Chapter 1: All the Talking
"JAAANE!"
Ano ba yan? Ang aga-aga sumisigaw. Well, sanay naman na ako. Maingay rin naman ako eh. Malayo pa lang ay naaaninag ko na ang dalawang lalaking papalapit sa kinaroroonan ko. Yung isa parang tangang pagewang-gewang, Sabaw ata. Yung isa naman kalmado lang.
Dahil pakiramdam ko parehas silang naglalakad sa buwan, tumayo na ako sa kinauupuan ko at sinalubong sila. Kalalaking mga tao eh kababagal. Aktong yayakap sana sa'kin yung tumatakbo pero nilagpasan ko siya. Lumapit ako sa lalaking kalmadong naglalakad.
"Good morning," bati ni Ace. Ngumiti siya. Parang may laser beam yung ngipin niya na every time ngumingiti siya, natutunaw ako. O melting beam ba dapat tawag dun. Ilang taon na pero hindi pa rin ako sanay sa kanya. Kinikilig pa rin ako.
"Good morning," tapos nagkiss ako sa cheeks niya. Yes. Chansing! Haha! Joke lang. Isa lang yan sa mga privileges slash responsibilities ng pagiging girlfriend. It depends on how you look at it.
"Ako, Jane? Wala ba akong kiss?!" angal ni Neo. "Palagi na lang si Ace."
"Gusto mo isumbong kita sa presidente?" pang-aasar ko sa kanya. Nililigawan kasi niya yung president ng org naming na si Izzia Elaine. Matagal na. As in.
Mukhang nagulat ng kaunti si Neo tapos bumulong. "Ssh! Wag. Hindi pa nga kami eh baka makipagbreak na agad." Nagtawanan kaming tatlo. Ay. Dalawa lang pala kami. Hindi tumatawa si Ace. Hindi yata siya nakakaintindi ng kahit anong jokes. Tell him one, and you'll end up explaining your own joke to him. Kaya ngiti-ngiti lang siya tuwing nagbibiruan kami. "Sige na. May class pa ako," paalam ni Neo.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina at tinabihan naman ako ni Ace. Inilibot niya ang paningin sa tambayan namin at nung napansing wala masyadong tao, inayos niya yung mga gamit sa paligid niya at humiga na nakaulo sa hita ko.
Tahimik lang si Ace. Tahimik din magdamoves. Fourth year high school nang maging kami. Nung high school kami, kung hindi pa iexplain sa'kin ng mga kaklase ko kung anong nangyayari, hindi ko malalamang nililigawan na pala niya ako. Hindi dahil sa slow ako. Basta, wala ring nag-akala na yun na yun. Akala ko ginagawa niya lang yun para mawala ang focus ko at mataasan niya ako sa grades. Transferee kasi siya noong 3rd year at simula nun eh naging magkalaban na kami sa ranking. Syempre competitive ako. Buong high school life ko, target ko palagi ang first place. Sinagot ko siya sa pagbabaka-sakaling siya naman ang mawala sa focus at ako ang maging Valedictorian. Eh ganun pa rin naman ang resulta, ligawan man niya ako o hindi—second pa rin ako sa kanya.
"You're early." Usually kasi, naauna siya sa tambayan kaysa sa akin.
"Nagcut ako."
"What?" Pasensya na kayo. Masyadong strict 'tong boyfriend ko. Para ko nga siyang tatay eh.
"Wala! Ang sabi ko, cute ako. Eto naman oh. Sir dismissed the class 15 minutes before the time," sagot ko. "Kumain ka na ba?" Sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko. Ang haba na din. Naalala ko nung nagpagupit siya ng buhok nung high school, nagtampo pa siya sa'kin kasi hindi ako matigil katatawa. Hindi kasi bagay. Sobrang ikli. Kaya ayan, ayaw na magpagupit. Natrauma yata.
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...