Chapter 32: The sillier, the better

50 2 0
                                    

Chapter 32: The sillier, the better

Jane's POV

Masasabi kong nasulit ko naman ang aming "bakasyon" sa resort dahil nagawa ko ang mga gusto kong gawin sa buong stay namin. Last day na namin doon nung mapansin kong may mga nakabantay pala sa'kin kahit saan ako pumunta. Para tuloy akong nasa action movie sa pagtakas sa kanila.

Bukod sa pagiging Angelina Jolie ko, wala naman ng ibang kakaibang kaganapan habang andun kami. Kasama namin sa kwarto si Jaica. Halatang hindi okay si Frances pero siya daw mismo ang nagsuggest ng ganung setup kaya hinayaan ko na.

"Bye Manang Luz! Aalis na po kami."

"Sige. Mag-iingat kayo."

Si Adam naman, ay ewan. Bahala siya. Simula ng umuwi kami, hindi ko siya kinakausap. Eh kasi hindi niya rin naman ako kinakausap. Palagi lang siyang bumubuntong hininga. Minsan din parang may sasabihin siya tapos hindi naman niya itutuloy.

"Jane."

"Hmm?"

"Nothing."

Katulad nyan.

Adam's POV

"Yung mga representative sa mini-games! Bilisan niyo!"

"Tapos na ba yung mga props para sa mini-play?"

"Huy! Plantsahin mo na lahat ng damit sa Runway Show!"

"Andami nun noh! Ikaw kaya!"

"Nasaan na yung mga extension wires?!"

"Nasaan na yung utak ko?! Waaah! May exam pa ako mamaya!"

"Kinain ko na."

"Waaaah! Iluwa moooo!"

Busy ang buong college department dahil sa Org Battle. Kahit ako kinakabahan na rin. Grabe kasi yung festive aura. Feel na feel na rin yung competitiveness ng lahat ng organizations.

Ilang araw na kaming hindi nakakapag-usap ni Jane. Halata namang iniiwasan pa rin niya ako. Hindi siya tumitingin sa'kin. Sobrang civil lang ng pakikitungo niya. Hindi na ako sanay. Tapos tahimik lang siya at magkukulong na sa kwarto niya. Hindi pa nga niya alam na may bagong dating sa bahay namin eh.

Eto naman ang gusto ko noon-ang hindi niya ako guluhin; yung walang pakialamanan. But I thought it was a little too late. The moment she entered my life, she started messing things up. Somehow I missed being with her.

Nakatayo lang ako sa gilid habang naglalakad si Jane papunta sa unahan ng stage. Kanina pa niya suot yung pamatay niyang sapatos pero ayaw ipatanggal nung bading. Sadista talaga yun. Kita kong medyo nanginginig na siya maglakad pero hindi niya pinapahalata.

"One, two, three! One, two, three! One, two, thr-- AAAAAAAAYY!" Nagulat ako sa sigaw ni Carlito nung biglang natumba si Jane. Mabuti na lang at malapit ako dun kaya nasalo ko siya kaagad. Ilang segundo rin sigurong nakapulupot yung kamay ko sa bewang niya. Napatingin siya dun kaya tinanggal ko naman kaagad at tumayo na siya ng maayos.

"T-thank you," nahihiya niyang sabi.

Izzia's POV

"Miz Elaine, confirmed! May problema ang ating partners!" Carlito said as he frantically walked to me, swaying his arms like a gelatin. This Carlito guy is totally creeping me out. He forces himself to act like a gay though he's not. I can sense it. He even can't speak straight beki.

I moved swiftly to his side and held his swaying arm. "Be careful with that shoe! You might just kill somebody." I stared at Jane and Adam on the stage. Yes. There's something off with them. Napansin ko na yun nung weekend but just ignored it. This time halata na siya.

"Do something," I approached Frances.

"Aba! Bakit ako?"

"You know Jane best,"

"But you know Adam best. Baka mamaya gantihan ako niyan,"

"But, do you have a plan?"

"A silly one," sabi na meron eh. Medyo baliw din kasi itong babaeng ito eh.

"The sillier, the better."

Chances of Unloving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon