Chapter 33: The silly plan

51 2 0
                                    

Chapter 33: The silly plan

Adam's POV

Nag-eecho na lahat ng mga boses ng mga tao dito sa function hall. Halos lahat kasi ng members nakaalis na dahil nagbabadya kasi ang malakas na ulan. Yung ibang officers na lang ang nandito pati ako.

"Adam," tawag ni Izzia Elaine. May kasalanan na naman ba ako?

"Bakit?"

"Help Christian in storing those woods. Gagamitin pa natin yan for the play."

"Uy. Narinig ko yun!" biglang singit ni Christian na may buhat-buhat na malaking kahoy. "Baka naman pwedeng tulungan mo na rin ako dito. Hehe,"

Lumapit ako para tulungan siyang ilagay yung mga buhat-buhat niya sa stockroom. Langya ambigat naman nito! Inayos ko yung pagkakasandal sa pader nung kahoy tapos lalabas na ako dapat nung tawagin niya ako.

"Oy! Oy! San ka pupunta? Marami pa yun oh!" Turo niya sa isang sulok ng hall. "Tutulungan mo pa ako dun."

Ayos din makautos 'to ah.

 

Jane's POV

"DJ! Help me here!" tawag ni FC sa'kin habang may hila-hilang dalawang plastic na halos mapigtal na yung hawakan.

"Bakit ikaw ang may dala niyan?"

"Eh ayos yung mga yun, eh. May tagaligpit ng pinaggamitan."

Lumapit naman ako at tinulungan siya. Naglalakad na kami papunta sa stock room nung napansin kong lumabas dun sina Adam at Christian. Hay naku. Naiilang pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit. Nakakainis kasi eh. Kaya lang parang ambabaw naman ng dahilan. Ewan ko. Pero kanina, kung hindi niya ako nasalo, malamang nahalikan ko yung maduming stage. Yuck.

"DJ, you're spacing out." Nabalik naman ako sa katinuan nang tapikin niya ako. "Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni Adam?" tanong niya.

"We don't have anything to talk about,"

"Wushu! Sunget! Laos na yan girl!" pang-aasar niya. Anong laos na sa sinabi ko? "Bakit nga ba kayo magkaaway? Nung weekend pa yan, ah. Yun pa rin?"

"Hindi kami magkaaway," tipid kong sagot. Tama naman. Hindi naman kami magkaaway eh. Hindi lang kami nag-uusap. Magkaiba yun.

"Sige nga. Kausapin mo nga,"

"Bakit ko siya kakausapin?"

"Kasi hindi kayo magkaaway," sabi niya tapos todo ngiti. Anong problema ng babaeng 'to?

"Sigurado ako gutom ka na. Tinotopak ka na eh," tapos umiwas na ako ng tingin sa kanya.

Pagpasok namin sa loob, sumunod ako kay Frances at ibinaba sa isang sulok yung mga telang bitbit ko. Saktong dating din nina Christian at Adam na may dala-dalang mga plywood. Hindi ko alam kung saan galing yung mga yun at kung ginamit ba yung mga yun sa practice kanina. Parang ang weird naman kasi sila yung nagliligpit nun eh ang alam ko naman may kuyang maintenance naman dito.

*boooogsh*

"HALA! HALA! Sorry talaga DJ! Huhuhuhu!" Halos malapit na kaming matapos nung biglang tumayo si FC at natabig niya yung mga nakapile up na mga tela pati yung mga plastic. Isama mo na din yung ibang gamit na andun sa rack. Ayun. Back to zero ulit.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon