Chapter 16: After effects
(AN: Medyo magulo yung sequence ng POVs pero hopefully magets niyo.)
"Miss Jane, kumain na po kayo. Sige na po, please? Papagalitan po ako ni Sir Adam kapag hindi kayo kumain ee." Kanina pa ako kinukulit ni Lara. Nagmamakaawa na siya pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa kisame. Paulit-ulit nagrereplay sa isip ko yung mga nangyari sa'min ni Ace. Bakit kailangang humantong sa ganun?
Kulang na lang lumuhod na sa harapan ko si Lara kaya naman bumangon ako. Nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya. "Kakain na po kayo? Gusto niyo subuan ko kayo?"
"Anong araw na?" tanong ko. Simula ng araw na yun, I lost track of the time.
"Tuesday na po. Apat na araw na kayong hindi lumalabas ng kwarto at hindi kumakain ng matino." Inilapit niya sa'kin yung tray na dala niya pero dahan-dahan ko ring hinawi. "Sorry pero wala akong gana," sabi ko then bumalik na ako sa pagkakahiga.
"Miss Jane naman eh sige na p—may tumatawag po sa phone niyo."
Kinuha ko agad yung phone ko sa bedside table pero disappointed ako sa nakita kong caller. "Hindi naman si Ace," bulong ko at hinayaan ko na lang tumunog yung phone. Bahala siya diyan.
Tumunog na naman yung phone pero hinayaan ko na lang ulit. Nakita ko namang kinuha yun ni Lara bago ako tumalikod. Pinag-iisipan niya siguro kung anong gagawin niya dun. Actually, natutuwa ako sa kanya. Para ko kasi siyang naging personal maid. Ang sosyal ko di ba? Nakikitira na lang ako, may personal maid pa. Pero hindi ko naman alam kung bakit ako nagkaroon niyan. O kung sino bang nag-utos sa kanya na bantayan ako. Malamang si Tyrone yun.
"Ah hello po?" Hindi rin isya nakatiis at sinagot niya yung tawag sa phone ko. "Opo. Andito po siya... Po? Hindi pa po. Four days na po... Ah ganun po ba? Ibibigay ko po sa kanya yung phone... sige po." Tinapik niya ako para mapatingin sa kanya. "Frances Amante daw po. Gusto po kayong makausap."
"Sabihin mo ayoko."
[HOY ARCIAGA! WAG KANG MAARTE AH!] Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya. Niloud speaker pala ni Lara.
"Lalabas po muna ako." Nilagay ni Lara sa study table ko yung tray na may lamang pagkain at inumin at lumabas na siya ng kwarto.
"Ano bang problema mo? Ang ingay mo," walang gana kong sabi sa kanya. Nasa upuan malapit sa'kin yung phone at ako naman nakahiga pa rin sa kama.
[Ikaw, DJ? Anong problema mo? Napagmeetingan niyo last week na may conference tayo kasama ng mga alumni, di ba? Where are you?]
"Nasa bahay. Ay. Hindi ko pala bahay 'to. Ha-ha!"
[Nababaliw ka na ba? Alam ba ng nanay mo yang mga pinaggagagawa mo? Isusumbong kita!]
"Go ahead Frances Claire. Nothing will change even if you tell the whole world about it."
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...