Chapter 30: Head Over Heels
Nasa school na kami at naghihintay ng ibang mga sasakyan na maghahatid sa'min papunta sa resort. Yung iba kong mga orgmates, tuwang-tuwa at mga excited habang ako naman, parang wala sa sarili ko.
"Wow Ate Jane. Thank you sa cupcakes kahit medyo matabang."
Andami kong narinig na kung anu-ano tungkol sa cupcakes ko. What do you expect from a girl who doesn't know how to cook? Magbake pa kaya? Pinagalitan pa nga ako ni Izzia kasi akala niya kumain din ako ng cupcakes eh nakakataba nga yun. Normally, magrereact ako agad sa mga ganyang comments. Pero ngayon, pasalamat sila kasi papalampasin ko lahat ng mga sinabi nila.
"DJ, dun ka na daw sumakay sa van kung nasaan si Adam." Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si FC. Halos lahat pala nakasakay na sa mga sasakyan.
"Papayag kaya si Adam?"
Nakita kong kumunot ang noo niya bago siya nagsalita. "Ano ba namang tanong yan? Syempre naman. Dun ka nakasakay kanina di ba?"
"Saan ka?"
"Dun ako kina Neo at Izzia."
"Psh. Third wheel ka pa dun. Bakit di ka na lang kay Mark sumabay?" tanong ko sa kanya.
"No way!"
Wala naman akong nagawa kundi sumakay na. Dun ako sa shotgun seat kasi si Tyrone pala ang magdidrive ng van. Sinigurado niya lang na nakakabit na ang seatbelt ko tapos pinaandar niya na yung sasakyan. Hindi siya nagsasalita. Kanina pa nga siya ganyan eh. Feeling ko galit siya sa'kin pero hindi ko alam kung bakit.
-Flashback-
"Bakit ka huminto?" tanong ko nung bigla na lang siyang tumigil sa pagtugtog ng I Don't Wanna Miss A Thing. Sayang naman. Mas magaling pa man din siyang magpiano kaysa kay Ace.
"Inaantok na pala ako," sagot niya. Nalungkot ako nung marinig ko yun. Akala ko pa naman sasamahan niya ako hanggang sa matapos ko yung mga cupcakes. Pero okay lang naman kasi kawawa naman siya.
"Sige, matulog ka na. Gisingin na lang kita mamaya."
Nakatulog naman ako kahit isang oras. Pagkatapos ko mag-ayos ng mga daldahin ko para sa long weekend, naabutan ko siyang nakasandal malapit sa pintuan ng kwarto. Kinuha niya yung mga gamit ko at ipinasok niya lahat yun sa van.
"Kumusta naman tulog mo? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" tanong ko sa kanya kasi bakas sa mukha niya na pagod siya.
"Oo."
"Thank you pala sa pagsama mo sa'kin kaninang madaling-araw," sabi ko pero hindi siya sumagot. "At least natapos ko yung cupcakes. Nakita mo na ba?"
"Hindi pa."
"Gusto mong tikman?"
"Wag na."
Tumahimik na muna ako kasi puro one-liner lang naman ang sagot niya sa mga sinasabi ko. Naisip ko baka pagod lang siya kasi napuyat siya.
-End-
Sandali pa lang ang biyahe pero hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako nang bigla na lang kaming nagpreno ng sobrang lakas. Buti na lang nakaseatbelt ako.
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...