Chapter 18: Mark that date
Ngayon lang ako ulit nakalabas ng bahay. As in labas ng gate. Naisip ko na wala rin naman akong mapapala kung magkukulong ako sa loob ng kwarto habang buhay. Patuloy na umiikot ang mundo nang walang pakialam sa'kin. Wala rin namang nagbago. Nasa same na lote pa rin yung bahay, tumutubo pa rin naman ang mga halaman, lumilipad pa rin ang mga ibon, gumagapang pa rin ang mga ahas...
WAAH! AHAS?!
"Ay Ate sorry po. Nakatakas si Snookie sa kulungan niya eh." Kinuha nung bata yung ahas malapit sa'kin tapos hinalikan pa niya. "Ikaw ah? Nananakot ka ng iba. Bad yan," kausap niya dun sa alaga niya. Yung totoo? Kailan naging hindi nakakatakot ang mga ahas? Sa Zuma at Galema lang naman nagiging katawa-tawa yun eh.
"Ikulong mo mabuti yang alaga mo ah," sabi ko tapos binilisan ko na yung paglalakad para makalayo na ako dun sa bata at dun sa Snookie niya. Naku po. Weird pala yung kapit-bahay namin. Baka mamaya may crocodile pa sa loob ng bahay nila tapos makawala pa edi kung sinu-sino na lang kinain nun.
Nakarating ako sa restaurant na tinext sa'kin ni Mark. Pumayag nga ako sa sinasabi niyang date last week, di ba? Di pa rin ako makapaniwalang pinagbigyan ko 'tong mokong na 'to. Nakita ko siyang nakaupo malapit sa bintana pero nakayuko siya. Natutulog yata.
"Uhm. Mark?" tawag ko sa kanya. Umupo na ako sa upuan opposite sa kanya tapos nagising na siya.
"Uy! Andito ka na." Hinde hinde! Wala pa ako. Joke lang 'to. "Kanina ka pa ba?"
"Kakarating ko lang. Ikaw?"
"Hmm. Mga 2 hours na. Hehe." Grabe. Ang usapan kasi namin 11AM eh 1PM na pala ngayon. Ambait ko talaga.
"Bakit naghintay ka pa? Sana umalis ka na lang."
"Ayos lang. May usapan tayo di ba? At saka tingnan mo. Dumating ka naman eh," sabi niya. Ouch. Parang tinamaan ako dun, ah? Ang sama ko naman. Ayokong pinaghihintay ako pero ngayon may pinaghintay ako. Buti na lang nagtiyaga siya. Buti pa siya tumutupad sa usapan.
Tumawag siya ng waiter at umorder na kami. Pagkaalis ng waiter, huhu. Super awkward. Hindi naman kasi talaga close eh. Hindi ko alam kung anong dapat naming pag-usapan. Bakit naman kasi kailangan pa ng date eh.
"Jane."
"Oh?"
"Hmm. Wala."
"Jane."
"Oh?"
"Wala ulit."
"Jane."
"WAG MO SASABIHING WALA NA NAMAN!" Hindi ko mapigilang mapasigaw kaya napalingon sa'min yung mga tao sa resto. Nakakainis kasi eh. Paulit-ulit eh. Nakakahiya tuloy.
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...