Chapter 19: First day bomb
I-fast forward na natin ang mga pangyayari.
Tapos na ang enrollment at pasukan na naman. Bagong semester, bagong buhay, bagong banyo. Haha!
Nirerenovate kasi lahat ng comfort rooms sa second floor ng bahay ng mga Villareal. Hindi ko alam kung bakit. Ang narinig ko lang, may tubo daw na something something kaya ayun, damay dun ang CR sa kwarto ko.
Ang nakakainis dyan, halos lahat ng tao doon sa ibaba nag-cCR. May sarili namang banyo yung masters' bedroom pero syempre hindi naman kami pwedeng pumasok dun. Kailangan ko tuloy gumising ng maaga para makipag-unahan maligo kay Tyrone. Madamot kasi eh. Tapos parehas pa kaming kailangang umalis ng maaga. No choice talaga.
"Ako muna!"
"Hindi! Ako muna!"
"Ako muna sabi eh!"
"Ladies first kasi! Ako muna!"
"Bakit, babae ka ba?"
"Ah basta!"
"Kaninong bahay kaya 'to?"
"Sa parents mo. Bakit sa'yo ba nakapangalan titulo nitong bahay at lupa?"
Well, wala na siyang naisagot sa'kin kaya nakapasok na ako sa loob ng CR. Nagawa ko na lahat ng orasyon ko sa banyo. Nakapaligo na rin ako ng matino. Dito na rin kami nagbibihis dahil nga mahirap kung aakyat ka pa ng nakatuwalya lang.
"Shoot. Shoot. Shoot." Pinipihit ko yung doorknob pero araw mahigit. "Hoy! May tao ba diyan? Manang! Buksan niyo yung pinto! Manang!" Waaaah! Hindi ako makalabas! Ayokong makulong dito habambuhay. "Tyrone! Pag ako nakalabas dito humanda ka sa'kin!"
"Edi lalong hindi ko bubuksan!" Aba! Mokong 'to ah! Inamin ngang siya ang naglock sa'kin sa loob. Napatingin ako sa orasan sa loob. Kakain pa kami tapos 30 minutes na byahe. Naku ayoko talagang malate sa klase ko. First day pa naman.
"Tyrone naman huwag kang ganyan oh! Palabasin mo na ako dito," pagmamakaawa ko. Naku naman. Kaliligo ko pa lang eh pinagpapawisan na ako. Ang init kaya sa loob ng CR! Try nyo!
Hindi naman siya sumagot, pero hindi pa rin niya binuksan. Ano ba naman kasing klaseng CR 'to? Bakit pwedeng ilock mula sa labas?
Tyrone's POV
Nilagyan ko ng alambre yung hash ng CR. Mabuti na lang at nakaligo na ako kagabi. Gusto ko lang naman magbanlaw ngayon pero inunahan naman ako ng babaeng 'to.
Natatawa ako habang naririnig kong nagrereklamo siya sa loob. Ewan ko ba. Ang sarap asarin nito. Masyadong pikon. Konting asar lang, magtataray na agad. Kulang na lang kainin ka niya ng buhay eh. Ganyan ba talaga kapag heartbroken?
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...