Chapter 15: It takes two to Tango
(AN: Play the song on the multimedia. Say Something by A Great Big World ft. Christina Aguilera)
"Dominique Jane, let's break up."
"Ha?" Napanganga ako. As in literally. Tama ba yung pagkakarinig ko?
"Let's stop this, Jane. I can't do this anymore," pag-uulit niya.
"Is this some kind of a joke?" Napatingin ako sa paligid. Baka kasi may camera lang or may mga audience pala then nasa isang reality show pala ako. Or baka may hidden surprise pala siya hinihintay niya lang na mapansin ko. "Are you making fun of me?"
Lumapit siya sa'kin at ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang balikat ko. "Jane, come on. Listen to me."
"No, Ace Torres. You listen to me." Hinawakan ko yung dalawa niyang kamay at tumingin ako sa mga mata niya. "I'm sorry for questioning you earlier. Hindi na yun mauulit, okay? Stressed lang ako. But for now, stop this joke. Hindi na nakakatawa. Halika ka na, uwi na tayo." Hinigit ko na yung kamay niya pero hindi siya gumagalaw.
"This is not a joke, Jane Arciaga. I'm sorry but it's over."
"Ace naman eh. Ang kulit mo! Sabi nang tama na eh!" sigaw ko sa kanya. Ano bang problema ng lalaking 'to? Nakadrugs ba 'to? Kulang sa tulog? Nahipan ng hangin? Okay naman kami kagabi tapos magjojoke siya ng ganito.
Tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya at tumalikod na. Nangingilid na yung luha ko. Seryoso ba talaga siya? "Kapag di mo 'to tinigil, ako mismo makikipagbreak sa'yo! Sige ka!" banta ko, pero parang walang nangyari kasi nagsimula na siyang maglakad palayo. "AH GANYANAN AH! Sige! Break na tayo! Yan pala gusto mo eh! Okay fine! Wag kang umasang mababalikan mo pa ako, tandaan mo yan!" tuluy-tuloy kong sabi hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Huminga ako ng malalim.
Okay, what did I just do? Oh Jane, nakipaghiwalay ka lang naman sa boyfriend mo.
Bakit ko ginawa yun? Kasi jinojoke ka niya na makikipaghiwalay na siya sa'yo.
At bakit naman siya magbibiro tungkol dun?
...
Yun ang hindi ko alam.
Napansin kong hindi na siya bumalik kaya nagpanic ako. No no no no. You can't just do this. Nahanap ko rin ang lakas ko para habulin siya pababa ng hagdan. Halos madapa na ako sa katatakbo at muntik na akong gumulong pababa pero wala akong pakialam. Nasa third floor na siya nang maabutan ko siya. Mabuti na lang at wala nang tao dahil wala naman ng mga klase.
"Ace! Ace please stop. Please?" pigil ko. Habol ko pa ang hininga ko habang nagsasalita. Tumigil naman siya sa paglakad pero hindi siya nakatingin sa'kin. "What do you think you're doing, Ace Norman Torres?"
"Breaking up with you?" diretso niyang sagot.
Gusto kong sampalin sarili ko. Maybe in that way I'd wake up from this bad dream. Baka sakaling paggising ko, ayos na ang lahat; babalik na kami sa dati.
But I realized that none of it was a dream. Reality hit me hard when a tear fell from my eye. Nakakainis. Umiiyak na naman ako. Wala na akong nagawa sa mga luhang kanina ko pa pinipigil. Nag-uunahan silang tumulo na para bang nasa karera. And what hurts me the most is that, the one whom I expected to comfort me was the one who was causing me this pain.
"Bakit mo ba 'to ginagawa? May nagawa ba akong mali? Huy! Tingnan mo naman ako, please." Ano ba 'tong nangyayari?
Tumingin ako sa mukha niya at nakita kong mas naging seryoso yung expressions niya unlike a while ago. "Kailangan, Jane. Kailangan."
Napailing ako. Hindi ako papayag. Para na ring nawalan ng kulay ang buhay ko kapag iniwan niya ako. Sounds corny but, yes, corny nga. "Anong kailangan? Bakit kasi hindi mo ipaliwanag sa'kin para hindi tayo mukhang tanga dito?"
"I'm sorry," tugon niya.
"I'M SORRY? 'Sorry' na lang isasagot mo sa'kin? Ace naman. Kung may balak kang sumali sa Drama Club, sabihin mo lang sa'kin. Susuportahan naman kita eh. Pero wag mo akong pagpractisan ng mga ganyang linya!"
"Jane, seryoso ako."
"Seryoso din ako! BAKIT NGA?!" Nag-echo na sa buong hallway yung boses ko. Pero hindi siya umimik.
Yumuko ako habang hawak ko yung dalawa niyang kamay. "Ace naman. Andami n-na nating pinagdaanan. Oo, m-may tampuhan tayo minsan pero, o-okay naman tayo di ba? Kagabi, maayos tayo, di ba? Ang saya-saya pa nga natin sa Cavite kahapon eh." Pinaikot ko ang braso ko sa batok niya at niyakap siya. "Sabi mo you won't ever leave me. Anong nangyari?" Pakiramdam ko nanghihina na ako. "Please. Don't do this. J-just don't." Begging isn't my thing. But I am really willing to step on my pride for this.
Hindi niya ibinalik ang yakap ko. And his next words pierced right through my heart.
"Anong magagawa mo kung ayaw na ng isa, di ba?"
Hindi na ako nakapagsalita pa. Ganun? Ganun na lang ba kadali yun? Kapag ayaw mo na, bibitawan mo ng lang basta-basta? Iiwan mo na lang? Paano na yung mga pinagsamahan namin? Paano na lang yung mga plano namin? Paano na yung mga pangako niya? Parang nilipad na lang ng hangin. Ano nga namang ebidensiya ko na nangako siya ng kung anu-ano di ba?
Kung ganun lang din pala ang gagawin mo, edi sana hindi ka na lang pumasok sa commitment. Nakasakit ka pa ng iba.
Binaba ko na ang mga braso ko. Wala nang patutunguhan 'to. Hindi ako ganito kadali sumuko pero ayaw ko namang magmukhang tanga dito. I saw his eyes. Not a streak of emotion was left.
I am all alone with my feelings.
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...