Chapter 26: Keso o ako?
"One. Two Three! CONGRATULATIONS!"
Confetti ang sumalubong sa'min pagpasok namin sa bahay. Nakasuot pa sina Manang at yung tatlong Maria ng mga party hats. Pfft. Malamang pakana na naman 'to ni Tita Rose. Ang weird-weird niya talaga.
"Di ba kasali kayo sa contest? Fashion show ba yun? Kailan yun? Saan? May ticket na ba?" Eto na naman siya sa pagiging matanong.
"Paano niyo nalaman?" tanong ni Tyrone na dire-diretso sa kusina para uminom ng tubig. Ako naman, hindi ko alam kung saan pupunta kaya sumunod na lang din ako sa kusina.
"Mr. Dy's daughter called us this afternoon. Ang sabi ikaw daw ang male representative. Then who'll be the female?"
-Flashback-
"Anong nangyari? Bakit ako na lang bigla?" nagtatakang tanong ko. Dahil umakyat ako stage at inangkin ang quote-unquote boyfriend ko, ako na agad ang isasali?
"I wonder why I even bothered with other girls when I have you!" sabi ni Izzia with matching palakpak ng kamay. Parang siyang sea lion ngayon.
"Pero ayoko!"
"Pero gusto mo."
Tinitigan ako sa mata ni Izzia Elaine. Aish! Ano ba naman 'tong babaeng 'to?! Bakit nakakatakot tanggihan?! Ngayon parang naintindihan ko na kung bakit hindi rin matanggihan siya matanggihan ni Tyrone.
"P-pero si Tyrone! I mean, si Adam, hindi natin siya member! Bawal yun sa rules ng Org Battle." You wouldn't want to break even one rule in the Battle. Because being disqualified from joining the event isn't just for a year. Forever na yun. Mas mabuti pang i-dissolve na lang yung org kaysa hindi makasali sa Battle. Kumbaga sa mga samurais, hara-kiri.
"I'll make him an honorary member. As easy as 1-2-3!"
Grabe. Bakit parang napakadali ng lahat ng bagay pagdating kay Izzia Elaine?
-End-
—
Pagkatapos ng hapunan, dumiretso ako sa kwarto ko at nag-ayos ng gamit. Binuksan ko yung bintana at lumabas sa window balcony. Ngayon ko lang natry tumambay dito at mas okay pala. Mas konti ang lamok dito kaysa sa gazebo.
-Flashback-
Tinutulungan ko si Izzia Elaine na maghanda ng request letters para sa mga pupuntahan naming sponsors. Dapat trabaho 'to ni Frances Claire pero may practice kasi sila ng play kaya ako muna.
"Izzia, bakit may asterisk yung number 5 sa listahan?"
"Special case."
"Special? Crystal Group of Companies?" Nakakatakot naman yung pangalan. Parang yung mga napapanood ko sa TV na mga malalaking kumpanya na may scary CEOs and conspiring staff. Yung tipong kasali sa mafia tapos nakikipagpatayan. Yikes.
"Yes. CGC for short. Let me tell you something about them." Isinara niya ang laptop niya at nagsimulang magsalita. "They ventured into different kinds of businesses. Alam mo ba kung gaano karaming firms at companies ang hawak nila? A lot! More than you can imagine.
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...