Chapter 8: Her not so ordinary Monday

198 7 3
                                    

Chapter 8: Her not so ordinary Monday

Nagmamadali akong lumabas ng dormitory. Nakakahiya kasi muntik pa akong magkadapa-dapa. Bakit kasi tanghali na ako nagising ee.

Dumating ako sa Biology building na pagod na pagod. Nakakahiya. Airconditioned pa naman yung room namin, baka mangamoy pawis ako. Pagpasok ko sa room namin, taken na halos lahat ng seats. Nakakapagtaka kasi never naman kami napuno sa room na 'to.

Tumigil muna ako sandali para maghanap ng upuan. Mabuti na lang at wala pa yung teacher naming masungit. Nakakita ako ng empty seat sa bandang likod.

"Excuse me. May nakaupo na ba dito?" tanong ko sa lalaking katabi nung upuan na gusto ko. Nakasandal siya sa upuan niya at natatakpan ng libro ang mukha niya. Mukhang natutulog naman yata.

Hindi siya sumagot. Nung akmang ilalagay ko na ang gamit ko sa upuan, bigla niyang iniharang yung kamay niya at inilagay sa upuan ko yung bag niya. Tss. Si Villareal pala 'to.

"Nakaupo yung bag ko. Sorry," sabi niya tapos bumalik ulit siya sa pagkakasandal niya. Aba aba aba! Ano 'to? Bastusan?!

Tatanggalin ko na dapat yung bag niya pero pinigilan niya. "Bakit? Enrolled ba yang bag mo? Nagbayad ba yan ng tuition? Ipakita mo nga sa'kin ang reg form niyan," tuluy-tuloy kong sabi sa kanya. Bad trip! Aga-aga pinapainit ang ulo ko!

Wala na rin naman siyang nagawa dahil ibinaba ko na yung bag niya sa sahig. Nanghinayang ako kasi dapat ibinagsak ko yung bag niya pero hindi ko na ginawa. Para kasing wala namang laman yung bag niya. At saka, good girl ako eh. Sakto namang dumating na si Mrs. Cruz kaya umupo na rin ako.

Pagkatapos ng klase ko, dumiretso ako sa tambayan namin. Katulad ng dati, kaunti lang ang mga tao kapag ganitong oras. Si Neo lang ang naabutan kong kabatch ko.

"Jane, okay ka na?" tanong niya sa'kin pagkaupo ko. Nung araw ng aksidente sa Chemistry building, isa ang The Reachers sa mga organizations na agad na tumulong. Para kasi kaming outreach org. Kumbaga, kami ang Abnegation faction ng Divergent world sa school na 'to.

"Okay naman na. Pumasok na ako sa class ko kanina," sagot ko sa kanya.

"Si Ace ba?"

"Hindi ko muna siya pinapasok. Takot niya lang sa'kin. Hehe." Kausap ko kasi si Ace kagabi sa phone. Kailangan pa niyang magpahinga pero nangungulit na gusto na raw niyang pumasok. Pinigilan ko muna siya kasi ayaw ko ring malaman niya na lilipat ako ng bahay mamaya. Siguradong mag-aalala lang siya at saka siguradong ipipilit niyang tumulong sa paglipat. Baka mapagod lang siya. "Ikaw, kumusta naman?"

"Eto. Kailangang bumawi sa mga subjects." Isa si Neo sa mga matatalino kong kaibigan. Nung high school kami, siguradong siya ang Top 1 kung hindi lang siya nagtatrabaho. Medyo mapride kasi 'to at ayaw humingi masyado sa parents niya.

"Kayang-kaya mo naman yan eh. Ikaw pa?" puri ko sa kanya. "Nga pala, may balita ka ba kay Christian? Bihira ko siyang makita ngayon ah."

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon