Chapter 6: When bad luck strikes

215 10 5
                                    

Chapter 6: When bad luck strikes

Mabilis ang pagdaan ng panahon. Malapit na magfinals. Busy ang lahat sa pag-aaral, pagkumpleto ng mga requirements, pre-final exams at kung anu-ano pa. Para na kaming mga naglalakad na zombies.

"Oh Clarita? Namatayan ka?" bungad ni Christian kay Frances pagdating na pagdating niya sa tambayan.

"Oo. Ipinagluluksa ko na ng maaga ang pagkamatay mo."

"Frances!" saway ni Neo sa kanya pagkasabing-pagkasabi niya nun. Forever righteous talaga 'tong si Neo. Para nga namin siyang tatay nung high school eh.

Tinaas ni Frances ang mga kamay niya in surrender. "Okay. Sorry." Nagkibit-balikat lang si Ichan tapos hindi na niya pinansin. "Hi DJ."

"Oh."

"Nagalit kaya sa'kin si Ichan?" bulong niya sa'kin.

"Oh."

"Kanina ka pa nakatitig diyan sa cellphone mo ah. Ano ba yan?" sabi niya sabay kuha ng cellphone ko. Pakialamera talaga 'to. Hinayaan ko lang siyang magbrowse nang magbrowse sa phone ko. As if naman may makikita siya dun. "Hoy Dominga!" Nagulat ako nang sumigaw siya. Malapit pa talaga sa tenga ko ah. "Pinagtataksilan mo ba si JellyAce mo?"

"Ang ingay mo!" saway ko sa kanya. "Bakit ko naman gagawin yun?"

"Ano 'tong mga 'to? Sino 'tong A.T.?"

"Akin na nga yan!" Inagaw ko rin yung phone ko sa kanya.

"Sabihin mo nga sa'kin. May problema ba kayo ni Ace? Inaaway ka ba niya? Gusto mo resbakan ko?" sunud-sunod niyang tanong.

Natawa na lang ako sa mga sinabi niya. Kung anu-ano talaga nasa isip ng babaeng 'to. "Sira ka talaga. Bakit naman kami mag-aaway?"

"Alam naman siguro ng buong school na may boyfriend ka na di ba? Sa dami ba naman ng nangungulit manligaw sa'yo hanggang ngayon eh hindi pa ba sila nadala?"

"Hindi ko alam kung sino 'to. Okay? Itatanong ko lang naman talaga sa'yo kung alam mo ba kung kaninong number 'to eh bigla mo namang inagaw."

"Sa tingin mo ba may number ako ng lahat ng lalaki sa Shiroya?"

"Tingnan mo lang kasi!" pangungulit ko. "Iba pakiramdam ko sa taong 'to eh. Parang alam niya bawat galaw ko." Sa totoo lang, yung nagtetext sa'kin ngayon, kakaiba. Para siyang stalker. Alam niya kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko sa oras na iyon.

"Hindi kaya si Mark lang yan? Hindi ba siya ang pinakamasugid mong manliligaw?"

(AN: Mark – as first mentioned in Chapter 3; yung kulang sa pansin na guy nang-agaw ng cellphone ni Jane para lang makipagdate siya sa kanya)

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon