Chapter 14: General Assembly
Madaling araw palang bumiyahe na kami ni Ace pauwi. Hapon pa naman yung General Assembly namin pero kailangan pa kasing magprepare. Bumalik muna ako sa bahay para kunin yung ibang materials ko.
"Saan ka galing?" bungad na tanong ni Tyrone pagdating ko sa bahay.
"Dyan lang sa tabi-tabi," sabi ko at dumiretso na sa kwarto pero pinigil niya yung wrist ko.
"Nagpaalam ka ba?"
"Nagtext ako kay Manang. Tumawag din si Ace kay Mama para sabihin sa parents mo na hindi ako makakauwi," paliwanag ko. Gusto niya sabihin ko pa yung exact words na sinabi ni Mama eh.
"Magkasama kayo ni Ace? Buong gabi?" Ano ba naman 'to? Bagay na bagay yung pangalan niya sa kanya eh. Adam. ADAMing tanong!
"Oo! May problema ka ba dun? Boyfriend ko naman siya at saka pakilinis yang utak mo dahil wala kaming ginawang masama." Obvious naman kasi na yun ang iniisip niya. Good girl ako at good boy siya at walang nangyari. Natulog lang kami buong gabi although hindi nga nagamit yung isang kama kasi tabi kami. Ewan ko ba dun. Ayaw akong pakawalan eh.
"I don't have a problem with that. I have a problem with YOU, going in and out of the house. This is not a hotel, Jane Arciaga. You can't just come and go anytime you want. Respeto naman para sa lahat ng nakatira dito," tapos umakyat na siya sa kwarto niya.
—
Nakapagset-up na ng laptop and projector sa unahan at nagdadatingan na rin yung mga members namin sa auditorium. Committee ko ang host ng GA ngayon kaya si Marlene ang pinag-emcee ko. Tinetrain ko na kasi siya to be the chairperson for next acad year.
Nakapagsalita na lahat ng chairpersons for committee reports pero nagtataka ako kasi hindi ko pa nakikita si Ace sa hall.
"Neo, where is he?" tanong ko sa kanya. Si Ace dapat ang magrereport for Academics Committee pero si Neo Vincent ang nagsalita para sa kanya.
"I don't know. Hindi ba kayo magkasama kahapon?"
Ang sabi niya sa'kin kanina, uuwi daw muna siya para magpalit ng damit then we'd just meet here before lunch. It's almost 2 in the afternoon pero wala pa rin siya.
To: Ace Torres
Where are you?
Sent. Pero nakalipas ang 30 minutes, wala pa rin siyang reply.
"Ate Jane, okay ka lang?" tanong ni Robert, isa sa mga members ng committee ko. Hindi na kasi ako nakakapagfocus sa meeting. Tapos na pala lahat ng progress reports at assessments sa lahat ng activities, ang pinag-uusapan na ngayon ay yung mga susunod naming mga activities for next semester.
"Ah. Oo. Okay lang ako. Palitan mo na unahan si Marlene, baka pagod na yun."
BINABASA MO ANG
Chances of Unloving You
Teen FictionThere are lots of chances to love someone; many ways to show and prove what you feel. But what are the probabilities of 'unloving' someone? How do you forget everything? How do you prevent yourself from falling? Meet Jane--your typical female protag...