Chapter 24.5: Family use only (extra chapter)

132 4 0
                                    

Chapter 24.5: Family use only (extra chapter) - Help me

Christian's POV

Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin, pero mukhang tinamaan talaga ako kay Nicole. Sinong mag-aakala na mapipirmi ako sa iisang babae? Nakakatawa. Hindi ko inisip na magkakaganito ako. Sobrang cliché. Pero masaya ako sa kanya.

"Jaica Nicole," bati ko sa kanya paglabas niya ng dorm nila. Palagi akong naghihintay dito tuwing umaga para isabay siya sa pagpasok sa school.

"H-hi," nahihiya niyang sabi. Ang cute niya talaga. Simple lang siya hindi katulad ng ibang mga babae sa Shiroya.

Sumakay na kami sa sasakyan at dumiretso na sa school. Mahigit isang buwan na din nung sinimulan kong ligawan si Nicole at so far so good naman. Hindi ko nga lang pwedeng ipaalam sa Shiroya kundi kukuyugin siya nung mga humahabol sa'kin. Gwapo ko kasi eh.

Naalala ko si Jane, kaya niya kasing ipagtanggol ang sarili niya. Kahit guluhin siya ng mga humahabol kina Adam at Ace, kaya niyang lumaban. Pero hindi kasi ganun si Nicole. Tahimik lang siya at iniiwasang mapunta ang atensiyon ng maraming tao sa kanya. Kaya kahit gaano ko kagustong ipagsigawan sa lahat na nililigawan ko siya, hindi pwede.

Ibinaba ko siya sa rear entrance ng school para hindi siya makita ng iba, tapos saka naman ako umikot para makapagparada sa loob. Katulad ng dati, paglabas ko ng sasakyan, may mga nag-aabang  na mga babae. Nakakairita na. buti nga medyo nabawasan sila dahil sa issue nina Jane. Yung ibang mga babae, si Ace ngayon ang hinahabol. Yung iba naman, si Jane ang puntirya. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng mga taga-hanga. Gwapo ko kasi eh.

*beeeeep beeeep beeeeep!*

"Magsisilayas ba kayo o sasagasaan ko kayong lahat?!" sigaw ni Frances galing sa loob ng kotse niya. Napaka-eskandalosa talaga ng babaeng 'to.

Nagsialis naman yung mga babaeng nagkumpulan kaya nagkaroon ng space para makapagpark siya. Nakakatawa kasi pagbaba niya, nagutom ako bigla. Orange na orange eh. Pati kotse niya kasi orange.

"Tinitingin-tingin mo diyan?!"

 

"Tss. Best friends nga kayo ni Jane."

 

"So?"

 

"Parehas kayong mataray, pero mas malala ka."

Hinampas niya ako sa braso. Bakit ang mga babae, ang hilig manakit? Tapos nagrereklamo sila kapag sila naman ang sinasaktan ng mga lalaki? Asaan ang hustisiya para sa mga Adan?

Tss. Pasalamat siya hindi ko siya pinapatulan. Gwapo ko kasi eh.

Jaica's POV

Pagkababa ko ng kotse ni Christian, dumiretso kaagad ako sa gilid ng building kung saan tanaw yung parking lot. Pinagmasdan ko siyang bumaba ng sasakyan. Palagi ko rin 'tong ginagawa tuwing isinasabay ako niya ako sa kotse niya. Para akong sira, pero ang gwapo niya kasi kapag bumababa siya ng sasakyan niya. Hehe. Nakakairita nga lang kasi palaging may mga babaeng nag-aabang sa kanya na para bang isa siyang artista.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon