Chapter 35: Runway Show

43 2 1
                                    

Chapter 35 – Runway Show

Jane's POV

Mabilis naubos ang mga photos ng mga candidates na binebenta ng bawat organization. Ginagawa yata nilang pang-alay sa altar yung mga litrato namin. Yung iba naman nagho-hoarde tapos binebenta sa mas mahal na halaga. Daig pa yung mga scalpers sa mga concerts.

Mamaya na ang gabing kinatatakutan ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang maglakad sa stage ng may sobrang taas na takong sa gitna ng ilawan. Bakit kasi nauso pa itong mga fashion shows na 'to? Alam kong maganda ako pero hindi ako worth isali sa mga ganito. Nakakahiya.

"Izzia, kapag natalo tayo, sorry talaga ah. Pagsisilbihan na lang kita sa mansion niyo. Sorry talaga," sabi ko habang inaayusan ako ng iba naming orgmates.

"Stop it. Aagawan mo pa ng trabaho yung yaya ko. You'll win. I can feel it," she assured.

Isang oras bago ang contest, pinakikinggan na namin ni Tyrone ang mga kantang tutugtugin ng banda namin para sa Runway Show. Tig-isa kami sa earphones.

"Pagdating sa part na 'to, iikot na."

"Tapos ako naman. Liliko ka sa kanan."

"Hindi! Ikaw sa kanan, ako sa kaliwa."

"Weh? Hindi nga? Ikaw Tyrone turon ka wag mo akong nililito ah."

"Sinusubukan ko lang naman kung ready ka na mamaya eh."

"Kinabahan ako, Tyrone. Hindi ko yata kaya 'to."

"Parang ito lang eh. Lalakad ka lang naman. Ngingiti, magpo-pose ng kaunti."

"Sanay ka na yata sa mga ganito eh." Ang confident niya kasi eh. Pero nang hawakan niya ang kamay ko, malamig at nanginginig din siya.

"Kaya natin 'to. I'm here for you."

We're here for each other.

Adam's POV

Ilang beses nagkagulo sa bahay. Hindi alam ni Jane na nasa bahay na si Althea. Lagi kasi silang nagkakasalisi. Pagkatapos ng photoshoot namin last week, nagulat si Jane nang agawan siya ni Althea ng pwesto sa shotgun seat.

"Ako diyan. Dun ka sa likod," utos ng magaling kong kapatid kay Jane.

"Sino ka ba? Wala ka bang sariling sasakyan?" sagot ni Jane. Lagot na.

"Meron. Ikaw? May sasakyan ka ba?"

"Wala."

"So just shut up. Nakikisakay ka na lang –"

"STOP! Please. You, two," I intervened. Baka kung saan pa mapunta ang usapang ito. Unang beses nila magkita pero nagbangayan sila agad. "Ayokong makarinig ng kahit anong salita galing sa inyong dalawa."

Pagdating sa bahay, sinalubong kami ni Mama. Nagulat si Jane nang ipakilala ni Mama si Althea na kapatid ko. Alam kong napahiya siya kaya umakyat kaagad siya sa itaas, pero hindi sa kwarto niya kundi sa kwarto ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na andito pala ang ate mo? At may kapatid ka pala?!" Pigil na galit ni Jane sa'kin.

"I'm so sorry. Sobrang busy ng schedule natin, nakakalimutan kong sabihin sa'yo."

"TYRONE! Napahiya ako!"

"Tinarayan mo kasi eh,"

"Kahit na! You could have told me at least!"

Lumapit ako sa kanya. "I'm so sorry. Kasalanan ko. Inaamin ko. Sorry na please." I hugged her. And she calmed down.

Lately, she's been so passive. Hindi na siya nagreresist sa mga actions ko. Wala naman akong balak samantalahin kung ano man ang chances na bihinigay niya sa akin. Habang tumatagal, lalo akong nahuhulog sa kanya. Sana lang huwag akong umasa sa wala.

Jane's POV

Ito na. Ito na talaga.

Sumilip ako sa kurtina at kita ko na sobrang dami ng tao. Pakiramdam ko buong Metro Manila andito sa school namin para manood. Yung mga hosts, nagpakilala ng kung sinu-sinong distinguished guests na hindi ko naman ma-distinguish. Pati yata si Miss Universe andito.

Simula na.

Nag-umpisa na tumugtog ang banda. Tinawag ang mga presidents according to alphabetical arrangement ng organization name. Pagkatapos, Formally nagstart na talaga ang show. Unang lumakad yung taga ibang org. Pang-15 pa kami dahil R pa naman kami.

Bago ako lumabas, hinawakan ni Tyrone ang kamay ko ng mahigpit. "I'm here."

"The Reachers, International!" sigaw ng host.

Paglabas namin, halos mabulag ako sa nakakasilaw na mga spotlights. Parang hindi ako nasanay nung nagpapractice pa lang kami. Dinig na dinig ko ang hiyawan ng mga tao. May ibang nag-chi-cheer. Meron ding ilang nag-boo. Ayos lang. Alam ko naman kung anong organization yun. Babalikan ko sila pag tapos na ang contest.

Kita ko din mula si Mama at Tita Rose na magkatabi sa upuan. Nakahiwalay si Tito William ng upuan dahil kasama niya ang Board of Trustees. Katabi niya ang papa ni Izzia. Kita ko rin si Althea kasama ng iba pang photographers. Psh.

Bumalik na ako sa backstage at dali-daling nagpalit ng damit habang si Adam naman ang nasa labas. Grabe ang sigawan ng mga tao lalo na ng mga babae. Para silang kinakatay na mga biik. Guguho yata ang buong campus dahil sa kanila.

"Grabe, Jane. Pinagkakaguluhan sa labas yung boyfriend mo."

"Hayaan mo siya," sagot ko.

Bumalik na din si Adam sa backstage at nagkaroon pa ng isang intermission song ang banda para bigyan pa ng time makapagpalit ng damit.

"Are you okay?" tanong niya sa'kin.

"Hmm." Sagot ko. "Ikaw?"

"Oo. Basta andito ka, okay na ako." Tapos kumindat siya. Yung mga nagbibihis sa'min, kinilig naman. Whut?

Lumabas na kami ulit para sa last set ng mga damit na irarampa namin. So far, hindi ko nararamdaman na mataas ang suot kong sapatos. Hindi ko rin nararamdaman ang lamig ng hangin kahit na maikli ang suot ko. Naisip ko na pwede palang magdrop na ako sa Engineering. I could be a model! Haha!

Isa pang ikot. Malapit nang matapos. Magtatagpo kami ni Adam sa gitna ng stage. Yun na ang final walk tapos end na ng turn namin. Pero habang naglalakad ako sa kanya, hindi ko naiwasang mapalingon, which was a bad move. Nakita ko si Ace. Nakatingin siya sa'kin.

Natapilok ako.

***


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon