Chapter 31: Balik sa dati
Jane's POV
Napag-isip-isip ko na tama naman ang pinayo sa'kin ni FC. Ay. Wala pala siyang ipinayo sa'kin. Sino pa nga ba ang tutulong sa sarili ko kundi ako rin naman, di ba?
Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at tinitigan ang singsing namin ni Ace. Suot pa kaya niya yung kanya? Hindi ko alam, kasi bihira na lang kaming magkita. Actually, hindi na nga kami talaga nagkikita. Hindi nga rin siya pupunta sa practice ng org ngayon eh. Bakit kaya may mga taong ganun lang kadaling makalimot? Hindi ko kaya yun. Masyadong mahirap. Kahit pa may tulong mula sa iba.
Si Adam.
Jusko po ano ba namang buhay 'to!? Hindi ko alam kung bakit ako napapraning dahil lang hindi niya ako kinakausap. Baka nga naman kasi pagod lang. Ano bang problema ng mundo? Masama bang mapagod? Syempre hindi. Kaya Jane, hayaan mo siyang magpahinga. Malay mo mamaya pansinin ka na niya sa practice.
Shet yung practice! Napatingin ako sa orasan at nakitang 5:30 na. Lagot ako. Lagot talaga. Dali-dali akong nagpalit ng damit at lumabas papunta sa function hall. Ang sosyal naman, nakasoundproof. Pagdating ko dun, nagpapractice na yung banda.
"Hay sa wakas. The queen is here. Ay princess lang pala 'coz I'm the queen," sabi ni Izzia sa microphone na ikinatawa ng lahat. Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang mga ginagawa at nilapitan naman ako ni Izzia. "Maya-maya na tayo magpractice ng part niyo. Your partner isn't here yet."
"Asan siya?"
"I don't know. Di pa siya bumabalik from the admin office," sagot niya.
--
Naniniwala ba kayo sa teleportation? Ako hindi, pero napatunayan kong totoo siya dahil nagulat na lang ako nasa tapat na ako ng admin office ng hotel. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta dito eh. Baka nga teleportation.
"Sir Villareal isn't here," sabi nung babaeng nakaupo sa table bago yung pinto. Hindi ko pa naman siya tinatanong pero sumagot na siya agad. Secretary or receptionist yata. Who cares? Hindi nga siya nakatingin sa'kin nung kinausap niya ako eh. May binabasa siyang kung ano na pagsilip ko ay isang magazine lang pala. Cosmo ata.
"Ah ganun ba? Saan siya nagpunta?" tanong ko na lang kahit nacreepy-han ako kasi alam niya kung bakit ako andito.
"No one knows. He left after he received a phone call," sagot niya habang patuloy pa rin siya sa pagbabasa niya.
Hindi ko alam kung bakit pero naimbyerna ako sa kanya kaya nilapitan ko ang table niya, hiniklat ang binabasa niyang magazine, at tinitigan siya sa mata. "Look at me when you answer, okay?" Tumango naman siya pagkasabi ko nun. "Good." Ngumiti ako saka ko ibinalik sa kanya yung binabasa niya. Mabuti yan para matuto siya.
Naisipan kong magpunta sa suite niya. Baka sakaling andun lang naman siya sa kwarto niya. Pagdating ko sa tapat ng elevator, pipindutin ko na sana yung button nung makita ko bigla sina Christian at Jaica. Dali-dali akong umalis at nagtago sa may fire exit.
Bakit nga ba ako nagtatago? Wala naman akong ginagawang masama ah. Sumilip ako mula sa pinagtataguan ko at nakita ko na parang kinocomfort ni Ichan si Jaica. Anong meron?
"Christian!" Nagulat ako kaya naisipan ko na lang sa hagdanan dumaan. Baka pag nakita pa nila ako dito eh kung ano pang isipin nila.
--
Bakit ko nga ba naisipang maghagdan? Badtrip. Ang taas. 4th floor pa lang ako eh hinihingal na ako. Sa 20th pa nga pala siya. Nakakaiyak.
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...