Chapter 11: Bipolar

220 9 5
                                    

Chapter 11: Bipolar

Hindi ako nakatulog buong magdamag sa takot na baka hindi ako magising ng maaga. Buong gabi ko lang pinag-isipan kung anong isusuot ko, kung anong itsura ko, kung anong pag-uusapan namin, kung anong sasabihin ko, kung anong mangyayari.

Sobrang kinakabahan ako. Ngayon ko lang 'to naramdaman. To think na parang ambabaw lang naman ng pinagkatampuhan namin. Pero hindi eh! Alam kong malaki yung effect ng ginawa ko. 'No secrets allowed' nga kami tapos naglihim naman ako sa kanya. Pero sasabihin ko naman talaga sa kanya eh. Humahanap lang ako ng tamang tiyempo.

5:00AM pa lang nasa school na ako. Nagtataka nga sina Manang kung bakit daw sobrang aga. Si Tyrone nga daw naghihilik pa. Well, wala akong pakialam sa mokong na yun. Pagdating ko naman sa school, akala ni Kuya Guard excited akong pumasok. Ang creepy kasi  medyo madilim pa at wala pa masyadong tao. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa parking lot. Malayo pa lang, kitang-kita ko na yung sasakyan ni Ace dahil yun lang ang mag-isang nakapark dun.

Mabigat ang bawat hakbang ko. Lord, please help me. Sobrang kinakabahan talaga ako. Nakita ko na siya sa loob at sigurado akong nakita na niya ako. Huminga ako ng malalim bago sumakay sa shotgun seat. Pero imbes na kausapin niya ako, may kinuha siyang bag sa likod, pinatay ang ilaw at lumabas ng kotse.

Kusang tumulo yung luha ko sa ginawa niya. Ganun ba talaga siya kagalit sa'kin? Bakit pa niya ako pinapunta dito kung di rin naman niya ako kakausapin? Dahil medyo madilim, hindi ko nakikita kung anong ginagawa niya sa labas. Nakapatay din naman yung ilaw sa loob ng kotse kaya malamang hindi niya rin nakikita yung pag-iyak ko.

Binuksan niya yung pinto sa side ko at lumuhod nung nakita niya akong umiiyak. "Why are you crying?" pag-aalala niyang tanong. Sapakin ko kaya 'to? Siya 'tong may kasalanan tapos magtatanong pa siya. Inalalayan niya ako palabas pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

Naglabas siya ng lighter at sinindihan yung kung anong nasa kotse niya. Sira ba siya? Sobrang galit ba siya sa'kin para sunugin ang kotse niya? Nung natapos na siya, nun ko lang nagets kung anong nangyayari.

"I knew you'll come here earlier than what I told you," sabi niya tapos inalalayan niya akong umupo sa isang upuan. Sa hood ng kotse, may nakapatong na mga maliliit na kandila at naghugis heart. Sa gitna nung heart, may basket ng pagkain. Tapos dun naman sa inuupuan namin, may maliit na wooden table na meron ding cute na kandila.

"Anong ginagawa mo? Mag-aalay ka ba ng pagkain sa mga ispirito?" natatawa kong tanong. Tumayo siya para kumuha ng tinapay dun sa basket tapos nilagyan niya ng palaman at iniabot sa'kin. Tinitigan ko lang yung tinapay, tapos tiningnan ko siya. "Anong ginagawa mo?" This time, humihikbi na lang ako.

"You haven't eaten breakfast, have you?" tanong niya. Tumango naman ako para sumang-ayon. Pero hindi ko pa rin tinanggap dahil hindi ko pa rin naiintindihan. Tinapay ba yung peace offering niya?

"Hindi ka ba galit sa'kin? Hindi mo ba ako papagalitan?"

Inilagay niya yung tinapay sa plate na nasa wooden table. Once again, lumuhod siya sa tapat ko at hinawakan ang mga kamay ko. "I was angry. But not anymore. I just gave you time. Have you thought about it?"

So yun pala yun. Hindi niya ako kinausap ng matagal para mapag-isipan ko kung anong ginawa ko. Basically, it's for my own sake. Tapos ngayon may ganito pa. Eh akala ko naman kasi sobrang galit siya sa'kin eh. Ayoko lang naman talaga siyang mag-alala, pero yun din ang nangyari.

"Sorry I was selfish. Sorry kasi hindi kita nasabihan agad. Sorry I was childish. Sorry kasi... basta sorry sa lahat." Wala na akong masabi. Hindi ko na rin kasi alam kung anong sasabihin ko. Umiiyak na naman ako.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon