit na klima at polusyon sa Pilipinas pero napili nila na sa isang mall na lang mamasyal kaysa naman himatayin siya sa daan sa sobrang pagod.

"Where's Tyrone, by the way?" tanong niya habang tinutusok-tusok ng tinidor ang chicken adobo niya. "Isn't he excited to see me?"

"Nasa resort siya together with the whole organization. Practice daw nila for the Org Battle," sagot ni Rose. Nakapukaw ng atensiyon ni Althea ang tungkol sa organization. "What org?" tanong niya. "Sociable na siya ngayon?"

"The Reachers. I actually signed their sponsorship request. Hindi ba alumna ka dun?"

"Yeah. Whatever," sagot na lang niya. Too many painful memories from that organization. Hindi na niya gustong balikan pa. Pero mali yun dahil alam niyang sa oras na bumalik siya sa Pilipinas, kailangan na niyang harapin ang mga bagay na iniwan niya noon.

Nagtagal pa sila sa mall at kung saan-saan umikot. Masaya si Althea kasama ang kanyang mga magulang kapag namamasyal dahil hindi sila tumatanggi sa mga gusto niyang puntahan. At isa pa, sa tagal nilang hindi nagkita, pinagbigyan na rin siya at bonding na rin nila.

--

Nakarating na sila sa bahay at pinagtulung-tulungan nilang dalhin ng tatlong maria ang bagahe niya. "So andito pa rin kayong tatlo? Tatag, ah." Hindi na lang pinansin ng mga katulong ang sinabi niya. Alam nilang parte yun ng trabaho nila.

"Mom,"

"Yes Thea?"

"Is Manang Luz still here?"

"Oo naman. Umalis lang sandali para pumunta sa ospital. Her niece got admitted,"

"Ay okay," nasabi na lang niya habang paakyat ulit ng hagdan. Nakakailang hakbang pa lang siya nang tawagin siya ng papa niya.

"Thea, be kind to Manang Luz. She's already part of the family. Don't forget that," sabi ni William.

"Yes dad. Of course she is," tapos nagtuluy-tuloy na sa pag-akyat pabalik sa kwarto niya.

Lara's POV (yung isa sa tres marias)

Sinong mag-aakalang babalik na pala ang mahal na prinsesa ngayong araw? Akala ko sa isang linggo pa.

"Lara," tawag sa'kin ni Mara. Naku ipapasa na naman nito sa'kin yung inutos sa kanya. "Ikaw na mag-palit ng bedsheet ni Ma'am Althea. Please. Natatakot ako eh." Sabi na nga ba eh.

"Hay nako, ganyan ka naman eh. Palagi mo na lang akong isinusubo sa panganib."

"Sige na, please. Mabait ka naman eh. Ililibre na lang kita ng burger."

"Ewan ko sa'yo."

Dinala ko na yung mga bagong bedsheets at pillow covers sa kwarto ni Ma'am Althea. Hindi naman kasi kami informed eh. Para akong mandirigmang susugod sa giyera pero wala namang armas. Mukhang tapos na ang mga maliligayang araw ng mga kasambahay dito sa mansion dahil andito na ang prinsesa.

Habang nag-aayos ako ng kama, nakaupo lang siya sa sofa malapit sa bintana at parang malalim ang iniisip. "Lara," gulat ko nang tawagin niya ako. Ngayon yata ang unang beses na tamang pangalan ang itinawag niya sa'kin. "Si Lara ka nga ba?" Hay naku. Akala ko pa naman...

"Opo. Ako nga po," sagot ko.

"May iba pa bang nakatira dito sa bahay bukod sa'tin?"

"Po?"

"Nag-iba ang amoy at aura ng bahay. May bago bang nakatira dito?"

Ano nga bang isasagot ko? Baka mamaya pag-initan naman nito si Ma'am Jane. Bahala na nga. "Opo. Meron po. Anak po ng kaibigan ni Ma'am Rose."

"So tumatanggap na ngayon si Mommy ng boarder?"

Nanatili na lang akong tahimik kaysa sagutin pa yung comment niya. Malaki na talaga ang pinagbago ni Ma'am Althea simula nang umalis siya. Hindi na siya yung dating Ma'am Janine na nakakasama pa naming maglaro ng cards. Ngayon nga eh hindi na niya kami kilala.

--

THIRD PERSON

Ilang oras na siyang nakatitig sa kisame ng kwarto niya. She didn't have any plan. Naisipan niya na umuwi pero di niya rin alam kung anong gagawin niya dito. Bigla niyang naalala ang tungkol sa resort na pinuntahan ni Tyrone.

"Mom, I'm going out. Baka gabihin ako," paalam niya.

"Where are you going? We're supposed to have family dinner tonight."

"Family dinner na wala naman si Tyrone?"

Hindi na nakasagot si Rose sa anak. Hinayaan na lang niya na makaalis ito dala ang sasakyan.

Habang nasa daan, unti-unting nagbalik sa alaala ni Althea lahat ng mga bagay na sinubukan niyang kalimutan nang umalis siya ng bansa. Bakit nga ba siya pupunta sa resort? Para siguro sa kapatid niya. Alam niyang galit si Tyrone sa kanya. Malaki ang kasalanan niya dito nang iwan niya siya papuntang Japan. Hindi naman niya sinasadya, pero yun ang dahilan para malayo ang loob nila sa isa't isa.

Pero pwede naman niyang hintayin na lang si Tyrone na makauwi. Tama. Pwede nga. Pero may gusto siyang gawin. May gusto siyang makita. Ayaw niya lang aminin sa sarili niya. I guess there's no turning back now.

Pagdating niya sa resort, pina-valet parking niya ang sasakyan at dumiretso sa admin office. "Miss, bawal po dito. Do you have any appointments?" sita sa kanya ng receptionist. Isa sa mga nagbago kay Althea simula nang umalis siya ay ang pagiging mainitin ng ulo, lalo na sa mga taong hindi kilala kung sino siya.

"Do I need one?" Tinanggal niya ang suot niyang shades pero tila walang epekto sa receptionist. Hindi nga siya kilala nito.

Dali-daling lumapit ang isang staff sa reception area at pinagtakpan na lang ang receptionist. "Ma'am. Of course not. Hindi na po kailangan."

"I'm looking for my brother."

"Nasa itaas po siya. 7th floor."

"Notify him. I don't have my phone with me," sabi niya at mabilis naman na tinawagan ang phone ni Tyrone. Aalis na dapat siya nang may maalala siya. "By the way, tell that receptionist she's fired." Sinuot niya ulit ang shades niya at nagsimulang magpalakad palayo.

Kung kay Tyrone ang Crystal Mall, kay Althea naman ang Crystal Hotel and Resort.

Saktong-sakto dahil isang hindi inaasahang tao ang lumabas galing sa elevator kung saan siya naghihintay. "Kaiser," bulong niya sa sarili. Kilalang-kilala niya ito kahit nakatungo ito at mukhang malalim ang iniisip. Tuluy-tuloy na lumabas ng hotel si Kaiser nang walang napapansin. Hell, I wasn't ready for that.

Biglang may kung anong kumirot sa puso ni Althea. Naalala niya ang una nilang pagkikita, ang pagkakaibigan nila, ang mga panahong nililigawan siya ni Kaiser, ang mga masasayang pagkakataon nang naging sila, at ang sakit ng ginawang panloloko sa kanya.

I wasn't ready for this at all. 

***


Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon