Chapter 10: Meet me

217 12 10
                                    

Chapter 10: Meet me

Late na ako nagising dahil late na rin ang tulog ko kagabi dahil sa kahihintay ng reply ni Ace. Phone ko nga ang unang tiningnan ko pagkagising ko. Walang kahit ano. Kahit tuldok galing sa kanya, wala. Kahit nga blank message eh. Tinawagan ko rin yung phone niya pero cannot be reached pa rin. Galit pa rin kaya siya sa'kin? Ilang araw na. Napapansin na rin ng orgmates namin. Ayokong tumagal 'to hanggang dulo ng semester.

Kakagising ko pa lang pero parang napagod na ako sa pag-iisip kaya inantok ulit ako. Makakatulog na sana ako ulit kung wala lang kumatok sa pinutan.

"Miss Jane, gising na po ba kayo?" tawag nung boses sa labas. Tumayo ako para pagbuksan siya ng pinto. Si Mara pala. Natandaan ko siya agad dahil siya yung may kapatid na 'Clara'.

"Good morning," bati ko.

"Good morning po. Nakahanda na  po yung almusal sa kusina. Gusto niyo na po bang kumain? O dadalhan ko na lang po kayo dito?" tanong niya. Wow sosyal. Usually dinadalhan lang ako ni Mama ng pagkain sa room ko kapag may sakit ako. Pakiramdam ko magiging spoiled ako dito.

Dito ba ako kakain? Feeling prinsesa naman ako. Pero syempre tatanggihan ko yung offer niya. Nakakahiya naman kung magpapadala pa ako ng pagkain dito. Nakikitira na nga lang ako dito eh.

At yun na yun din ang eksaktong sinabi ni Tyrone nung madaanan niya kami. "Mara, huwag mo siyang dalhan ng pagkain. Kung hindi siya bababa, hayaan mo siyang magutom," sabi niya tapos umalis na siya. Wala namang nagawa si Mara kundi sumunod.

"Ganun ba talaga siya kasungit?" tanong ko sa kanya. Umagang-umaga, nagsusungit. Pangit na nga siya, lalo pa siyang papangit.

"Pasensya na po kayo. Hihintayin ko na lang po kayo sa ibaba." Ay wow. No comment si ate. Mamaya nga naman may CCTV pala dito tapos mavideohan pa siyang sinisiraan yung amo niya. Kawawa nga naman.

Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago bumaba. Pagdating ko sa kusina, nakaupo na doon ang mag-anak. Hindi ko alam kung saan ako uupo pero dahil may nakahanda nang plato sa tabi ni Tyrone, doon ako pumwesto.

"Tch," narinig kong sabi niya pag-upo ko. Mukhang hindi naman yun napansin nina Tita Rose at Tito William. Kumukuha pa lang ako ng pagkain nang magsalita siya. "Aalis na 'ko." Uminom muna siya at saka tumayo.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero basta ginawa ko na lang. Ikinawit ko ang kaliwa kong paa sa upuan at iniharang ng kaunti sa dadaanan niya. Hindi niya napansin yun kaya natapilok siya.  Sayang nga lang at naregain niya agad yung balance niya kaya hindi siya sumubsob sa sahig. Binawi ko agad yung paa ko para hindi niya makita.

HAHAHAHAHAHAHA! Ampangit ng itsura niya.

"Oh. Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Para kunwari wala akong kasalanan. Pero sa totoo lang, kaunti na lang at malapit nang sumabog ang tawa ko.

"Tyrone, huwag lalampa-lampa. Nakakahiya naman may bisita tayong babae," pang-aasar sa kanya ni Tito William. Ha! Ayan kasi lampa.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon