Chapter 22.5: Do your part (extra chapter)
Neo's POV
"Do you think it worked?" tanong ko kay Izzia nung sinundo ko siya sa DC office. Sinabi niya sa'kin yung plano niya na ikinagulat ko naman. Alam kong magagalit si Jane kapag nalaman niyang televised yun kaya hindi ko na lang ipinaalam kahit kanino.
Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "Wala na akong maisip eh. That's the least I can do for Jane. At least she was able to defend herself earlier."
"But what did Adam do? Don't think it'll do any good to Jane." Tama naman. Dahil sa sinabi niya kanina sa DC office, pag-iinitan ng mga babaeng may gusto kay Adam si Jane.
"Adam likes her, obviously. He can take care of her."
"Pero mahal ni Ace si Jane..." Naaawa ako para sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit sila naghiwalay, pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi sa mga ginawa niya. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit wala siyang ginagawa para bawiin si Jane.
Humarap siya sa'kin bago magsalita. "I know you're close with Ace and so I am with Adam. And we're both to Jane. I wanted to help in sorting out their feelings but they're too complicated."
"It's even more complicated since Ace and Jane belong in one circle," dagdag ko. Totoo yun. Walang masama na may maging magkarelasyon sa isang barkada. Pero kapag dumating yung oras na naghiwalay na yung couple, buong barkada ang apektado. Nagkakaroon ng hatian. Hindi mo alam kung kanino ka kakampi kasi kaibigan mo sila pareho. Sa case namin, si Ace na ang lumalayo sa grupo.
Huminga siya ng malalim at nagsimula na ulit maglakad. "They're old enough. I think we shouldn't meddle with their love lives."
"You're one to talk." Natawa siya at hinampas ako ng mahina sa braso. Ang kulit talaga nito.
Bumaba na ng steps si Izzia hanggang sa makalabas na kami ng building. Malakas ang ihip ng malamig na hangin kaya itinaas niya ang zipper ng jacket niya at niyakap ang sarili. Gabi na pala.
Ilang linggo na mula nung maging malamig ang pakitungo niya sa'kin. Dati ay sabay kaming kumakain ng lunch pero sa student council office siya ngayon naglalagi. Ako rin ang naghahatid sa kanya dati pauwi sa kanila pero bigla na lang nagkaroon ng kotseng tagahatid at tagasundo sa kanya.
Tiningnan ko lang siya habang naglalakad. Hindi ako susuko. Mahal ko eh.
Wala ako sa sariling nakarating sa parking lot. Ni hindi ko man lang namalayang andito na pala ako sa tapat ng sasakyan ko kung hindi ako tinusok ni Izzia ng mahina sa tagiliran. "Uy. Ne-o Vin-cent."
Paglingon ko, nakakita ako ng anghel. Ang ganda niya talaga.
"Pwede ka ba ngayon?" tanong niya. "Come over for dinner."
"Bakit? Wala ka bang sundo ngayon?" kunot-noo kong tanong. Ang weird kasi. Bihira lang kasi akong imbitahan nito sa kanila. Parang dalawang beses pa lang yata akong nakapasok sa loob ng bahay nila. Madalas kasi, hanggang labas lang ako ng gate.
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...