Chapter 4.5: Feeling close (extra chapter)

254 10 3
                                    

Chapter 4.5: Feeling close (extra chapter)

Jaica

Underground Coffee and Cakes is located, literally, under the ground. In the middle of the buildings of intimidating companies in TechLand, this small and humble coffee shop is a melting pot of diverse people. With the relaxing ambiance and welcoming staff, UCC don't have to beg for its customers to come back, because they certainly do.

Nagbabasa ako ng mga reviews sa UCC sa free time ko. Kahit mga foreigners, positive ang ibinibigay na mga reviews. Ang galing talaga mag-alaga ni Ma'am Celine ng mga customers niya.

Nag-eenjoy ako magtrabaho dito. Mababait at masaya kasama yung mga staff. Yung iba dito, full timers. Meron din namang part time lang tulad ko.

"Jaica, table 7 please," tawag ni Ms. Ghie na manager namin.

Dinala ko na yung tray at naglakad papunta sa table 7. Hindi peak hour ngayon kaya kaunti ang mga tao ngayon sa shop compared sa usual scene. Napabagal ako ng paglakad habang papalapit ako dun. Eto na naman yung customer na palaging andito pero hindi naman umoorder ng kahit ano. Himala nga ngayon eh nag-order siya.

"Americano for Table 7. Anything else?" Ngumiti ako kahit na labag sa loob ko. Isa kasi sa mga rules namin dito na dapat palaging nakangiti tuwing magseserve sa mga customers.

Imbis na sumagot, nakangiti lang din siya sa'kin. Nakakatakot naman 'to. Umalis na ako at bumalik sa counter. Nakita kong humigop na siya sa kape niya pero nakatingin pa rin siya sa'kin.

Creepy.

Bandang 3PM ang isa sa mga peak hours ng UCC. Usually uwian na ng mga empleyado sa TechLand, or break time naman nung iba. Busy ang lahat ng staff sa kanya-kanyang trabaho.

"Miss, where's my order? Kanina pa yun ah!" reklamo nung isa nung napadaan ako sa table nila. Medyo nagpanic ako nung narealize ko na ako pala yung kinakausap nung customer.

"Uhm. S-sir, ano po ulit order nila? I fo-follow up ko na lang po." Buti nahanap ko agad yung dila ko kung hindi lagot ako.

"Follow up na naman?" pagtataas niya ng boses. "Palagi na lang ganyan eh!"

First time kong makaencounter ng nagrereklamong customer kaya medyo hindi ko alam ang gagawin ko. Naku kakasimula ko pa lang sa trabaho. Ayokong matanggal agad.

"Any problem here?" Biglang may sumulpot sa likuran ko. Si Creepy Guy. "You shouldn't treat a lady like that."

"Wag ka nga mangialam! Hindi naman ikaw ang kausap eh!"

Nagulat ako nang biglang hablutin ni CG ang kwelyo ni Complaining Customer. Medyo nagulat din yung ibang mga customers kaya naglayuan sila.

"S-sir, wag po kayong mag-away dito," nasabi ko pa rin kahit na nangangatog na ako sa takot.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon