Chapter 5: Girls' bonding
Inaya kong mamasyal ngayong araw si Frances. Ang hirap na mabulok sa dorm forever. Wala dun si Jaica dahil may pasok siya sa UCC, tapos gagabihin pa siya dahil pupunta pa siya sa tuturuan niya.
"DJ, hindi ba dapat nasa beach kayo ngayon ni Ace?" tanong niya out of nowhere. Nakakainis 'to. Ipinaalala pa.
Bumuntong-hininga ako bago nagsalita. "Hindi ko ba nabanggit sa'yo na deal lang yun? Kapag nataasan ko siya sa ranking, pupunta kami sa beach. Eh hindi. Parang nakaglue na siya dun sa Top 1. Ayaw na niya umalis dun."
Natawa si Frances sa sinabi ko. Alam niya ang nararamdaman ko. Simula high school pa lang ba eh. "Eh kasi naman. Alam mo namang hindi ka mananalo, nakipagdeal ka pa."
"Sama mo naman."
"Eh kasi nga, totoo naman. Alam mo namang nakadikit na sa pangalan niya ang mga salitang 'first', 'top', 'winner', 'champion', mga ganun."
"Motivation yun para makapag-aral ako. Tingnan mo naman. First time ko sa top. Hindi na ako confident na mauulit pa yun."
"Ha! Ang magaling na si Jane Arciaga, walang confidence. Nilalagnat ka ba teh?"
"Tss!" Tinupunan ko na lang siya ng chips.
Maaga pa bago ang napili naming screening time ng movie kaya naisipan muna naming maglakad-lakad. Nakaka-engganyong mamili kasi sale. Nagkakasundo talaga kami ni FC sa mga ganito. Pero siya lang naman talaga ang bumibili dahil wala akong pera.
Sobrang daming tao kahit saan kami magpunta. Pakiramdam ko nga bugbog-sarado na ako sa dami ng bumangga sa'kin ngayong araw.
"Aray!" sigaw ko. Ito na sa tingin ko ang pinakamalalang pagkakabangga sa'kin. Baka bukas may isang malaking purple spot na sa braso ko. May isang lalaking maraming bitbit na mabilis na sinasalubong ang daloy ng tao na para bang may humahabol sa kanya.
"Pahara-hara kasi eh." Aba't! Palalampasin ko na sana ang ginawa niya kung hindi niya sinabi yun.
"At kasalanan ko pa ngayon? Ikaw 'tong nakasakit, dapat ikaw ang magsorry! Ang yabang mo ah."
Narinig kong pinipigilan na ako ni FC. Wala akong pakialam kung makaeskandalo ako ngayon dito. Mas okay nga na maraming tao para mapressure siyang magsorry sa'kin.
"Pasalamat ka babae ka kundi pinatulan na kita," pagbabanta niya.
"Sinong papatulan mo?" Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko. Hindi ko inaasahan na paglingon ko sa likod ko, si Villareal ang makikita ko.
"Nangingialam ka? Sino ka ba?" sigaw nung lalaki sa kanya. Napa-smirk lang si Villareal.
"Ako? Wala lang. Napadaan lang ako," sagot niya. Tss. Akala mo naman kung sinong maangas. Duwag din pala. Bigla na lang niya akong inilagay sa unahan niya at iniharap dun sa kuyang panget. "Ito? Hindi mo ba 'to kilala?" pagpapatuloy niya. "Amazona 'to. Kayang-kaya ka niyang ihagis mula dito hanggang ground floor kapag hindi ka nagsorry."
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Fiksi RemajaThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...