Chapter 23: The bet

201 7 0
                                    

Chapter 23: The bet


"Shiroya's newest elite couple spotted dating on Crystal Malls—fuweviubjnfVCj..."


"FC, tama na please? Kulang na lang mapanood ko pa yan sa TV eh," pakiusap ko.Tuluy-tuloy lang sa pagbabasa ng school newspaper si Frances sa pang-aasar sa'kin habang nakatakip yung magkabilang tenga ko. Nakakasawa na. Isang buong linggo ko na nga yan naririnig eh.


Ibinaba niya yung binabasa niya tapos umupo sa tapat ko nang nakapangalumbaba. "Gusto mo sabihin ko kay Izzia, ipabroadcast to sa TV? Ah. Saan kaya maganda? GMA? ABS? TV5?" pang-aasar niya. Waaaaah! Tulong please!


Ang hirap palang maging sikat. Huhu. Hindi na rin ako tinigilan ng mga orgmates ko tungkol dito. Naalala niyo nung sinabi kong SA namin si Tyrone sa ED di ba? Mas marami pa dun yung mga tanong nila ngayon.


"Ate, totoo ba talagang kayo?" Hindi rin ako naniniwala eh.


"Kailan pa naging kayo?" Hmm. Ewan. Nabigla na nga lang ako eh.


"Saan mo siya sinagot?" Hindi ko nga siya sinagot eh!


"Paano ka inayang maging girlfriend?" Nagising na lang ako isang araw, boyfriend ko na siya.


"Ate baka mamaya niyan, pinikot mo siya ah." ASA KA! Ako kaya ang napikot dito!


"Masaya ba siyang kasama?" Hmm. Minsan oo, madalas hindi.


"Sweet ba siya?" Hmm. Minsan oo, madalas hindi.


"Nakiss mo na siya?" Yuck. No way!


"Totoo bang may abs din siya?" Malay ko. I don't care.


"So ate, nakapunta ka na sa bahay nila?" Oo naman. Dun nga ako nakatira eh.


"Kilala ka ba ng  parents niya?" Oo naman. Kakampi ko nga sila eh.


 "Ate, pwede ko ba siyang mahiram? Kahit isang araw lang." Sige lang. Kahit wag mo na nga ibalik eh.


"Ate, magagalit ka ba kabang inagaw ko siya sa'yo?" Sige lang. Hindi naman siya sa'kin in the first place eh.


"Ate, anong sikreto mo? Bakit ampopogi ng mga nagiging boyfriend mo?" Syempre. Maganda ako eh.


"Ate may iba pa ba siyang kapatid? Ipakilala mo naman ako oh." Ewan. Ang alam ko isa lang siya eh. Hindi ko na kakayanin kung may isa pang katulad niya.


Hay kung alam niyo lang...



Naglalakad ako papuntang cafeteria nang may tumuhod sa alak-alakan ko. Ang tendency, medyo ma-out of balance ako. "Jane, gutom ka?" ngisi-ngisi pa si Tyrone sa tabi ko. Bungian ko 'to eh.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon