Chapter 17: Andito naman ako
Hindi na ako madalaw ng antok dahil buong araw na ako nakahiga at natutulog. Madaling araw nang maisipan kong lumabas ng kwarto para tingnan kung anong pagbabago meron sa bahay.
Wala naman masyado. Ganun pa rin naman ang itsura niya. Hindi naman lumaki, hindi rin naman lumiit. Pareho pa rin ayos ng mga gamit sa bahay.
Lumabas ako sa bakuran. Akala ko nga hindi pa ako makakalabas kasi andaming lock nung pinto sa likod. Eventually, nabuksan ko rin naman.
Umupo ako sa gilid ng pool at inilubog ang mga paa ko doon. Ang lamig. Pero masarap sa pakiramdam. Humiga ako habang nakasawsaw ang mga paa ko sa tubig. "Masaya ka na ba? Wala na tayo," mahina kong sabi. "Sinira mo na lahat ng pangako mo. Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo hindi mo ako iiwan. Sabi mo..."
"Let us not count the years for infinity cannot be counted. Happy anniversary, Jane. I love you."
"She always has that part of me and I won't be complete without her."
"Tita Darlene, I'm asking her hand from you. Please reserve this beautiful young lady for my future."
"You're the only one that's perfect in my life and I'll never let you go. Happy 18th birthday, Dominique Jane. I love you."
"No one has ever caught me off guard except you."
"Jane, words aren't really important. Meanings are. And you, you mean my world."
"Jane, I know somehow you don't believe my words and you don't have to. Just look straight into my eyes and you'll know what's true."
"I love you Dominique Jane. I always do."
"Dominique Jane, let's break up."
"Let's stop this, Jane. I can't do this anymore."
"Anong magagawa mo kung ayaw na ng isa, di ba?"
Tuluy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Wala akong balak punasan at wala akong balak pigilan. Umiyak na ako kahapon kay FC eh akala ko nga naubusan na ako ng luha. Hindi pala basta-basta natutuyo ang tear ducts ng tao.
"Sinungaling ka. Hinayaan mo lang akong mag-isa. Paano ako makakamove-on kung palagi ka na lang nasa utak ko?" Naiiyak ako na natatawa. Hala. Baliw na ba ako? "Baliw na yata ako. Kasalanan mo 'to Ace."
"Hindi naman niya kasalanang iniisip mo siya. Bakit siya ang sinisisi mo?" Nagulat ako sa nagsalita sa may ulunan ko. Kainis naman kasi madaling araw na eh manggugulat pa. Akala ko tuloy mumu. "Tumayo ka nga diyan."
"Ayoko nga."
"Tatayo ka diyan o sisipain kita?" Napabalikwas ako ng bangon. Aray. Sakit sa ulo nun ah. Brutal talaga nito.
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...