Chapter 22: Do your part
"Do you really need to dig deep into our private lives?" Nagulat ako nang tumayo si Tyrone sa tabi ko. Nakakatakot yung boses niya. Para siyang mangangain ng tao. "Let's stop this nonsense shit. Ace Torres is Jane's past and I am now her present. Case closed."
A-ano daw?!
Hindi pa ako nakakahinga, hinila niya ako palabas ng office pero tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko bago pa kami makalayo. "Anong kalokohan yun, Villareal?"
"Huwag ka nang magtanong," tapos hinigit na naman niya ako. Kinaladkad niya ako hanggang sa makalabas kami ng building. Waah! Andaming taong nakaabang tapos pinipicturan nila kami. Paparazzi lang?
"Totoong Ace is my past. Eh when did you become my present? Alam mo, lalo mo lang akong ipapahamak ee," sabi ko pagpasok namin sa sasakyan niya. Mabuti na lang at hindi na kami sinundan nung mga taong nagpipicture sa'min.
"Akong bahala sa'yo. Hindi ka nila guguluhin," assurance niya. Actually, hindi naman talaga yun yung ipinag-aalala ko eh.
"Eh baka kung anong isipin ni—"
"Ni Ace," tinuloy niya yung sasabihin ko. "Si Ace na naman? Why do you even think about him? Hiwalay na kayo di ba?" Nagulat ako kasi medyo tumataas yung boses niya.
"Being separated with him doesn't mean I don't love him anymore," pag-amin ko. Totoo naman eh. Kahit kanino mo itanong, hindi madaling kalimutan ang nakaraan. Lalo na yung mga masasayang alaala. Ganun kapag may kaibigan kang malapit sa'yo. How much more kung mahal mo yung tao di ba?
"Jane, nasasaktan ka na nga, ganyan ka pa rin kamartyr?"
"Tyrone, normal lang na masaktan ka kapag nagmahal ka. Pain goes with anything in this world."
"Going after someone who doesn't love you or even care about you anymore, that's called stupidity." Tumikhim siya at pinaandar na yung sasakyan.
Yeah. I guess I'm really stupid.
Tyrone's POV
Earlier that day...
Dinala ko na sa engineering department yung mga plates sa ED. Nakakainis kanina sa klase, ang iingay ng mga estudyante. Kitang-kita ko na naiirita si Jane pero hindi niya pinapatulan. Mas mabuti na yun kaysa magkagulo pa dahil sa anger management issues niya.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin pero sinundan ko si Jane sa lahat ng klase niya buong maghapon. What's with this girl? She pretends to be tough but she actually needs a babysitter. She's so vulnerable.
Nasa isang klase siya na large class at pumasok din ako sa loob. Andun lang ako nakapwesto sa likod para hindi niya ako makita. Pwede namang magsit-in sa ibang class kaya ayos lang kung dito na ako aattend.
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...