Chapter 13: Words

189 9 7
                                    

Chapter 13: Words

Hindi ko alam kung ilang oras kami nagstay sa lay-by pero after a while, pinaandar na niya ulit ang sasakyan. Nakatulog na ako sa sobrang kakaiyak kaya hindi ko na rin namalayan kung saan kami napunta. Pagkagising ko, past 12 na at kumukulo na ang tiyan ko.

"Jane," malumanay na tawag ni Ace. Ibang-iba na yung tono ng boses niya compared kanina. Lumabas siya at pinagbuksan niya ako ng pinto sa side ko. "Come on, let's eat."

Hindi ko alam kung nasaan kami pero hinayaan ko na lang siya na maglead sa'ming dalawa. Hawak niya ang kamay ko pero hindi ako tumitingin sa kanya.

"What do you want?" tanong niya habang tumitingin sa menu.

"Kahit ano."

Huminga siya ng malalim at saka tinawag yung waiter. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Tanaw na tanaw dito yung dagat. Mukhang nasa beach resort kami.

"Where are we?" tanong ko sa kanya pag-alis nung waiter.

"Cavite."

Bumalik ako ng tingin sa labas. Dinala niya ako dito para pumunta sa beach? O para lumayo kay Tyrone? Halata namang nagseselos siya eh. Hindi naman niya kailangang gawin yun dahil pinauulit-ulit ko sa kanya na siya lang at wala nang iba. I won't waste three years of relationship for someone I just met recently. Siguro wala siyang tiwala sa'kin.

Dumating na yung mga inorder niya pero wala akong ganang kumain. Halos hindi ko naubos lahat. Kita ko namang naiirita na siya pero hindi niya lang pinapahalata.

Pagkatapos sa diner, dinala niya ako sa isang cottage. Kwarto lang siya na may dalawang beds, sofa set, mini-kitchen, bathroom at isang malaking flat screen TV. May mga damit na ring nakalagay sa cabinet.

Habang nag-aayos siya ng gamit niya, lumabas ako sa mini-terrace. Ang harap ng hangin dito. Hindi masyadong mainit sa pakiramdam kahit alas dos na ng hapon. Natatanaw ko sa malayo yung mga batang naglalaro sa dagat. Naku po! Magkakasunburn kayo niyan. Napangiti ako ng bahagya. Gusto ko din itong ienjoy, pero di ko alam kung paano kung magkaaway naman kami.

Naramdaman kong yumakap sa bewang ko si Ace mula sa likod. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at ilang minuto rin kaming nasa ganung posisyon. Hinawakan ko yung kamay niyang nasa bewang ko. Hindi ko rin naman siya matitiis eh. Mahal na mahal ko 'tong kumag na 'to kaya parang kahit ilang beses pa kaming mag-away, mapapatawad ko pa rin siya.

"I'm sorry," bulong niya. Naramdaman kong nanginginig yung boses niya kaya humarap ako sa kanya habang nahawak pa rin siya sa waist ko.

"Hey. Umiiyak ka ba? Look at me." Hinawakan ko gamit ng dalawang kamay ang mukha niya at nakita kong tumulo ang luha niya. Lumapit pa ako sa kanya at hinalikan ko ang mata niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. "You're forgiven."

Niyakap niya ako ng mahigpit at paulit-ulit na hinalikan ang buhok ko. Kahit hindi naman namin sabihin, alam naman naming mahal namin ang isa't isa. Feeling ko hindi ko kakayanin kapag nawala siya.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon