Chapter 3: Offers

253 11 4
                                    

 Chapter 3: Offers


"Oy Dominga!" sigaw ni Christian pagdating ko sa tambayan.


"Shut up Ichan. Wala ako sa mood," warning ko sa kanya sabay upo sa paborito kong spot sa tambayan. Hindi ako makapaniwalang napalabas ako ng teacher sa klase niya. Nakakainis! Mabilis pa naman kumalat ang chismis sa school namin.


-Flashback-

Nakatayo si Mrs. Cruz sa unahan habang tahimik lang kaming lahat na naghihintay sa kanyang deadly question. Isa siya sa mga tinaguriang 'terror' teachers sa school dahil sa mga napakahirap niyang exams at sobrang strict class policies.

"Would you please tell me why our class has the lowest passing rate in the whole department? Tatlo lang ang pumasa!"

'Ask yourself, ma'am.' Gusto ko sanang sabihin sa kanya. Tapang ko lang. Hindi naman siya nagtuturo at talaga namang mahirap ang exam. Lalo na't siya ang gumawa. I feel the urge to defend my classmates 'coz I knew we did our best, kahit na tatlo lang kaming pumasa. Yes. I was one of the lucky ones.

Walang umiimik dahil lahat takot sa kanya. She was looking at each one of us as if memorizing our faces. Nung makalagpas na siya ng tingin sa'kin, naramdaman ko namang may sumisipa sa upuan ko. Nung una hindi ko pinansin. Baka nadali lang. Nasundan pa ng ilang sipa kaya tinginan ko na yung nasa likod ko.

'Siya na naman,' sabi ko sa isip ko. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking 'to. Palagi na lang niya akong ginugulo. Hindi ko nga alam pangalan niya kasi wala naman ako pakialam sa kanya.

Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi pa rin siya tumigil. Instead, he just smirked at me. Kaunti na lang talaga puputok na ang fuse ko.

"S—"

"What do you want?!" Napatayo ako at humarap sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tiningnan niya lang ako na parang inosente siya sa ginawa niya. Lahat ng atensyon ay nasa akin. Huli na nang marealize kong naputol ko pala ang supposedly second part ng sermon ni Mrs. Cruz.

"Get out of this class!" sigaw ng matanda.

-End-

 

Nakakahiya. Waah! Nakakahiya! Sisiguraduhin kong hindi na mauulit yun. Hindi na dapat maulit yun. T_T


"Mukha nga. Balita ko nag-ala-Bruce Barnes ka daw ah," sabi ni Christian.


Napakunot noo ko pagkasabi niya nun. Hindi dahil sa parang inaasar niya ako pero dahil parang may mali sa sinabi niya. "Bruce Barnes?"


"Oo. Hindi mo kilala yun? Si The Hulk!"


Hindi ko napigilang tumawa ng malakas. Pati yung iba naming orgmates nagtawanan din. Si Ichan naman, mukhang hindi alam kung anong nangyayari. "Anong mali sa sinabi ko?" tanong niya.


'Bruce Banner kasi yun! Saan mo napulot si Bruce Barnes?" pang-aasar ko. HAHAHA! May sarili yatang line of superheroes 'tong si Ichan eh!


"Ah basta may Bruce!"


"Wag mo nang ipilit!" sigaw nung isa naming orgmate.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon