Chapter 29: Usapang Pimple

107 6 0
                                    

Chapter 29: Usapang Pimple

"Before I dismiss the class, gusto ko lang sabihin na kahit ramdam na ng lahat ang Org Battle spirit, may pasok pa rin tayo hanggang sa last day of classes," sabi ni Sir Bermudez na nakapagpareact sa buong klase. Maraming walang comment pero mas maraming nainis. Maaga kasi ang klase namin tapos sobrang paguran na sa preparation sa Battle. Katulad nga ni Tyrone na nakaupo sa isang sulok at sinasamantalang makatulog kahit 5 minutes lang.

"Mr. Villareal, please bring all the plates to my office. Class dismissed," tapos umalis na si Sir. Nakasunod na sa kanya ang ibang mga estudyante. Marami namang naiwan para mag-ayos ng gamit. Yung iba naman, para picturan ang natutulog na si Adam.

Tumikhim ako para makuha ang mga atensiyon nila. Aba! Ano 'to, photoshoot? May bayad ang picture ni Tyrone noh. "Gusto niyo ako na lang picturan niyo?" sabi ko tapos nag-alisan naman na yung mga babaeng nakapalibot sa kanya. Psh. Buti naman.

"Huy. Adam. Gising na." Tinapik-tapik ko siya sa balikat at nagising naman siya. Buti naman. Akala ko kailangan ko pa siyang iwan dito eh. Mabuti na lang wala na yung mga classmates ko.

"Nasaan na sila?"

"Umalis na. Tapos na yung class. Dalhin mo daw yung mga plates sa office ni Sir," tuluy-tuloy kong sabi. Hindi ko alam kung narinig niya ba yung mga yun kasi parang hindi pa siya nahihimasmasan.

"Mamaya na lang. Matulog muna tayo," tapos bigla niya akong hinigit at pinaupo sa kandungan niya. Sinandal niya yung ulo niya sa likod ko habang nakapulupot yung mga kamay niya sa bewang ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nararamdaman ko kasi na bumibigat yung ulo niya sa likod ko which means natutulog na talaga siya. Pero napapansin ko kasing namimihasa na siya sa skinship eh. As in parang nilulubos niya yung mga pahawak-hawak sa bewang ko kasi hinahayaan ko lang siya. Ako naman si Jane, hinahayaan nga lang! Ano bang nangyayari sa'kin?

Hinawakan ko yung ulo niya at dahan-dahan akong tumayo para hindi siya magising. Tumabi ako sa kanya at saka ko isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Mas maayos na pwesto 'to kaysa sa kanina. At least parehas kaming hindi mangangalay.

Umamin ka na kasi.

Wala naman akong dapat aminin.

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ko ito. Bagay naman. Bakit nga ba hindi na lang kami ni Tyrone? Eh hindi naman ako nililigawan. Eh paano kung ligawan ako? Hindi pa rin pwede. Nasa kaliwang kamay ko pa kasi ang couple ring namin ni Ace. Magdadalawang buwan na kaming hiwalay pero hindi ko pa rin kayang tanggalin 'to. Pakiramdam ko kasi may kulang kapag wala ito.

Isinandal ko rin ang ulo ko sa ulo ni Tyrone at pumikit. Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang maging komportable kasama siya pero masaya naman ako. Andiyan siya tuwing kailangan ko ng kasama. Andiyan siya palagi para ipagtanggol ako. Minsan nga kahit hindi ko siya kailangan, andiyan siya sa tabi ko. Natatakot lang akong maging dependent sa kanya. Baka kasi kapag nawala siya bigla katulad ng ginawa ni Ace, hindi ko na kayanin.

Wait for me, Tyrone. I'll meet you there.

--

"Anong oras na? Bakit gising ka pa?"

Nagulat ako nang biglang lumitaw si Tyrone out of nowhere. Nasa kusina ako at nagbe-bake ng cupcakes para sa long weekend practice namin para sa Org Battle. Iba talaga kapag sobrang competitive ng president niyo. Yun kasi yung level of competitiveness na ipinamana sa kanya nung past president namin. Pressure din naman sa kanya dahil all-time champion kami.

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon