Chapter 9: Adam Tyrone Villareal

206 11 3
                                    

Chapter 9: Adam Tyrone Villareal

"Tyrone, meet Jane. Anak ng best friend ko. Dito na siya sa'tin titira. And Jane, meet our son, Adam Tyrone," pagpapakilala ni Tita Rose.

"Yo," bati niya. Bumulong na lang ako ng 'hi' at inilayo ang tingin. Nakakainis naman 'to. Kapag nga naman pinaglalaruan ka ng tadhana oh. Ang sarap kumanta ng 'It's a small world after all~~~'"Aakyat na ko," sabi niya sa kanila tapos tumalikod na.

"Teka, hindi ka ba kakain ng hapunan?" tanong ni Tito William sa kanya.

"Tapos na," sagot niya nang hindi man lang lumilingon.

"Pagpasensyahan mo na si Tyrone, ah. Medyo mailap lang sa tao yan, but I'm sure you'll get along," assurance ng tatay niya pagkaalis niya sa dining area. Mailap. Ano siya, aso? Get along. Sana nga. Ayoko ng magulong buhay.

Dumiretso na agad ako sa kwarto pagkatapos ng hapunan at humiga na ako agad sa kama. Wee! Anlambot. Mas makakatulog ako ng mahimbing dito kaysa sa dorm. Pero hindi talaga mawala sa isipan ko yung nangyari kanina.

"Jane, meet our youngest, Adam Tyrone."

 

"Jane, meet our youngest, Adam Tyrone."

 

"Jane, meet our youngest, Adam Tyrone."

Adam Tyrone...

Adam Villareal

 

Adam Tyrone Villareal

WATDAEP?! REALLY??? Bakit walang nagsabi sa'kin na nasa lungga pala ako ng mga Villareal?!

Late reaction na ako pero... Huhu. Nakakainis naman eh. Yan kasi. Oo lang nang oo nang hindi nagtatanong.

Bandang 9PM nang lumabas ako ng kwarto. Kailangan kong tawagan si Ace pero hindi naman ako mapakali sa loob ng kwarto kaya kailangan ko ng sariwang hangin. Pagbaba ko, naabutan ko yung mga maids na naglilinis.

"Good evening, ma'am," bati sa'kin nung isa. Nakakaconscious naman yung 'ma'am'.

"Anong name mo?"

"Mara po."

"Nasaan yung mga tao?" tanong ko. Parang aga naman yata nilang matulog sa bahay na 'to. Nocturnal pa naman ako.

"Nasa kanya-kanyang kwarto na po," sagot niya. Itatanong ko pa sana si Manang Luz pero bukas na lang. Baka nagpapahinga na siya eh. Excited na akong makipagchikahan sa kanya.

"Hmm. Pwede pa naman akong lumabas sa bakuran di ba?"

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon