Chapter 2: A Sister and Friend

284 9 3
                                    

Chapter 2: A Sister and Friend


Kanina pa nakaligpit ang mga gamit ko at nangangati na ang mga paa kong makalabas ng room. Isa kasi 'tong klase na 'to sa mga pinakaayaw ko dahil sa napakagaling na teacher na walang ginawa kundi talikuran kami at kausapin niya mag-isa ang pisara. May respeto pa naman ako sa kanya kaya nananatili ako sa room buong period.


"Class dismissed." Mas mabilis pa ako sa alas kwatro nakalabas ng room. Grabe. Parang torture chamber yung kwartong yun, except that air conditioned siya at malambot ang mga upuan.


"Hey gorgeous." Nagulat ako nang may umakbay sa'kin at kinuha ang mga gamit ko. Hindi ko pa sana ibibigay kasi akala ko magnanakaw.


"Hi panget. Kanina ka pa naghintay?" Haha! Minsan 'panget' ang tawagan naming pero hindi naman talaga siya pangit. My goodness! Kung makita niyo lang siya... gwapo, matangkad, parang naglalakad na Greek god, matalino... Hay naku. Nagfafangirl ako sa sarili kong boyfriend.


Umiling siya. Dumaan muna kami sa tambayan to get some things and headed to the parking lot. "I told you not to wear shorts," sabi niya pagkasakay na pagkasakay namin ng kotse niya.


"Mainit eh. Magsusuot nga akong bikini bukas," pang-aasar ko. Binigyan niya ako ng titig na may kasamang pagkunot ng noo. Nakakatawa itsura niya kaya tumawa ako.


Ibinalik na niya ang tingin niya sa kalsada. "I'm the only one who can see your legs," ngisi niya. Aba! Aba!


"Perv!"



"Hi Ate Jane!" Nagmamadaling sumalubong sa'kin si Angeline pagpasok ko pa lang sa gate nila at yumakap. "I missed you!"


"But I was just here last week."


"I still missed you." Humiwalay siya at hinila na ako papasok sa bahay nila.


"Good afternoon po," bati ko kay Tita Celine pagdating namin sa living room. Naabutan namin siyang nanonood ng ANTM.


"Oh! Andito pala na pala kayo. Saktong-sakto lang ang dating niyo for my lasagna."


Tumungo kami sa kusina at nagsikain. Pagkain ang paborito kong part ng pagbisita kina Ace. Tita Celine's the best cook in town. Or exaggeration ko lang yun. Basta yung mga luto niya ang mga pinakamasasarap na natikman ko sa buong buhay ko. May restaurant siya at kapag nagpupunta kami dun, palagi na lang maraming tao. Kulang na lang dun na tumira yung mga customers niya.


Tita Celine is Ace's aunt, and Angeline's his cousin. Nakikitira lang si Ace dito since malayo talaga yung bahay namin dito sa school. I say namin dahil nga magkahigh school kami ni Ace. Nagdodorm lang din ako malapit dito.


"Angel, I brought you stickers," sabi ko. Dumaan kami ni Ace kanina sa mall bago dumiretso sa kanila. Nakakahiya kasi na walang dalang pasalubong na kahit ano.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon