Chapter 28: Red-handed

96 8 2
                                    

Chapter 28: Red-handed

December na. Isang linggo na rin simula nung pinilit nilang baguhin ang eating habit ko. Seryoso pala talaga si Izzia Elaine dun. Talagang may kinausap siyang meal planner tapos may dumadating na pagkain sa bahay tuwing umaga, sa classroom naming sa Physics tuwing tanghali, tapos sa practice namin sa org tuwing gabi. Mukhang alam na nga nung delivery boy yung schedule ko eh. Gusto ko nang maiyak sa tagal kong hindi nakakakain ng mga gusto kong kainin. Palagi ring walang lasa yung pinapakain sa'kin.

Andito ako sa loob ng kitchen at dito ako nag-aaral. Ay mali, hindi pala ako nag-aaral. Nagsesearch ako sa laptop ko ng mga masasarap na pagkain habang inaamoy ko yung natirang luto ni Manang Luz kaninang tanghali. Huhu. Kawawa naman ako. Hanggang pictures at amoy na lang ako.

"Manang, ang sarap nito oh." Tinuro ko yung picture sa nahanap ko sa net. Fried chicken tapos maraming side dishes tapos may kanin tapos—gulp.

"Hija, bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo?" Kumuha siya ng isang maliit na lalagyan pati tinidor tapos binigay niya sa'kin. Hindi lang pala basta lalagyan yun kasi may porkchop na laman sa loob. "Secret lang natin yan. Kawawa ka naman eh."

"Waaaaaah! I love you Manang! <3"

Habang sarap na sarap ako sa aking guilty pleasure, nagulat ako nang biglang bumukas yung pintuan. Anak ng pating! Para akong caught-in-the-act eh, except that hindi pa niya ako nahuhuli. Nasa hita ko kasi nakapatong yung Tupperware na bigay ni Manang tapos nakaharang pa yung laptop ko kaya hindi masyadong kita.

"Oh. Bakit ka andito sa kusina?" tanong ni Tyrone.

Lagot.

"Ah. Hindi kasi ako mapakali sa kwarto kanina ee. Dito na lang muna ako mag-aaral. Sinasamahan ko rin si Manang."

Dali-dali kong tinakpan yung kinakain ko tapos nilagay ko sa compartment sa ilalim ng counter. Napansin ko kasi sa peripheral view ko na lumakad siya papalapit sa'kin. I tensed. Lagot talaga ako. Bigtime. Hindi niya ako pwedeng lapitan dito kundi mabubuking ako. Bakit ba kasi siya andito? Alam ko natutulog siya eh. Bakit ayaw pa niyang umalis?

Dali-dali kong sinara yung tabs na mga tungkol sa pagkain tapos nagbukas ako ng isang document file. Yehess. Review-review kunwari.

"Nang-iistorbo ka lang yata dito eh," sabi niya tapos tumabi siya sa'kin.

"H-hindi ah! Tanungin mo pa si Manang. Di ba manang? Ambait ko kaya." Ngumiti lang naman si Manang Luz at nagpatuloy sa gawain niya sa kusina. Waaaah! Tulungan niyo po ako!

Lalo pang lumapit sa'kin si Tyrone. Yung baba niya nakapatong sa balikat ko tapos nakikitingin siya sa ginagawa ko sa laptop. Napressure tuloy ako na gumawa ng kahit ano para lang hindi siya maghinala.

"Bakit hindi ka na lang sa library mag-aral?" Nararamdaman ko yung vibrations habang nagsasalita siya. Huhuhuhu. Kinakabahan ako sa nararamdaman ko. Tumataas kasi ang balahibo ko. "Jane," tawag niya.

"B-bakit?"

"Ayos ka lang ba?" Hindi. Hindi talaga. Tanggalin mo kasi yang baba mo.

"O-oo naman. B-bakit naman hindi?"

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko,pero mukhang hindi effective dahil mas lalo pa niyang inilapit yung mukha niya kaya nararamdaman ko na yung hininga niya sa tenga ko. Waah! Juskopo! Maraming umiikot na kung anu-ano sa tiyan ko. Tapos pakiramdam ko rin bumibigat yung paghinga ko.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon